CHAPTER 51

92 12 5
                                    

DECEMBER 7

Axcel's Pov,

Abala akong inaayos ang mga gamit ko sa loob ng kwarto ko, nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Ate Adeine.

"Ax..." tawag nya sakin.

"What do you need?" I coldly asked. Matapos kasi nung mga sagutan namin ni Ate nung mga nakaraang araw, hindi ko na sya nagawang kausapin ng maayos.

Nahihiya kasi ako sa mga asal na ipinakita ko sa kanya at sa kanila nila Mama. I felt guilty, that's why.

"Can we talk?" sagot nya sa tanong ko.

Itinapon ko muna ang hawak kong papel na basura sa maliit na basurahan sa loob ng kwarto ko bago ko sya tanguan bilang pag-sang-ayon.

She tilted her head then walks away, I followed her out of my room. Tumigil kami sa balcony ng bahay namin.

"Anong pag-uusapan natin?" pag-o-open ko ng topic sa kanya. Masyado kasi akong busy sa mga ginagawa ko ngayon, lalo pa at pinaghahandaan na namin ang pag-rescue kay Zera mula sa kamay ni Tito Greg.

She sighed before looking at me. Seryoso ang mukha nya. "I'm sorry..." panimula nya.

"I'm sorry kung nasaktan kita the passed few days. Sorry kung nasampal kita ng maraming beses, sorry kung napag-taasan kita ng boses, sorry kun-.."

"Ate.." tawag ko sa kanya.

"Sorry Axcel.." napayuko sya.

Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago tuluyang lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya. "Ate... You don't have to say sorry. Kung may dapat mang humingi ng tawad, ako yon at hindi ikaw.." I smiled at her. "Ako ang nagkamali. Ako ang hindi nakaintindi. Ako ang naging insensitive. Ako ang nakasakit. Ako ang dapat na mag-sorry, hindi ikaw. I'm sorry for being insensitive, Ate. Sorry kung nasabihan kita ng masasakit na salita. Sorry kung nadala ako ng galit at inis ko, ang gusto ko lang naman ay mahanap kaagad si Zera. Sorry naging immatured ako." hingi ko ng tawad sa kanya.

Ang totoo kasi nyan, ako naman talaga ang mali. Kahit saan mo tingnan ako yung mali. Nadala kasi ako ng inis ko nung mga panahong yon, ang tanging gusto ko lang kasi nung araw na yon ay mahanap si Zera. Hindi ko na naisip na hindi lang pala ako ang nawawalan ng mahal sa buhay pero maging sila ay nawawalan rin. Masyado akong naging makasarili nung mga araw na yon, na hindi ko man lang naisip yung nararamdaman nila. Hindi ko naisip na hindi lang ako yung nasasaktan na hindi namin makita si Zera.

I saw Ate smiled. "Nagmamahal ka lang naman kaya mo nagawa yon." ngiti nya sa akin.

This is one of the reasons why I really love my older sister, napaka-understanding nya. I know it's too gay to say this things but it's true, hindi ako magiging ganito kung wala sa buhay ko ang Ate ko na nandyan lang lagi para sa akin na handang sumuporta sa lahat ng gusto kong gawin sa buhay na kahit minsan puro kag*guhan at kalokohan ko lang ang umiiral.

"Thanks for understanding, Ate." sabi ko pa.

"It's nothing, Monks." tapos ayun masaya na ulit sya. Nakangiti na sya na parang wala ng problema pero kung kilala mo talaga sya makikita mo pa rin sa kanya yung lungkot kahit na nakangiti at nakatawa sya.

"H'wag ka ng malungkot dyan, Babs. Bukas na bukas, aalis tayo. Makukuha na natin si Zera, maililigtas na natin sya." ngiti ko sa kanya para naman mapawi ang lungkot na nararamdaman nya.

Oo, aaminin ko nalulungkot rin ako dahil medyo matagal na naming hinahanap si Zera. Pero kahit na ganon umiisip pa rin ako ng mga magagandang bagay na kahit puno ng negatibo ang utak ko, alam kong may positibo pa ring mangyayari sa buhay ko at isa na doon ang pagkikita namin ni Zera na buhay sya at masaya.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now