Entry #18

261K 6.3K 424
                                    

Dear Future Boyfriend,

Umiiyak ang puso ko’t sumisigaaaaw~ Alam mo ba na LSS ako sa kantang ito ngayon? Nakasampung beses ko na yata itong kinanta ngayong araw. Dinownload ko pa ang mp3 nito at naghanap ng iba’t ibang cover ng kanta sa youtube. Brokenhearted ako ngayon. Sawi ako. Sawi! Akala ko sya ikaw kaya naman nag-assume ako pero hindi pala! Hindi pala ikaw sya! Hindi pala si Ryan ang future boyfriend ko dahil nakita ko syang may kaholding hands sa supermarket! WAAAAAAHH! Ang sakit sakit! Bakit ba kasi ako nag-assume na sya ikaw? Dahil ba matangkad sya? Dahil ba cute ang chinito nyang mata? Dahil ba talented sya? Kasalanan ko rin naman ito.

Simula ngayon ayoko na sa mga lalaking matatangkad, basketball player at chinito! >.<

Bakit nga ba ang puso pag nagmamahal na ay sadyang nakapagtatakaaaa~

Hayaan ko na nga! Lahat ng bitterness ko sa katawan ay tatapatan ko ng asukal! Ibuhos ko kaya lahat ng sugar dito sa bine-bake ko? Huhu! Pero hwag na, baka masuka sa tamis yung taong pagbibigyan ko nito bukas. Baka maging halimaw yun bigla.

I can wait forever, if you say you'll be there, too

I can wait forever, if you will, I know it's worth it all

To spend my life alone with you~

Please. Please dumating ka na. :(

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon