Entry #21

254K 6K 145
                                    

Dear Future Boyfriend,

Umuwi ako ngayong araw nang tulala. Pagkapasok ko palang kanina sa school, hindi ko alam kung praning ba ako dahil sa nangyari kahapon, feeling ko lahat sila nakatingin sa akin. Feeling ko yung mga tumatawa sa corridor ay ako ang tinatawanan. Waah! Nababaliw na ako! >.<

Hindi pa nakatulong na Calculus ang unang exam namin kanina na sinundan ng Rizal. Sigurado pasang awa na naman ako. Pinilit ko naman na mag-review at nakailang sampal na ako sa pisngi ko kapag lumilipad ang isip ko at pumupunta sa nangyari kahapon. May pumasok din naman sa utak ko mula sa mga nireview ko. Tinulungan din ako ni Ashleen kanina magreview sa Calc.

Alam mo ba ang dami nilang nanunukso sa akin kanina. Pano ba naman kasi marami rin kaming classmates na umattend ng birthday party kahapon. WAAH! Ang kahihiyan ko! Nilipad na ng hangin. Huhu!

Mabuti nalang busy sa school. Hindi ko nakita ngayon ang salarin sa nangyari kahapon. Hindi ko talaga sya patatawarin. Dahil sa kanya pati yung crush ko pinagtatawanan ako! Teka! Ex-crush ko na pala si Ryan! May girlfriend na nga pala sya. Huhu! Isa pa yon, nagmo-move on ako eh! Nakita ko na naman sya! Hmmp!

Pero hwag kang mag-selos. Ikaw parin naman ang mamahalin ko eh. :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now