CHAPTER 34

57 11 7
                                    

Zerafina's Pov,

Dalawang linggo na simula nung makalabas ako ng ospital, hindi na ako pinapauwi ni Tita Milan sa condo unit ko. Napunta lang ako para kumuha ng gamit at lagi ko ring kasama si Axcel kapag napunta ako don. Takot na din silang pag-manehohin ako ng kotse, hindi ko tuloy magamit yung kotse ko. Laging si Axcel ang driver ko, minsan nga nahihiya na ako pero sabi naman nya okay lang daw mas gusto nya nga daw na nakakasama nya ako kesa sa hindi.

"Ano yan?" tanong ni Axcel nung tumabi sya sakin. Nanonood kasi ako ng tv eh.

Da, Da, Da-Ba-Da, Da, Da, Ba-Da-Ba-Da-Ba~
Let's Go!

We'll be there! A wink and a smile and a great old time~
Yeah, We'll be there! Wherever we are, there's some fun to be found!~
We'll be there when you turn that corner~
We'll jump out the bush, with the big bear and a smile~

We'll be there~

Kanta ng tv. Naabutan ko kasi sa cartoon network yung We Bare Bears kaya naman pinanood ko na, na-miss ko rin manood nun. Tagal ko ng hindi nakanood eh.

"We Bare Bears na naman!" rinig kong sabi nya. Umakbay sya sakin tapos hinalikan nya ako sa ulo.

"Hindi ko naman kasi mapigilan manood eh, ang cute kasi nila lalo na si Panda." sabi ko habang nanonood pa din.

Last week, nag-start ng manligaw si Axcel sakin at alam na rin nila Tita at Tito at ng buong bahay yon. Kaya tuwang-tuwa silang lahat, akala mong mga naka-jackpot sa lotto.

Kahapon lang pala may pumuntang mga pulis dito at tinanong ako about sa nangyari kung bakit ako na-aksidente. Ipinaliwanag ko sa kanila na nawalan ng kontrol yung preno at break ng kotse ko nung pauwi na ako. Doon din ako nagtataka, bago naman ako umalis ng bahay at nung papunta ako sa Casa Grande Restaurant, maayos pa ang takbo ng kotse ko at gumagana pa ang preno at break pero nung pauwi na ako saka lang sya nag-ganon. Pero sabi naman ng mga pulis, iimbestigahan nila iyon at tatapusin ang kaso sa lalong madaling panahon.

Naging mas over protective sakin sina Tita simula nung maganap yon lalo na si Axcel, kahit sabihin ko pang kaya ko yung ginagawa ko ipipilit pa rin nyang sya na daw ang gagawa para sakin. Minsan naiisip ko na parang nagiging pabigat din ako sa kanila. Well oo, aaminin ko simula pagka-bata ko sa kanila na ako lumaki, medyo naging pabigat ako pero ayoko naman na pati hanggang ngayon ganon pa din. Nahihiya na rin ako sa kanila na kahit hindi naman nila ako anak or kahit ka-dugo man lang nila, ginagastusan pa rin nila ako. Yes, I can live on my own, I can survive on my own, but they wanted me to stay by their side at kahit na anong gawin ko wala rin naman akong magagawa dahil alam kong makakabuti rin sakin yung ginagawa nila.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tita Milan. "Hi, kids!" bati sa amin ni Tita Milan nung makalapit sya. Nakipag-beso sya sakin.

"Hi, Tita!" sabi ko.

"Hindi na kami bata, Ma!" sabi naman sa kanya ni Axcel. Pinalo ko naman sya ng mahina. Nanay nya si Tita tapos ginaganon nya. Hay nako!

"Sabi ko nga, malalaki na kayo. Mga dalaga at binata na, nakalimutan ko.. Nanliligaw na nga pala ang baby boy ko." natatawang tukso ni Tita tapos ay tumingin sakin. Jusko! Tama bang sinabi pa namin sa kanila? Hahahaha!

"Ma!!!" medyo may inis na sabi ni Axcel.

Natawa naman kami ni Tita sa naging reaksyon ni Ax. Para syang na-insulto sa sinabing iyon ni Tita tapos tinawag pa sya na baby boy. Well, bunso naman kasi talaga sya kaya ganun na lang si Tita kung tawagin sya ng ganon pero dahil daw malaki at binata na sya ayaw na nya na ganon ang itawag sa kanya. Hahahaha!

---

Axcel's Pov,

Nakahiga ako sa kama dito sa loob ng kwarto ko, wala kasi si Zera ngayon sinundo sya ni Steff girl's day daw kasi. Mag-bo-bonding daw sila na mag-bestfriend. Gusto ko sanang sumama kaya lang umangal yung dalawa, hindi daw pwede pang kanilang dalawa lang daw yon.

Kanina pa naman silang 10:00 am umalis at 5:00 pm na ngayon kaya baka maya-maya ihatid na rin sya dito ni Steff.

Lumabas ako ng kwarto ko, naalala ko nga pala kakausapin ko si Mama tungkol sa narinig ko sa kanya kahapon sa kausap nya sa phone nya.

Flashback..

Naglalakad ako papuntang kwarto ko, nalimutan ko kasi yung phone ko don. Nung napadaan ako sa kwarto nina Mama may narinig akong kausap nya, medyo nakabukas kasi yung pinto.

"Please.. Ayusin mo ang gagawin mong pag-iimbestiga sa kanya. Gusto kong malaman kung sya nga ba talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito. Gusto kong makasigurado at gusto kong malaman kung tama ba ang hinala ko." sino kayang kausap ni Mama sa kabilang linya.

"Hindi lang talaga maalis sa isip ko ang mga nangyari noon at ang mga nangyayari ngayon. Baka sya na naman ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga 'to. Maaaring sya ang nag-plano non, para tuluyan ng mawala si Zera." bakit ko narinig ang pangalan ni Zera? Sino ba talaga ang kausap nya?

"Sige, salamat. Balitaan mo na lang ako kapag may impormasyon ka ng nakuha mula sa kanya." narinig ko ang mga yabag ng paa nya kaya bago pa nya mahuling nandito ako ay umalis na ako.

End of Flashback..

Kaya gusto kong kausapin si Mama dahil gusto kong malaman ang tungkol doon sa pinapa-imbestigahan nya. Tungkol pala sa pinapa-imbestigahan ko noon, nalaman na namin kung sino ang lalaking nagmamasid kay Zera pero hanggang ngayon ayaw pa rin nyang kumanta.

Nakita ko si Mama na nakatayo sa may balcony dito sa ikalawang palapag ng bahay.

"Ma.." tawag ko kay Mama na nakatingin sa kawalan. Iniisip nya kaya yung pinapagawa nya dun sa taong kausap nya?

Lumingon sya sakin at ngumiti. "Oh anak? Bakit?" tanong nya at lumapit sakin.

"Pwede po ba tayong mag-usap?" tanong ko. Gusto kong malaman kung may alam ba si Mama sa mga nangyayari.

Kumunot naman ang noo nya. "Tungkol saan naman, anak?" takang tanong nya. "Mukhang seryoso yan ah." dagdag pa nya.

"Tungkol po sa mga nangyayari ngayon.. Tungkol po sa aksidente.. Tungkol po sa kausap nyo kahapon sa phone nyo.. Tungkol sa mga nangyayari kay Zera.." sagot ko.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now