CHAPTER 7

120 18 7
                                    

Zerafina's Pov,

Nag-stay pa kami dito sa beach resort for three days. Tito decided to have a vacation leave for three days and the company response to his absence. Sabagay, it's good for Tito to have a leave since he's the recent president of their rising company, he needs to take a break for business matters and paper works.

Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng beach. Fresh air. See breeze. Sarap sa pakiramdam. Nakaka-relax kumbaga.

"SIS!" biglang may sumigaw. Nilingon ko ito at pinalapit. It's Steff.

"Sis! Bonfire daw mamayang gabi." sabi nya sa akin. Tumango naman ako. "May problema ba, sis?" she suddenly asked.

"Hmm? Nothing." sabi ko habang sinasalubsob ang mga paa ko sa buhanginan.

"You sure? Sis?" inangkla nya ang braso nya sa braso ko. "Oo sis, I'm pretty sure!" I said then smiled at her.

Nag-ikot-ikot kami dito sa beach. We played on the water na para bang mga bata kami. Napatigil ako sa paglalaro ng may sumagi sa isip ko at mapatingin sa di kalayuan.

May dalawang batang naglalaro sa may gilid ng beach. Naghahabulan silang dalawa at tuwang-tuwa sila hanggang sa nadapa yung isang bata, napa-abante ako at mapapatakbo na sana nung makita kong imbis na umiyak ay tumawa pa ang bata at tinulungan sya ng kapatid nya para tumayo. May isang lalaki at babae naman na lumapit sa kanila at kinarga.

I felt Steffanie caressing my back. "Okay lang yan, sis." then I saw her smile. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.

"It's been 13 years since the biggest tragedy in my life happened." I smiled bitterly. How I miss those days with my family.

"I'm sure wherever they are, they were happy whenever you're happy. Kaya h'wag ka ng umiyak, sis. Huh? Mas masasaktan at malulungkot sila kung nakikita kang umiiyak." she said and hugged me. "H'wag ka ng umiyak." she comforted me.

"Hey? What happened?" biglang sulpot si Ate Adeine. I wiped my tears. "Wala Ate, may naalala lang." punas ko sa mga luha ko na patuloy pa ring umaagos.

She smiled. "Hay nako! Naalala na naman nya.. H'wag mo ng isipin yun ha. We're here for you! Okay?" pagko-comfort nya.

I nodded as a response. Ngumiti at tumawa na ako dahil si Steff kung ano-anong pagpapatawa ang ginawa.

I saw ate looked away and nakita ko din kung paano kumunot ang noo nya. Tiningnan ko kung ano yung tinititigan nya. "Tara na." aya nya sa amin ni Steff at hinila kami paalis.

~~~~~

Maya-maya lang ay magsisimula na kaming mag-bonfire, last day na rin kasi namin 'to at bukas uuwi na kami.

*knock knock*

May kumatok sa pinto at pinagbuksan ko. "Tawag na kayo."

I opened the door widely para makita ni Ate kung sino yun. "Susunod na kami, Axcel. Sige na, mauna ka na!" pagkasabi nya non ay umalis na si Axcel.

Tumayo na si Ate pagkatapos nyang ayusin yung mga gamit nya at umalis na kami. Pagka-punta namin sa beach ay nagsimula ng mag-bonfire.

Kwentuhan at bukingan ang naganap. Si Tita at Tito nauna na silang bumalik sa room nila, matutulog na daw sila. Ako, si Steff, Ate Ads at si Axcel na lang ang natitira dito.

Nakaupo ako sa isang putol na kahoy ng puno at tumingin sa ulap na nagkalat ang bituin. Nakita ko ang isang bituin na sobra ang pagkislap.

Napangiti ako. "Naalala mo na naman sya?" napatingin ako sa nagsalita. Tumingin sya sakin. "Tama ba?" katabi ko na pala sya.

Nginitian ko si Axcel. "Hindi naman maiiwasan yun diba?" tumungo ako.

---

Axcel's Pov,

"Hindi naman maiiwasan yun diba?" tapos ay tumungo sya.

Nagbuntong-hininga ako. It's too hard for me to see my bestfriend stuck in this kind of pain and situation in her life. If only I can heal her pain, ginawa ko na. Kung kaya ko lang pagpalitin ang posisyon namin sa buhay, matagal ko ng ginawa. H'wag lang syang masaktan.

I placed my arms across her right shoulder and placed her head on my chest. "Don't worry, I am here for you. Anong silbi ko bilang bestfriend mo kung hahayaan lang kitang maging malungkot? I did promised to Tita na poprotektahan kita sa kahit kanino." pagpapalakas ko ng loob nya. I know she's in deep pain nung mawala sila sa kanya, kaya lahat ginagawa namin para lang maging masaya sya.

"I know. Thank you kasi lagi kang nandyan para sakin, Axcel." kahit hindi ko nakikita ang mukha nya, alam kong nakangiti sya. "Thank you for always being there as my bestfriend. Noon palang hindi mo na ako pinabayaan. Salamat ha?" sabi nya pa.

"It's nothing." - Me.

Naramdaman kong tumulo ang luha nya. I cupped her face and wiped her tears. Masakit sa akin na makita syang umiiyak. "Don't cry, Zera. Malulungkot sila kapag nakita kang nagkakaganyan." kausap ko sa kanya.

She nodded. "Sorry." tapos ay pinunasan nya ang luha nya.

Sa sinabi nya ay may naalala ako. "Ako yung dapat na mag-sorry.." tiningnan naman nya ako ng nagtataka.

"Huh?" takang tanong nya.

"About what happened earlier, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na mapating--" she cutted me off.

"Shut up!" tapos ay tinakpan nya ang tenga nya. Oh? Anong nangyari sa kanya?

"Huy? Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"H'wag mo na ulit i-open yung topic na yon. Kinakalimutan ko na nga yung katangahan ko na yun eh." paliwanag nya. Ah, kaya pala.

"Sorry naman. Buti nga nag-sorry pa eh." sabi ko sa kanya.

"Oo na. Oo na. Apology accepted. Atsaka sorry din, kasi nalimutan ko. Ahh basta yun na yon." nakatakip pa rin sya sa tenga nya. Nakatakip nga, nakikinig din naman.

"Hahahaha! Kalimutan na natin yun." sabi ko pa.

"Yah yah yah!" sabi nya.

"Exb?" natatawang sabi ko.

"Baliw!" binatukan nya ako. "Bakit?" sabi ko pa habang natatawa. "Wala." tawa nya.

"Ayan! Dapat ganyan ka lagi, i-smile mo lang lahat. Nakakapangit ang nakasimangot. Panget ka na nga, mas pumapangi--- Ara-ara-arayyyyy!!" hinawakan ko yung kamay nya na pinipingot yung tenga ko. "Oyy! Aray! Masakit Zera!" inda ko ng sakit.

Binitawan naman nya yung tenga ko at ako naman ay hinawakan ito. "Masakit ah!"

"Hindi lang yan aabutin mo pag sinabihan mo pa ko ng panget!" singhal nya.

"Hindi na! Joke lang naman yun eh. Dyosa ka diba? Ikaw nga yung nag-iisang bestfriend ko na dyosa." Sabi ko sabay bulong ng 'DAW'.

"May sinasabi ka ba?" pinanlakihan nya ako ng mata.

"Ha? Hindi. Wala, wala wala." pagtanggi ko pa.

"Buti naman!" tapos ngumiti sya ng pagkalaki-laki. Sumandal sya sakin at inakbayan ko sya.

"Chancing ka ha!" puna ko.

"Sino kaya sa atin ang umakbay?" natatawang sabi nya.

"Hahahaha" tawa naming dalawa.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now