Entry #17

259K 7K 1K
                                    

Dear Future Boyfriend,

Hindi ko alam kung ano ang sumapi kay Ashton para pumunta sa bahay ngayong araw. Gabi na nung mag-doorbell sya. Ayoko pa nga buksan kanina kasi natatakot ako. Baka may budul-budol gang na naghihintay sa akin sa labas. Nagkunwari rin ako na walang tao sa loob para umalis na sya pero nakabukas na nga pala ang ilaw sa bahay. Nung pang-limang beses niyang patunugin ang doorbell namin saka ako lumabas. Nagulat pa ako nang makita syang naghihintay sa labas gamit ang poker face niyang mukha. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano. Nag-isip din ako kaagad ng dahilan kung bakit sya nasa tapat ng bahay namin. Nakasukbit pa sa likod nya ang gitara nya. Galing siguro sya sa practice ng banda nila.

Kung nagulat ako sa bigla nyang pagdating mas nagulat ako nang bigla nyang ibigay sa akin ang hawak nyang paper bag. May laman iyon na take-out galing sa Tokyo Tokyo. Bago ko pa sya matanong kung bakit nya ako binibigyan ng pagkain bigla nalang syang tumalikod at mabilis na naglakad paalis. Nakakagulat talaga ang nangyaring yon. Natulala yata ako ng twenty seconds bago pumasok sa loob ng bahay.

Kaya kung nainis ka man sa kanya dahil sa pagsusumbong ko sa’yo nung nakaraang entry ko, binabawi ko na yon. Hindi pala sya salbahe. Wirdo lang siguro syang bata. Napawi yung inis ko sa kanya dahil pinawi naman nya ang gutom ko. Haha! :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon