Entry #29

232K 5.1K 191
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nandito na kami sa bahay ni Lola. :D

Noong bata pa ako, siguro mga ten years ago, natatakot akong pumunta sa bahay ni Lola dito sa Baguio. Alam mo kasi, itong bahay nya medyo may kalumaan na. Ilang beses na syang na-renovate pero na-preserve parin naman yung original na structure. Mukhang panahon pa ng kastila sya itinayo. Yung mga pinsan ko palagi kaming kinukwentuhan ng mga nakakatakot na stories tuwing nagbabakasyon din sila dito. Kaya siguro ganon ang nangyari, natanim na sakin yung kwento tungkol sa babaeng umiiyak sa banyo, pati na rin yung batang naglalaro sa ilalim ng lamesa. Ang pinaka-nakakatakot sa lahat ay yung lalaking nakaitim, may pulang mata na nakatayo sa likod ng pinto at nanunuod sa mga taong natutulog. May mga dwende rin daw sa garden ni Lola at mga nuno sa punso. O diba? Ang creepy! >.<

Wala dito ang mga pinsan ko kasi sa Palawan sila nagbakasyon ngayon. Kaya kami ni kuya parehong solo sa kwarto. Makatulog kaya ako? Paano kung may tumabi sakin? Ano’ng gagawin ko? Waaah! >.<

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon