CHAPTER 37

61 13 9
                                    

Axcel's Pov,

"ZERAAAAA!!!"

"ZERAAAAA!!!"

"ZERAAAAA!!!"

"ZERAAAAAAAAAAAAA!!!"

Sigaw ako ng sigaw dahil hinahanap ko sya. Tumakbo sya kanina palabas ng bahay, alam kong narinig nya ang pinag-uusapan namin ni Mama kanina.

Kanina pa namin sya hinahanap, alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin namin siya nakikita. Nasaan ka na kaya? Ano ng nangyayari sayo ngayon? Ayos ka lang ba kung nasaan ka?

Kung ano-ano na ang sumusulpot na tanong sa utak ko. Tumawag na din sina Mama ng mga pulis para tumulong sa amin na maghanap kay Zera, maski si Ate Adeine at Papa ay napa-uwi na sa pag-aalala kay Zera. Tinry ko ng tawagan ang mga kaibigan ko para tanungin sila kung kasama nila si Zera o di kaya nagpunta sa kanila pero wala, tumutulong na rin sila ngayon sa paghahanap.

"ZERAAAAA!!!"

Sigaw ko pang muli pero kahit anong pag-sigaw ang gawin ko walang Zerafina na nalabas.

"ZERAFINAAAAAA!!! NASAAN KAAAAA???"

"AERAAAAAAA!!!"

Nasaan ka na ba, Zera? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari talagang masama sayo.

"Zera, nasaan ka na? Magpakita ka na naman sakin!" sabi ko sa mahinang boses. Dala ko ang kotse ko sa paghahanap ko sa kanya, halos nalibot ko na rin ang buong village namin pero wala sya.

"Sa condo nya..." agad akong sumakay sa loob ng kotse ko at pinaharurot iyon papunta sa building ng condo nya.

*beep*

*beep*

Busina ko. Ang tagal kasing magpatawid nung traffic enforcer, kita ng may hinahanap tapos ang tagal pa!

Umusad na yung kotseng nasa harapan ko at pati na rin ako. Wala pang ilang minuto na nakakatakbo ang galaw ng mga sasakyan bigla na namang tumigil at nagka-traffic.

"P*ta!" napahampas ako sa manibela ng kotse ko. Lintek na! Ano ba 'to?!

Ibinaba ko ang bintana ng pintong katabi ko. Dinungaw ko ang ulo ko at bumusina.

*beep*

*beep*

*beep*

"HOYYY!! ANO BA HINDI PA BA UUSAD??! NAGMAMADALI AKO, MAY HINAHABOL AKONG TAO!!" sigaw ko sa inis ko. Tumingin naman sakin yung ibang mga driver ng sasakyan. Wala akong paki sa kanila.

May lumapit naman na traffic enforcer sa may sasakyan ko. "Boss, pasensya na ho. May nagkabanggaan ho kasi." paliwanag ng traffic enforcer.

"Matagal pa ba yon, Kuya? Nagmamadali kasi ako, hinahanap ko yung girlfriend ko. Nawawala kasi." sabi ko naman sa kanya.

"Sandali na lang po yon, boss. Inaalis na sa kalsada yung sasakyan na nagkabanggaan. Pasensya na ho talaga." sabi pa nya.

Tinanguan ko na lang sya, pagka-alis nya ay sinara ko na ang bintana ng kotse. Matapos ang labing-limang minuto ay naitabi na ang mga nagbungguang sasakyan at maluwag na naman ang kalsada.

~~~~~

Pagkarating ko sa tapat ng condo unit nya ay in-enter ko na kaagad ang passcode at pumasok sa loob.

"Zeee?" tawag ko.

"Zeraa?" tawag ko ulit sa kanya.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now