Entry #28

262K 5.9K 383
                                    

Dear Future Boyfriend,

Gumising ako kanina nang masaya at natataranta. May date kasi akong ngayong araw. Pero haay... Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa bestfriend ko at bakit nya ako sinet-up sa kapatid nyang mas bata sa amin ng dalawang taon. Gah! Nakakahiya talaga kanina! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa sa kahihiyan. Idagdag pa na tahimik lang si Ashton kanina habang masayang nagsusubuan ng spaghetti yung ate nya at boyfriend nito. Parang silang dalawa lang yung tao sa loob ng restaurant. Gahd! Gusto ko nalang magtago habangbuhay kanina.

Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa arcade para maglaro. Ang sweet talaga nina Ashleen at Alex. Buong araw nalang yata akong nakanguso dahil naiinggit ako sa kanila. Gusto ko ng ganong relationship! >.<

Pero wala akong magawa kundi medyo dumikit sa baby bro ni Ashleen. Alam mo ba, pakiramdam ko talaga isa akong baby sitter kanina. Kaya siguro ako isinama ni Ashleen para maging babysitter ng kapatid nya. Hindi siguro sya pinayagan nina Tito na makipag date ng silang dalawa lang ni Alex kaya nya kasama kapatid nya. Haay. Bakit nga ba ako sumama sa date? Kasi sabi nya cute daw at talented yung ka-date ko. Oo na, sige na nga. Aaminin ko na. Cute naman talaga si Ashton at talented din. Kanina pinanuod ko syang maglaro ng basketball. Lahat ng bola pumapasok sa ring. Ang effortless nya, at sa tingin ko ‘sikreto lang to pero hwag kang mag-seselos okay?’ tingin ko kasi ang cool nya pala. Wala lang, ang cool lang nya. Parang lahat ng gawin nya ang cool. Kahit kanina habang naglalakad ang cool nya, di ko maipaliwanag kung bakit sya naging cool sa paglalakad. Pero basta may ganon syang aura.

Binigyan nya ako ng Sgt Keroro stuff toy kanina na nakuha nya sa ‘Catch and Drop’. Tatlong beses nya ginawa bago nya nakuha. Ang galing nya, kahit ilang beses ko yata gawin yon hinding hindi ako makakakuha ng laruan don. Tingin ko nga may daya yun eh! Hmmp! Pero pinatunayan ni Ashton kanina na mali pala ako. Nakakuha kasi sya. Sumaya naman ako ng kaunti at kahit paano nabawasan ang inis ko sa kanya.

Nanuod nga pala kami kanina ng movie! Yung Ouija? Nakakatakot! Mabuti pa si Ashleen may nakakapitan eh ako mas natatakot sa katabi ko kaysa sa movie. Kaya napatakbo nalang ako sa CR kanina. Huhu!

Alam mo ba, naawa ako bigla kay Ashton nung sabihin nyang nakita nya yung ex nya na may kasamang iba. Hindi ko alam na may ganon pala syang issue sa buhay. Akala ko kasi bato yun eh. Bakit ko sya nasabihan ng bato? Kasi hindi naman sya nagpapakita ng emosyon sa mukha, maliban nalang kapag nambubully sya. At yun ang pinakanakakatakot na expression na ipinakita nya. Tipong ‘Run for your liiiiiife!’. Imagine-in ko palang gusto ko ng magtago sa ilalim ng kama ko. >.<

Haay. Sorry ah, bukod kasi sa lips ko hindi na rin virgin ang kamay ko. Hinawakan kasi ni Ashton, pero hwag kang magselos kasi napilitan lang naman ako. Nandun kasi yung ex nya kaya nagpanggap nalang ako na girlfriend nya para di sya kawawa.

Ang haba na pala ng nasulat ko. Ang dami kasing nangyari kanina. Isa pa si Ashleen, medyo kakaiba kinikilos. Haay. Buti nalang bukas pupunta na kami sa Baguio! Waaaah!

PS: Wala akong bagsak na grade! I’m so happy! :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon