CHAPTER 33

80 13 11
                                    

Someone's Pov,

Nanggigigil kong ibinato ang vase na nahawakan ko. "AKALA KO BA NAG-AAGAW BUHAY NA!! PERO BAKIT NAGISING PA AT NA-DISCHARGED NA!!"

"Hindi rin po namin alam, boss." nakatungong sabi ng isa kong tauhan.

"Nakita naman po namin na may mga dugo na sa loob ng kotse nya nung mangyari ang aksidente na yon." sabi pa ng isa.

"Nakakita lang kayo ng dugo hindi nyo na sinigurado na mamamatay na sya!!!" sigaw ko.

"Pero boss, nakita ho namin syang halos mag-agaw buhay." sabat ng isa.

"Sa katunayan nga boss, na-comatose sya." sabi pa ng isa.

"KESYO NAG-AGAW BUHAY O NA-COMATOSE, BUHAY PA RIN SYA HANGGANG NGAYON!!! HUMIHINGA, NAGLALAKAD, NABUBUHAY!!" sigaw ko sa loob ng hideout. Wala ako sa opisina ko dahil dito ako nag-paderetso.

Hindi na nagsalita pa ang mga tauhan ko at nanahimik na lang. Bwiset! Bakit hindi ka mamatay-matay, Aera! Bakit?!

Hinugot ko ang baril ng tauhan ko na kalapit ko at pinaputok ko ng pinaputok ang mga bala ng baril sa kisame.

"KAILAN KA BA MAMAMATAY, AERA??! BAKIT HINDI KITA MAPATAY!!" sigaw ko ng napakalakas na rinig na rinig sa buong kabahayan na kinaroroonan ko.

---

Steffanie's Pov,

Ready na akong umalis dito sa bahay, dadalawin ko kasi si Zera sa bahay nila Axcel. Balita ko kasi nandon sya, hindi na sya pinauwi nila Tita Milan sa condo nya dahil nag-aalala sila para sa seguridad ni Zera. Mas pabor din naman ako don, atleast may kasama na si Sis.

*kring*

*kring*

*kring*

Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag ko.

Mommy Calling...

Sinagot ko ang tawag.

"Hello, Mommy!" bati ko kay Mommy. Na-miss ko sya, last week pa kasi nung huli syang tumawag. Nasa London nga kasi sila diba?

[Hi, Sweety. I miss you!] - sabi ni Mommy sa kabilang linya.

"I miss you too, Mommy!" sabi ko pabalik. "Saan po si Daddy?" tanong ko. Isa ko pang namimiss yun eh.

[Wala sya ngayon dito, Sweety. Nasa work ang Daddy mo.] - sagot naman nya.

"Ganon po ba? Eh si Kuya po?" miss ko na din yon si Kuya. Sumama kasi sya sa London, hindi ko naman sya mapilit na magpa-iwan na lang rin dito sa Pinas kasi masaya talaga sya don.

[Hahaha! Ang Kuya Ethan mo wala rin dito. Nakikipag-date! Hahaha!] - tawa ni Mommy. Ay hala! Kuya ko talaga chickboy!

"Naks naman si Kuya, halos isang buwan palang dyan may babae na! Hahaha!" tawa ko rin. Gwapo ang kuya ko, pero hindi ko maitatanggi na isa rin syang chickboy.

[Hayaan na natin ang kuya mo, makakatagpo rin sya ng magiging katapat nya. Haha!] - tawa nya ulit. Tama naman si Mommy, one day Kuya Ethan will find his match. [Nga pala, Anak. Kamusta na si Zera? Is she okay now?] - biglang tanong ni Mommy. Last week kasi nung huli nyang tawag, na-ikwento ko ang nangyaring aksidente kay Zera.

"Opo, Mommy. Okay na po sya, nung isang araw lang rin nakauwi na sya sa bahay nila Tita Milan. Doon na sya pinadaretso ni Tita, ayaw na kasi ni Tita na mag-isa si Zera." sagot ko kay Mommy. Sumakay na ako sa kotse ko. "Actually, papunta na po ako sa bahay nina Tita Milan. Dadalawin ko po si Zera." dagdag ko pa.

[Mas okay na rin na nandon sya kina Milan, atleast natututukan sya don. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo. Tatawagan ulit kita mamaya. Sige na, bye na muna Sweety.] - paalam ni Mommy.

"Bye, Mommy!" tapos ay ibinaba na nya ang tawag. Ini-start ko na ang makina ng kotse at pinaandar.

Mahigit kalahating oras lang nasa bahay na ako nina Axcel. Pinapasok agad ako ni Kuya Cesar dahil kilala naman nya ako. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si Manang Ising.

"Manang!" tawag ko sa kanya.

"Oh, Steffanie! Nandito ka pala!" bati sa akin ni Manang.

Nginitian ko lang sya. "Nasaan po si Zera?" tanong ko.

"Ahh, nandun sya sa may pool side kasama si Axcel. Puntahan mo na lang sila don." sabi nya.

"Sige po, Manang. Salamat po." tapos ay nagtungo na ako papunta sa may pool side.

Pagkarating ko don nakita ko naman si Zera at Axcel na... Ano 'to? Naglalandian? Sh*t! My eyes! Ang lalandi ng mga 'to!!

"Ehem!" tumikhim ako habang naka-cross arms nang makalapit ako sa kanila.

Napaayos naman sila. "Andyan ka pala Steff." ngiti sakin ni Axcel.

"Andyan ka pala Steff." ini-mitate ko yung sinabi nya in nang-aasar way. "Ano yon ha? Anong landian yon?" nakataas ang kilay na tanong ko.

Gosh! Pambungad sakin kay aga-aga, naglalandian!

Hindi sila sumagot. "Walang sasagot? Hoy babae! Ikaw? Walang balak?" kulbit ko kay Zera.

Tumingin sya sakin. "Kita mo naman diba? Quiet ka na lang muna! Okay? Alam ko namang alam mo na." sabi nya.

So, totoo nga? Ohmyyyyy!!

"Kayo na?!?!" sigaw ko.

"SHHH!!" saway nilang dalawa sakin.

"Ay sorry!" nag-peace sign pa ako. So, Totoo nga! Sila na?! "So, kayo na nga?" tanong ko ulit pero mahina na yung boses ko.

"Hindi pa, hindi pa nanliligaw 'to eh." turo ni Zera kay Axcel.

"Ay! Mahina ka tsong! Manligaw ka muna dito sa Sis ko." kantyaw ko pa. Hindi rin naman kasi ako papayag na hindi nya liligawan 'tong si Zera.

Ito ha! Secret lang natin 'to. Kaya ako medyo hindi nagulat nung malaman ko na may gusto din si Axcel kay Zera, well hahahaha! Oo na gulat talaga ako, kasi nga alam kong gusto din sya ni Zera.. Oha! Oha! Hahahaha! Nag-iibigan na pala ang mga bestfriend ko, lintek! Tapos ako nganga? Hahahaha! Tss.

"Oo na! Oo na! Manliligaw nga ako, maghintay lang kayo." nakukulitang sabi nya.

Tinuro ko si Zera. "Ikaw naman! Hindi pa pala nanliligaw pero nakikipaglandian ka din!" kay landi rin nitong kaibigan ko eh.

"Inggit ka lang, blee!" tapos binelatan nya ako.

"Hilahin ko yang dila mo eh!" makapang-asar 'to. Kapag ako nagka-lovelife, sya iinggitin ko. Hmp!

Kinulbit naman nya si Axcel at tinuro ako. "H'wag mong ginaganyan Zera ko ha!" singhal ni Axcel.

Aba't nakahanap ng kakampi ang bruha. Dati-rati ako kakampi nito ah! Nabaliktad na ba ang mundo?!

"Hoy! Ang landi nyo ah! Saksak ko sa baga nyo pag ako nagka-lovelife!" irap ko. Mga w*langya 'tong mga kaibigan ko, oh-oh!

"HAHAHAHAHAHA! Goodluck!" sabay nilang sabi sakin. Aba't mga bwiset talaga 'to.

"Bwiset kayo!" natatawang sabi ko. Umupo ako sa isang upuan katabi nila.

Pagkatapos nila akong asa-asarin, nag-kwentuhan kaming tatlo at dahil very supportive bestfriend nila ako at very supportive sa lovelife nila... Pina-kwento ko kung paano sila nagka-aminan. Susko! Sa ospital pa pala sila nagka-aminan! Kaya naman pala kung magtitigan sila non, wagas na wagas akala mong ube halayang sobrang lagkit kung magtitigan!

Kapag nga naman nagkaka-ibigan ang mga kaibigan mo, nganga ka na!

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Onde histórias criam vida. Descubra agora