CHAPTER 25

60 12 9
                                    

Adeine's Pov,

"Hello! Nasaan ka na?" tanong ko sa nasa kabilang linya. May kikitain kasi ako ngayon.

[Malapit na ako sa meeting place natin.] - sagot nya.

"Bilisan mo malapit na rin ako." sabi ko pa.

[Okay, hon. Ingat sa pagmamaneho. I lov--] - ibinaba ko na ang tawag kahit hindi pa sya tapos magsalita.

"Tsk." ibinato ko ang phone ko sa passenger's seat at mabilis pinaandar ang kotse ko. Tapos na ang business meeting namin ngayong Sabado. Nandito na ako sa Manila pero hindi pa ako umuuwi ng bahay.

Nakarating ako sa meeting place namin at nakita kong nandon na sya. Umupo ako sa tapat nya at nginitian nya ako.

"Hi, hon! Kamusta?" bati nya sakin, hahalikan nya sana ako sa pisnge pero umiwas ako.

Umupo ulit sya sa katapat ko na upuan. "Ang ganda mo pa rin talaga kahit na ang sungit mo." sabi nya.

I glared at him. "I am not here para makipag-landian sayo." tapos ay inirapan ko sya.

"Hindi naman ako nakikipag-landian lang, seryoso ako sayo." sabi pa nya.

"Whatever. Nasaan na yung hinihingi ko sayo?" pinag-taasan ko sya ng kilay.

Inilapag nya ang isang brown envelope. "Ayan. Nandyan lahat sa loob nyan yung mga hinihingi mong impormasyon tungkol sa kanya." kinuha ko yung envelope.

"Good. Salamat dito." tumayo na ako. "Mauna na ak---"

"H'wag ka na munang umalis, kumain muna tayo dito. Please?" paki-usap nya habang hawak ang kamay ko.

I sighed.

Umupo ulit ako at pinagbigyan ang gusto nya. "Anong gusto mo? Ako na ang o-order." tapos ay tumayo sya.

"Kahit ano." sabi ko.

"Sige." naglakad na sya papuntang counter at umorder.

Si Kent yung kasama ko. Kent Lopez, kaibigan ng kapatid ko na si Axcel.

Kent Lopez isang magaling na investigator, minsan lang sya na-side line sa pag-i-investigate. Matagal ko na syang kilala since naging kaibigan sya ni Ax, ako rin sa sarili ko ang nakatuklas na isa syang investigator kaya naman sya ang kinukuha kong imbestigador ko sa lahat ng gusto kong makuhanan ng background profile. Magaling syang investigator pero iilan lang ang may alam na ganon ang trabaho nya.

"Hon, oh!" abot nya sakin ng in-order nya.

Hindi lang pala sya isang imbestigador, assumerong playboy din pala sya na nanliligaw DAW sakin.

"Sa wakas, pumayag ka din na makipag-date sakin." basag nya sa katahimikan.

"H'wag kang assuming, pinagbigyan lang kita sa gusto mo." ani ko.

---

Axcel's Pov,

Nandito ako sa loob ng kwarto, kasama ko yung gitara ko at tumutugtog.

Pagkatapos kong itono yung gitara, nagsimula na akong mag-strum.

Do you remember when I said I'll always be there~
Ever since we were ten, baby~
When we were out on a playground, playing pretends~
I didn't know it back then~

Ramdam na ramdam ko yung kanta, ewan ko ba kung bakit. Favorite song ko 'to lalo na kapag si Zera yung kinakantahan ko nito. Dati kasi nung medyo bata-bata pa kami, sya yung laging nakikinig sakin kapag nag-gi-gitara ako.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now