CHAPTER 13

100 20 9
                                    

Axcel's Pov,

"Hindi ka pa ba uuwi?" nilingon ko si Steff habang nakasandal pa rin sa hamba ng pinto ng kwarto ni Zera. Nandito pa rin kami condo unit ni Zera.

"Babantayan ko na muna sya." tiningnan ko ulit ang natutulog na si Zera. Nakatulog sya kanina habang naiyak.

Naramdaman kong lumapit sakin si Steff at tinapik nya ako sa balikat. "Sorry talaga ha.." sabi nya ulit. Maka-ilang beses na nyang sinasabi yan.

"It's not your fault, okay? Sige na umuwi ka na." sabi ko sa kanya. Past ten midnight na rin kasi.

"Sige, ikaw nang bahala sa kanya ha." I smiled at her. Niyakap nya ako bago sya umalis. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinext si Steff ng 'Take care and Goodnight'. She's still my friend.

Naglakad ako palapit kay Zera, pinakatitigan ko sya ng mabuti. Bakas sa mukha nya ang mga tuyong luha na pumatak at tumulo galing sa kanyang mga mata nya. Bakas rin sa mukha nya ang pagkalungkot.

Hinawakan ko ang kamay nya at marahan iyong pinisil. Huminga ako ng malalim. "Maging malakas ka, Zera. Para sa kanila at para sa sarili mo. Pilitin mong bumangon sa sakit na nararamdaman at nararanasan mo noon hanggang ngayon, h'wag mong hayaan na ibaon ka non, h'wag mong hayaan na iyon ang humila sayo pababa at patayin ka hanggang sa huli mong hininga. Labanan mo.." hinawakan ko ang pisngi nya. "Thirteen years had passed, and still the pain is in you. How long would you suffer against it? Can't you just let go and move on with your life..." kausap ko pa sa tulog.

"Sana maka-move on ka na. Sana matutunan mo ng makabangon mula sa nakaraan. Sana maging maayos ka na. Sana h'wag mo na ring sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng kakambal mo." hinalikan ko ang kamay nya at inayos ang pagkakakumot sa kanya. "Goodnight, Aera." I kissed her forehead as I call her real first name.

~~~~~

The door of Zera's room opened and she came out. She looked at me very plain and went inside the kitchen. "Why are you still here?" tanong nya habang nagsasalin ng tubig sa baso at uminom.

"Hindi ako umuwi kagabi, binantayan kita." sabi ko habang nagluluto ng fried rice.

Ka-muntikan na syang masamid. "You slept here?" takang tanong nya. Kumuha sya ng tissue at nagpunas ng bibig. Tumango-tango naman ako. "Where?" tanong nya ulit.

"Sa couch." simpleng sagot ko.

"May guestroom ah." sabi nya pa.

"Hindi na ako natulog dun, mas okay na ako sa couch." sagot ko.

"Ahh.." - sya.

Hinango ko na yung fried rice sa frying pan at inilagay sa mesa. "Kain na." ipinaglagay ko sya ng pagkain sa plato nya.

Kumain kami ng tahimik hanggang sa nagsalita sya. "Thank you.." rinig kong sabi nya.

Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "No problem." I smiled.

Bigla syang tumayo at niyakap ako. Niyakap ko din naman sya pabalik. "Kakagulat ka ha, bigla-bigla ka na lang nang-aakap." natatawang sabi ko.

"Aww!" pinalo nya kasi ako ng mahina sa likod. "H'wag kang maarte dyan, mahina lang yon." sabi nya at alam kong nakangiti sya.

"Hahahaha oo na." sabi ko na lang. Bumitaw ako sa yakap. "Kumain ka na ulit, ubusin mo yan." turo ko sa pagkain nya.

"Opo, Master." tumatawang sagot nya.

"Good dog." sabi ko at tumawa.

"Gusto mong mabuhusan ng malamig na tubig?" nag-beautiful eyes pa sya habang sinasabi yon.

"Joke lang, hahahaha!" nag-peace sign naman ako. Kapag kasi sinabi kong 'oo', gagawin nya talaga yun.

Habang kumakain kami ay nag-ku-kwentuhan kami at pina-kwento nya sakin yung nangyari kagabi sa kanya.

"Pero thank you talaga, Axcel." tapos ay nginitian nya ako.

I smiled back. "It's nothing. Di ba nga? Ako yung Superman mo at ikaw si Louis Lane." pagpapaalala ko sa kanya. Yan kasi yung tawag nya sakin dati nung mga bata kami. Tawagan na namin yon.

"Yeah, Thanks a lot Superman." ngiti ulit nya.

Natapos kaming kumain at nag-volunteer na sya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Mabait naman yan eh, sadista nga lang. Hindi minsan, araw-araw.

"Moma tayo?" sabi nya nung lumabas sya galing kusina.

"Tapos ka na?" bilis naman nya.

Tumango sya at may hinalungkat na kung ano dun sa drawer sa may tv stand nya.

"Anong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

"Yung CD.." sabi nya.

"Anong CD?" ano bang CD hinahanap nito?

"Yung ano.. CD nga ng ano.." puro ano na lang ang naririnig ko sa kanya.

"CD nga ng ano? Ano ka ng ano eh. Ano-hin kita dyan eh." lumapit ako sa kanya at tinulungan syang maghanap ng kung ANO man yon.

"Sira! Yung ano nga kasi..." langya! Puro talaga 'ano' ang nalabas sa bibig nito eh. "ITO NA!!" tinaas nya yung kamay nya na hawak-hawak yung CD case ng Superman.

"Yan lang pala, akala ko naman kung ano na." binuksan nya yung DVD Player nya at in-insert yung CD at inayos na yung tv.

"Kuha lang ako ng snacks." paalam ko. Kumuha ako ng dalawang magkaibang chips at dalawang coke-in-can. Ayos na yan.

Umupo kami sa tapat ng tv at nagsimula ng manood.

---

Someone's Pov,

"Nakakuha ka na ba ng iba pang impormasyon tungkol sa kanya?" tanong ko sa alagad ko.

"Meron na po boss, at pinapamanmanan ko na po ulit sya sa bata ko." sagot ng kausap ko.

"Good. Ayusin mo ang trabaho mo at siguraduhin mong walang palya yang mga bata mo." utos ko sa kanya na agad naman nyang sinunod. "Makakaalis ka na."

Umalis na sya sa harapan ko at lumabas ako sa balkonahe. Tiningnan ko ang babae sa litrato na may ekis sa mukha.

"Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita at nagkakasama." kausap ko sa larawan. "Pasensya na, hindi ako nagkakaroon ng panahon at oras para sayo. Nagiging abala na rin kasi ako. Abala sa pag-iisip kung paano ka patayin... Aera." kinuha ko ang lighter na nasa kalapit ko na mesa at sinindihan ang litrato. Hinayaan kong masunog ang larawan hanggang sa mangalahati ito.

"Papatayin kita ng hindi mo namamalayan." kausap ko sa sunog na litrato.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Onde histórias criam vida. Descubra agora