Entry #31

225K 4.9K 127
                                    

Dear Future Boyfriend,

Ano ba ang ginawa ko ngayong araw na pwede kong i-share sayo? Wala naman masyadong nangyari. Nag-enjoy lang kami kanina sa pagsakay sa kabayo at pagkain ng bulalo. Masarap ang bulalo nila rito sa Baguio.

Ah! Remember yung nag-text sa’kin dati? Nalaman ko na sya pala ang nagpadala sa akin ng vitamins noon na akala ko galing kay Ryan. Akala ko naghahanap lang sya ng textmate pero mukhang secret admirer ko yata? Siguro kung sa ibang babae matutuwa sila pero kasi... mas gusto kong nakikita yung tao bago ko pagkatiwalaan. Nag-iisa akong anak na babae kaya naman iniingatan ako nina Mama. Kahit si kuya overprotective pagdating sakin. Na-drill sa isip ko na hwag magtitiwala sa ibang tao nang ganon kadali. Marami pa naman nabibiktima sa mga text text na yan. Kaya ayoko talaga sa kanya.

Kaso kanina nagpakilala sya. Nash Reyes daw. Wala akong kilalang Nash Reyes. Real name nya kaya yon?

May sinabi sya sa’kin na may point naman pero... Haay... Ano ba ang gagawin ko? Itanong ko kaya kay Ashleen? Hmm.

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon