Entry #52

182K 4.6K 140
                                    

Dear Future Boyfriend,

Kumalma na ako. Uminom ako ng maraming gatas, tsaa at tubig para lang kumalma. Siguro okay na rin na hindi nya sinagot ang tawag ko. Hindi rin kasi ako handa kung sakali man na tama ang hinala ko. Ano’ng gagawin ko kung sya nga yon? Kakausapin ko parin ba sya bilang Mr Creeper o lalayo ako? Lalayuan ko ba si Ashton? Sasabihin ko ba sa kanya na alam ko na?

Hindi ko makalimutan ang ngiti nya habang nakatingin sa cellphone nya sa harap ng fireplace. Kung gaano ka-soft ng features ng mukha nya non, tumatak sa isip ko. Ka-text ko rin non si Mr Creeper. Coincidence rin ba yon?

Hindi naman ako galit dahil hindi nya sinabi ang pangalan nya sa akin. Hindi rin ako galit kung nilihim man nya. Actually, nagulat lang talaga ako. Hindi ko kasi alam na magiging sya ‘yon. Kung si Ashton nga yon. Hindi parin kasi ako makapaniwala. Medyo natatakot ako nang kaunti.

If ever, at isa ‘yong malaking IF, na sya nga si Ashton... alam kaya ni Ashleen ang tungkol dito? Magkapatid sila at close silang dalawa. Nasabi kaya ni Ashton kay Ashleen? Kaya ba nya ako pinupush sa kapatid nya? Kung alam ni Ashleen...

May naalala ako bigla. Sinabi sa akin dati ni Ashleen na ibinigay nya ang number ko kay Ashton para mag-sorry. Coincide—Ah! Ayoko na muna mag-isip! Ayoko pa! Ayaw! Sumasakit na ang ulo ko. Makikipaglaro nalang muna ako kay Toothless.

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon