Entry #63

166K 4.1K 377
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nandito ako sa book store ni Lola at nakiki-wifi. Ito na yata ang isa sa mga pinaka-lumang book store dito sa Baguio. Ang alam ko, itinayo ito noong nag-asawa si Lola. Sila pa mismong dalawa ni Lolo ang gumawa at nagpintura ng ilang kahoy na bookshelves pati na rin ang walls at kisame. Ang bango dito, amoy lumang libro at kape. Katabi lang kasi yung coffee shop na kinainan namin ni Ashton dati.

Inamin ko na nga pala kay Lola ang totoong nangyari nung araw na sinabi ni Ashton na boyfriend ko sya. Sinabi ko kay Lola na ayaw ko kay Steve kaya naman ginawa yon ni Ashton para hindi na ako pormahan nung apo ng bestfriend nya. Pero alam mo ba, nagulat nalang ako kasi imbes na magalit, ngumiti lang sya nang malapad. Para bang may ibig sabihin ang ngiti na yon, tinapik nya pa ako sa balikat ko saka sya pumunta sa garden para mag-cross stitch. Ano kaya yung iniisip ni Lola?

Naiinip na ako sa bahay ni Lola kaya tumulong nalang ako sa pagbabantay nitong book store. Napalibutan na naman ako ng mga libro. Naalala ko na naman yung trilogy na di ko binasa ang third book kasi namatay yung babae. Na-spoil ako sa post sa facebook! Hindi ako maka-move on! >.<

Ikaw future boyfriend, ano kaya ang paborito mong book?

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon