Kayleen

301K 6.8K 1.8K
                                    

Kayleen

Masigabong palakpakan ang ibinigay namin lahat para sa banda ni Ashton.  Naluluha ako para sa regalo nya sa akin. Kumanta sya sa harap ng maraming tao para sa akin. Palagi nalang syang gumagawa ng mga bagay na nakakapagpasaya sa akin at hindi ko mapigilan na mas lalong mahulog sa kanya. Kung may idea lang sana sya sa kung gaano ko sya kamahal ngayon.

May mga lalaking nag-ligpit ng instruments ng banda ni Ashton. Lumapit sya sa akin matapos nyang ibigay ang gitara nya sa isa sa mga lalaki. Naglahad sya bigla ng isang kamay sa harapan ko. Tinignan ko yon nang namimilog ang mata. Bigla nalang tumugtog na instrumental music. Ano ‘to? Mamaya pa ang eighteen roses ah! Nabago ba ang programme?

“Can I have this dance?”

Medyo nalaglag ang panga ko. Hala! Sinasabi ko na nga ba dapat talaga kasama ako sa nagplano ng programme baka may nakalimutan sabihin sa akin kahapon si Mama. Ilang beses ko pa naman syang tinanong kung ano ang mga dapat kong gawin. Umupo lang daw ako sa gitna at manood ng programme, pagkatapos non makikipag-sayaw na ako para sa eighteen roses! Pero hindi naman si Ashton ang first dance ko eh! Si Kuya yon dapat. Ano ba ang nangyari?

Nakita ko sina Ashleen, Trisha at tatlo ko pang pinsan na babae na tumayo. Ano ‘to?! May mga kani-kanila silang partners at pumunta rin sa gitna. Kahit si Kuya Dylan at Kuya Kean ay nakatayo kasama ang iba pang mga lalaki.

Nahigit ko ang hininga ko nang malaman kung ano ito. Cotillion! Bakit may ganito sa debut ko? Wala naman nito sa programme! Shucks! Hindi ako marunong sumayaw! Kaya rin ba wala si Ashleen nang tatlong araw at palagi syang busy ay dahil nag-practice sila ng sayaw?

Nawala yata ang kulay sa mukha ko. Pinagpawisan ako nang husto. Ayokong sumayaw! Ayokong mapahiya sa debut ko. Hinanap ng mga mata ko si Mama para sumenyas sa kanya na ayaw ko. Hindi ko sila makita ni Papa.

“Kayleen,” bulong ni Ashton na nakapagpabalik ng tingin ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nakaluhod na pala sya sa harap ko at nakatingin sa akin nang diretso. “Trust me.”

“P-Pero hindi ako marunong sumayaw Ashton,” nanginginig na bulong ko pabalik.

“I’ll guide you.”

“A-ayoko.” Nahigpitan ko ang kapit ko sa upuan ko. Hindi nila ako mapapatayo dito!

Ngumiti sya sa akin. Nakakainis ang ngiti nya! Parang hindi ako makakatanggi dahil sa nakakatunaw na ngiting yon! Bakit nya ginagamit to sakin ngayon?! Sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit ngayon pa nya napili na ngumiti nang ganito? Ayoko talagang sumayaw.

“Mary Kayleen Santos.” Kumikinang ang mga mata nya habang binabanggit ang buo kong pangalan. “Will you have this dance with me?”

Nooooooooooooo!!!

Iba ang sinisigaw ng isip ko sa sinasabi ng puso ko. At dahil nga nagwawala ang puso ko sa sobrang kaba at saya dahil kay Ashton, nalito ang isip ko at wala akong ibang nagawa kundi ang ibigay sa kanya ang isang kamay ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at narinig kong nagpalakpakan ang mga tao.

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now