CHAPTER 5

193 22 8
                                    

Zerafina's Pov,

Three days had passed, hindi na ganoon ka weird sina Tita. But still, iniimbitahan pa rin nya ako sa bahay nila para dun mag-dinner. Minsan tumatanggi ako, minsan kasi hindi na ko pinapaalis at doon na lang pinapatulog. Gaya na lang ngayon, ito ako nakahiga sa kama ko sa bahay nila.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. During those three days, wala namang kakaibang nangyari like the other days na para silang praning.

*knock knock*

*knock knock*

Bumangon ako at inayos ang buhok ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan.

"Bakit?" It's Axcel.

"Bumaba ka na, kak--- SH*T!!!" bigla syang umiwas ng tingin sakin. Problema nito?

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka pa naliligo?" tanong nya habang nakatingin sa kanan at nakapikit.

Inamoy ko ang sarili ko. Wala namang amoy ah. "Hindi pa. Bakit ba? Maya na ko maliligo."

Nakapikit nyang inabot yung doorknob at dahan-dahang isinara ang pinto. "Maligo ka na, at kung pwede magsuot ka na ng bra..."

*click*

(Doorknobs closed)

Tulala akong napatalikod at dahan dahang tumingin pababa...

"T*NG*N*!!!!!"

"F*CKSH*T!!"

"B*LLSH*T!!"

"D*MN!!"

Napatakip ako sa hinaharap ko. Hindi pala ako nakapagsuot ng bra!!! Waaaaaaaaaaaa!!! Huta naman!!! Bestfriend ko nakita akong walan--- WAAAAAAAAAA!!!

NAKAKAHIYA!!!

Napatakbo ako ng mabilis sa banyo at naligo. Huhuhu!

~~~~~

Tahimik kaming kumakain ng almusal. Walang imik sina Tita at Tito. Si Ate Ads naman maaga daw umalis, may kailangan daw asikasuhin. Tapos si... A-axcel, ahh, ahm, tahimik lang syang kumakain.

Ang awkward sh*t!

"Ehem!" tumikhim naman si Tito Augustus kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya. "Free pala ako ngayong araw, baka gusto nyong mag-bonding tayo." suggest ni Tito.

"Hmm.. Good idea yan. Ano kids? Bonding tayo!" aya din ni Tita.

"Ma, we're not kids anymore." walang emosyong sabi ni Axcel. Cold treatment si bes. Awkward talaga. Katabi ko pa sya ngayon. Kasi naman eh!

"Yeah right, Axcel." pag-sang-ayon na lang ni Tita. Bumaling naman sya sa akin. "Zera, sumama ka sa amin." alok ni Tita.

"Ah.. No thanks, Tita. Uuwi na lang po ako sa condo ko." then I smiled. Ayoko naman kasing panghabang-buhay maging sampid sa pamilya nila. Not totally sampid, ayoko naman kasing maging pabigat masyado sa kanila. Sila na ang nagpalaki sa akin. Kaya naman ngayong malaki na ako at kaya ko ng mabuhay mag-isa, hindi na ako aasa sa mga ibibigay nila sakin. "Sobra-sobra na po kasi yung naitulong nyo sakin Tita and Tito. Since the day na nawala sila Mommy, kayo na yung tumayong mga magulang ko. Ayoko naman po kasing maging pabigat sa inyo." dagdag ko pa.

"We insist, hija. Sumama ka na sa amin. Parang anak ka na rin namin ni Milan, and we are happy na makasama ka." paliwanag ni Tito. He really looks like my father. Their attitudes were the same. Hindi maipagkakailang mag-bestfriends talaga sila.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now