CHAPTER 6

153 21 8
                                    

Zerafina's Pov,

Tinakasan ko si Axcel na walang ginawa kundi ang lunurin ako ng lunurin sa tubig. Hinayupak talaga yung lalaking yon! Kapag ako namatay, wala na syang bestfriend na dyosa!

Naglakad-lakad ako sa white sand ng beach. Sobrang puti ng buhangin, ang ganda tapos blue na blue yung tubig. Ang gandang pagmasdan!!!

Nag-ikot-ikot ang paningin ko sa buong paligid. Maraming tao sa beach na 'to. Pero hindi pa naman ganoong ka-over populated yung area. Sa dami ng tao dito, may isang tao akong napansin.

Hindi ako maaaring magkamali.. Sya yun! Marahil ay napansin nya din ako dahil sumabay sya sa ibang mga tao. Sinundan ko sya kung saan sya nagtungo. Sa pagsunod ko sa kanya, hindi ko namalayang napunta na ako sa may mga puno.

"Aish! Naisahan na naman nya ako! Bwiset!" paalis na ako sa lugar na iyon ng may magtakip sa bibig ko at hinila ako.

"Hmmmmmm!!!" pag-wawala ko. Kinagat ko yung kamay nya na nagtatakip sa bibig ko.

"Ara-arayyyy!!!" sigaw nya at pinakawalan ako. Nadapa naman ako sa buhangin. Nakita ko ang itsura nya at.. "W*l*ngya ka talagang g*ga ka!" binato ko sya ng buhangin. "Akala ko kung sino! Ikaw lang pala!" putak ako ng putak pero puro tawa lang ang ginagawa nya.

"Hahahaha chill ka lang, sis!" sabi nya.

"Chill mo mukha mo!" sabi ko sabay tayo at nagpagpag ng pwetan. Sya si Steff.. Steffanie Morales. Bestfriend ko.

"Hahahaha" - sya.

"Tawa ka?" I asked and take note the sarcasm.

"Hindi, iyak.. Ahuhuhu" arte nya na parang naiyak.

"Ge, iyak ka" inis na sabi ko. "Ahuhuhuhu~" pang-aasar nya pa. Lakas tama talaga ng isang 'to.

"Yung totoo neh, mukha kang t*nga." natatawang sabi ko. "Tuwa ka naman!" sabi nya pa.

"Ewan ko sayo!" irap ko ng nakangiti. "Nga pala! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Masama na ba akong maggala? Masama na bang mag-swimming ako sa beach?" tanong nya. "Aba malay ko! Tanong mo sa pangulo baka sakaling alam nya ang sagot." sagot ko.

"Hahahaha tara tanong natin kay Pangulong Axcel." saad nya. Axcel na naman. "Oh? Why a sudden change of mood, teh?" hinawakan nya ako sa braso.

"Huh? Ah.. Wala." - Me.

"Aysus! Wala? Talaga ba?" kulit nya pa. "Ano ngaaaaaaa??" grabe talaga mangulit ang isang 'to. Hinawakan nya pa ako sa kamay ko at shinake-shake. Jusko! Umalog taba ko sa braso. Charot!

"Aish! Ito na nga sasabihin na nga.. Tara muna, maglakad-lakad muna tayo!" aya ko sa kanya. Naglakad kami sa gilid ng beach.

"So ano nga yon, sis? Kwento na dali! Masamang pinaghihintay ang diwata." sabi nya.

"Diwata sa banga?" pang-aasar ko. "Raulo ka!" tapos binatukan nya ako.

"Aray ah! Masakit yun!" singhal ko. "Kwento na kasiii!!" - sya.

"Eto nga kasi..."

Kwinento ko sa kanya yung nangyari kaninang umaga, yung simula sa pagtulog ko sa bahay nila Axcel hanggang sa kaninang nakita nya akong-- basta yun yon! Last na 'to tapos kakalimutan ko na yon!

.
.
.
.
.

"Ano?!?!" bigla syang napasigaw nung masabi ko yon sa kanya. Tinakpan ko ang bunganga nya na mukhang armalite sa daldal at lakas. "Wengya ka naman eh! Ang ingay mo!" saway ko sa kadaldalan nya.

"Sorry naman, teh! Pero seryoso?! Hindi nga?! Pero pa-paano?!" kay t*nga rin ng bestfriend kong 'to sarap upakan ng malakas eh. Hmn! Gigil ako!

"Kakukwento ko palang diba? Tapos paano? Tange lang?" ngiti ko ng naiinis.

"Ayy oo nga pala, sorry na." hinging paumanhin nya. Isa rin 'to sa nahawa sa mental disorder eh. Choss! "Pero grabe.. It's like NA-KA-KA-HI-YA! As in!" pagdidiin nya. Oo na! Nakakahiya na! Kung sya nga lang na sinabihan ko ng katangahan ko nahiya na, ako pa kayang naging tanga? Kaloka!!

"Super nakakahiya, sis! Kung alam mo lang." napa-face palm ako.

"Alam ko maman eh, kasasabi mo lang kaya. Isa ka ring t*nga sis!" puna nya sa akin. Ay! Bwiset!

"OYY!" may sumigaw sa hindi kalayuan. Nilingon namin ito at ang natakbong si Axcel ang nakita namin.

"Ayan na sya, sis!" bigla akong tinulak ni Steff paunahan. "G*ga ka!" mahinang sabi ko sa kanya.

Hinihingal na tumigil sa harapan ko si Axcel. Napagod kakatakbo ang pangulo. "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Hinahanap ka na nila Mama." aniya.

"Uy, Ax! Ayos ka lang?" pangangamusta ni Steff kay Axcel. "Steff! Nandito ka pala?" ani Axcel.

"Hindi.. Hindi ako 'to. This is just my soul. Isa lang akong naglalakbay na kaluluwa." sarcastic na sabi ni Steff.

"Not funny!" walang emosyon na sabi ni Axcel. "Let's go, Zera!" hinila na nya ako paalis.

"HOY! PAANO NAMAN AKO?! ANO IIWAN NYO NA LANG AKO DITO?!" rinig naming sigaw ni Steff. Nilingon naman sya ni Axcel. "Bumalik ka na sa family mo para makapag-bonding na kayo!" sigaw nya pabalik at nagtuloy na kami sa paglalakad.

"WALA AKONG KASAMA! AKO LANG!" sigaw ni Steff muli. "Aish. Sumunod ka kung gusto mo!" sigaw ulit ni Axcel. Nang lingunin ko si Steff ay nandito agad sya sa likod ko.

"Bilis ah" sabi ko.

"Naman!" - sya.

~~~~~

Steffanie's Pov,

Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ang suot ko. Ang cute ko talaga! Hohoho!

Inimbitahan ako ng parents nila Axcel para sumabay sa dinner nila dito sa beach resort, since wala naman akong kasama kundi ang napakaganda at cute kong sarili ay pumayag na ako.

Umangal, hindi mahahanap forever nya! Takot ka noh? Hahaha! Walang forever, mamamatay din naman tayong lahat. Charot!!

Lumabas na ako at pumunta sa restaurant na sinabi nila, dito lang din yun sa resort. "Hi Tita, Tito!" hinug ko silang pareho. "Hi, Ate Ads!" nakipag-beso ako sa kanya, close naman kami eh. "Yo, Ax!" nakipag-fistbomb ako sa kanya gaya ng nakasanayan. Nung tumapat ako kay Zera.. "H'wag ka na!" tapos umalis ako sa harap nya.

"Baliw ka talaga!" halata sa mukha nya ang inis

"HAHAHAHA" Tawa naming lahat sa naging reaksyon nya.

Close na ako sa family ni Axcel and syempre sa bestfriend kong si Zera. Kami kami rin kasi ang magkakalaro noon.

"How are you, Steff?" umpisa ni Tito ng topic nung nakain na kami.

"So far, so good Tito!" then I smiled. "Buti naman." sabi nya sabay ngiti.

"How's your parents?" Tita asked. "They're in London, Tita. They'll live there for good." sagot ko naman.

"But why are you here? Kung nasa London sina Tita." tanong naman ni Ate Adeine. "Actually, isinasama ako nila mama sa London but I refuse mas gusto ko po kasi dito sa Pilipinas." sagot ko.

"Hmm.. I see." kibit-balikat na sabi ni Tito. After ng pang-iinterview sa akin ay kung ano-ano na ang pinag-uusapan namin, naging about sa business, vacation and maging sa lovelife nagtanong sila. HAHAHAHA!

Yung samahan nila parang teenagers lang, parang magkakatropa ganun. Ang saya nilang kasama. Swear!

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora