PROLOGUE

771 45 9
                                    

*bang*

*bang*

*bang*

"Aevaaaaaa!!" she cried out loud when she saw her twin sister beside their stairs. Inisip nya na sana hindi na lang nagising ang kapatid nya mula sa pagkakatulog nito.

"Aera?" Aeva said in a sleepy voice while rubbing her eyes. She's going down stairs to Aera.

"Aeva!! Don't!" sigaw nya habang naiyak. Napatigil naman si Aeva sa pagbaba at nagising na ng tuluyan ang kanyang diwa. Napansin nyang may ibang mga tao sa loob ng kanilang bahay at ang isa sa mga iyon ay hawak hawak ang kanyang kapatid.

"Aeva! Run!" sigaw muli ng kapatid nang makitang hindi kumikilos ang kapatid sa kinatatayuan nito.

"W-who are t-they, A---"

"JUST RUN FOR YOUR LIFE, AEVA!" sigaw ng batang si Aera. Tinutukan naman ng naka-bonet na lalaki ng baril sa ulo si Aera. "Subukan mong tumakbo at papuputukin ko ang ulo ng kapatid mo!"

Nagulat si Aeva sa nakita at nalilitong tumingin tingin sa paligid. Kung tatakbo sya at aalis ay mapapahamak ang kanyang kapatid. Kung hindi naman sya aalis ay hindi sya makakapagsumbong sa mga pulis. Hindi na nya malaman ang kanyang gagawin sa mga oras na iyon.

"Tumakbo ka na Aeva. Kaya ko na 'to" umiiyak na sabi ng bata.

Bumaba ng hagdan si Aeva na syang ikinagulat ni Aera. "Aeva! Tumakbo ka na!" sigaw nyang muli. Ngunit hindi nagpatinag ang kanyang kapatid. "Hindi ko iiwan ang kakambal ko. Hindi kita iiwan dito, Aera" umiiyak na sabi ni Aeva.

"Ayan, ganyan nga" biglang nagsalita ang lalaking may bonet na may hawak ng baril. "Tama yan... H'wag mong iiwan ang kapatid mo, nang sa gayon magkasama kayo hanggang kamatayan" nanlamig naman si Aera sa kanyang narinig at napatingin sa kanyang kapatid na halatang takot na takot na.

Tinitigan ni Aera ang kapatid tanda na may gagawin na sila at iyon na ang tamang panahon para makatakas. Tumango naman si Aeva ng ma-gets nya ang pinupunto ng kapatid.

Nagbilang sila hanggang tatlo sa kanilang isipan at..

"ARAAAAYYYYYY" sigaw ng lalaking naka-bonet na may hawak kay Aeva dahil bigla nya itong sinipa sa maselang bahagi nito at itinulak.

Samantalang si Aera naman ay kinagat ang kamay ng lalaking may hawak sa kanya dahilan ng pagkalaglag ng baril nito. Sinipa nya rin ito at lumapit sa kapatid.

"Tara na Aeva! Tumakas na tayo" sabay takbo ng dalawa palabas ng bahay.

*bang*

*bang*

*bang*

*bang*

Apat na putok ng baril ang umalingasaw sa loob ng bahay. Isa para kay Aera at tatlo para kay Aeva. Pareho silang napahiga sa sahig ng may tama ng bala.

"TAAS ANG KAMAY!" sigaw ng isang pulis na may kasama pang ibang pulis. Tumakbo naman ang dalawang lalaking may bonet papunta sa garden nila at hinabol ng mga pulis.

"A-aeva?" nanginginig naman na inaabot ni Aera ang kamay ng kakambal na naliligo na sa sarili nitong dugo.

Nag-aagaw na buhay naman si Aeva na inabot din ang kamay ng kakambal. "M-mahal.." hirap na hirap ng magsalita si Aeva dahil na rin sa paghina ng kanyang katawan na marami ng nawalang dugo. "Na.. M-mahal... K-ki... K-kita" tuloy pa nito. "A-aera" umiiyak na sabi nito.

Hindi mapigilan ni Aera na maiyak sa nakikitang paghihirap ng kakambal. "A-aeva please.. Kaya mo yan" humahagulgol na sabi ni Aera. "Please" sabi nito at pinisil ang kamay ng kapatid.

Pilit na ngumiti ang bata sa kanyang kapatid kahit nahihirapan na. "K-kaya mo y-yan.. A-ae...ra"

Kitang-kita naman ni Aera kung paano nawalan ng buhay ang kapatid. Wala na syang nagawa kundi ang umiyak at banggitin ng banggitin ang pangalan ng kakambal.

~~~~~

"H'wag ka ng makipag-habulan, Aera!" sigaw ng isang lalaking humahabol sa batang labing dalawang taong gulang. "Lumabas ka na, Aera. Hindi ka naman masasaktan eh" pahabol na sabi pa nito.

Dahan-dahan namang naglalakad ang bata habang nagtatago sa lalaking kanina pang nahabol sa kanya.

"Lumabas ka na bata" sabi nito sa mahinang paraan. Sa hindi sinasadya ay nakagawa ng ingay si Aera dahil naapakan nya ang mga tuyong dahon na nanlaglag sa puno.

Nakita sya ng lalaki at hinabol. "H'wag ka ng tumakbo pa!" sigaw nito habang hinahabol sya. Patuloy sa pagtakbo ang bata sa loob ng kakahuyan.

May mga nagtangka kasing kumidnap sa kanya, nagkaroon lamang sya ng pagkakataon upang makatakas ng umalis sandali ang bantay nya. Ngunit nahuli sya ng isa pang bantay.

"H'wag mo ng tangkain pang tumakas bata! Mahuhuli at mahuhuli rin kita!" sigaw pa ng nahabol sa kanya.

Kung saan-saan sya pumupunta at tumatakbo para makatakas ngunit masyado itong mahirap dahil nasa loob sila ng kakahuyan.

Napatigil sya sa pagtakbo ng mapunta sya sa dead end. Bangin na ang kaharap nya ngayon. "Sabi ko naman sayo.." bigla syang napaharap sa nagsalita.

"Wala ka ng matatakbuhan pa. Sumama ka na lang sakin pabalik sa hideout, maililigtas pa kita." alok pa nito sa bata. Napaatras si Aera at kamuntikan na syang mahulog dahil medyo nadulas ang kanyang paa. "Dyan ka lang bata, h'wag kang gagalaw. Baka mahulog ka" unti-unting lumapit ang lalaki sa kanya. Hindi na sya makaatras dahil bangin na ang nasa likod nya.

Ilang hakbang na lang at makakalapit na sa kanya ang lalaki hanggang sa.. "Huli k---"

"AHHHHHHHHH" nadulas at nalaglag ang bata sa bangin na may taas na walumpu't siyam na dipa.

~~~~~

"Wala na sya boss, nahulog sya kanina sa bangin na halos may taas na siyamnapung dipa." sabi ng isang lalaki.

[Mabuti kung ganun! Siguraduhin nyong walang matitirang impormasyon tungkol sa bangkay nya. Gusto ko ng pulido.] sabi ng kausap nya sa telepono.

"Yes, boss. Maliwanag" sang-ayon pa nito.

[Mabuti ng malinaw. Ikaw ng bahala dyan.] sabay patay ng telepono.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now