CHAPTER 8

116 20 9
                                    

Third Person's Pov,

"I got the pictures." sabi ng isang lalaking naka-black leather jacket at may hawak-hawak na brown envelope na naglalaman ng mga pictures.

"Oh!" abot ng isa pang lalaki ng brown envelope na naglalaman naman ng fifty thousand pesos. Nagpalitan sila ng envelope. "Makakaalis ka na." tumango naman ang lalaking naka-black leather jacket at umalis.

Tumipa naman sa telepono ang lalaking may hawak ngayon ng brown envelope na may laman ng mga litrato.

[Hello?] - ani ng nasa kabilang linya.

"Hello, boss! Nakuha ko na!" pagmamalaki nyang sabi sa kausap.

[Verygood! You always impressed me! Dalhin mo na sa akin yan!] - saad pa ng nasa kabilang linya.

"Yes, boss!" sang-ayon pa nito at naputol na ang tawag.

~~~~~

Zerafina's Pov,

"Sigurado ka bang hindi ka na sasabay sa amin, Adeine?" tanong ni Tita kay Ate Ads.

"Opo, Ma. May dadaanan pa ako. Atsaka dala ko yung kotse ko." sagot nya.

"Mag-iingat ka anak," ngiti ni Tito kay Ate at ginantihan nya naman ito ng isa ring ngiti. "Steffanie, hija. Are you sure you'll stay here? For how long?" baling naman nya kay Steff.

Tumango naman si Steff. "Two to three days pa siguro, Tito. Don't worry about me, I can handle myself. And parating din naman po yung dalawa kong pinsan to have their vacation here sa beach resort." paliwanag ni Steff.

"Mabuti kung ganoon. May makakasama ka, mahirap na ang mag-isa baka may mangyari masama sayo." saad pa ni Tito.

Tumingin naman sa akin si Tita Milan. "Zera, sumabay ka na kay Axcel." tumango naman ako.

"Sige na, Steff. Aalis na kami." paalam ni Tita sa kanya. "Bye, sis!" niyakap ko sya bago sumakay sa kotse ni Axcel.

Habang nasa byahe kami ni Axcel ay yung radio lang yung maingay.

"To be hurt,
To feel lost,
To be left out in the dark,
To be kick,
When you're down,
To feel like you've been pushed around,
To be on the edge of breaking down,
And no one's there to save you~"

"No you don't know what it's like~ Welcome to my life~" napapasabay ako sa radio sa pagkanta.

"Dalang-dala ah!" puna sakin ni Axcel na abala sa pagmamaneho.

"Alam mo naman, diba?" malungkot na sabi ko.

"Yeah, I know." lumingon sya sakin at bumalik ulit ang tingin nya sa daan.

"Hay nako! Magmaneho ka na nga lang dyan. Ayoko ng drama!" suway ko sa kanya at tumingin na lang sa labas.

"Ikaw nga yung madrama dyan eh. Pakanta-kanta pa tapos mamaya iiyak." pang-aasar nya sa akin.

"Heh! Pasalamat ka nag-da-drive ka. Kung hindi, kanina pa kita nahambalos dyan." gigil ako ng isang 'to. Sarap ipalapa sa leon na sampung taon na hindi nakakain o di kaya sa cobra na stressed.

"Hahahaha oo na! Matulog ka na lang muna dyan, mahal na Reyna." tawa nya. Lakas topak ni Panggulong Axcel. Not Pangulo, but Panggulo!

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now