CHAPTER 20

76 13 10
                                    

Zerafina's Pov,

Nagising ako na wala na si Axcel sa tabi ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at nag-daretso sa loob ng banyo.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ko sa kwarto at pumuntang kusina. Napansin kong may pagkain na may takip sa lamesa, may nakadikit din na sticky note don.

'Sorry Zera, hindi na kita ginising nung aalis ako. Pinagluto na kita ng pagkain mo, eat your breakfast, h'wag kang magpapagutom. Text me if you need something, take care.

-Super A.'

Ayan yung nakalagay sa note na nakadikit sa nakataob na plato.

"Kahit kailan talaga, ang hilig pakialamanan ang kusina ko." umiiling-iling ako ng nakangiti.

Inayos ko na ang mesa at nakitang caldereta yung ulam. "Tsk. Ang aga na naman nyang gumising!" bulong ko. Medyo matagal lutuin ang caldereta, malamang ba ang aga nun gumising makapag-luto lang nito.

Kumain ako ng kumain, halos maubos ko na yung niluto nya. Sa susunod nga magpapaturo na kong mag-luto ng ganito sa kanya, para naman kahit papano kaya kong lutuin 'tong favorite ko.

~~~~~

Pinapunta ako ni Tita Milan sa bahay nila ngayon, kakausapin nya daw ako. Tungkol saan naman kaya? Nung tumawag kasi sya sakin kanina ang sabi nya, may pag-uusapan daw kaming napakahalagang bagay.

Ano naman kaya yon?

*beep*

*beep*

Busina ko nung makarating ako sa tapat ng bahay nila. Agad naman akong pinagbuksan ng gate ni Kuya Cesar.

Ibinaba ko ang bintana sa gilid ko. "Good morning, Zera!" bati sakin ni Kuya Cesar nang makita ako.

"Good morning din, Kuya Cesar!" bati ko pabalik. Close kami nyan ni Kuya Cesar dahil nung bata ako minsan yan ang ginagawa kong kalaro, HAHAHA!

Pagka-park ko ng kotse ko ay bumaba na ako at pumasok sa loob. Nakasalubong ko naman si Manang Ising na abala sa pagwawalis. "Manang!" nag-mano ako sa kanya.

"Gabayan ka nawa ng Panginoon, Zera." aniya. Nginitian ko naman sya.

"Nasaan po si Tita?" tanong ko.

"Nadoon sya sa garden, puntahan mo na lang sya don." sagot ni Manang. "Sige po, salamat po!" si Manang Ising, matagal na yan ditong nagta-trabaho kina Tita, bata palang ako yan na ang nakagisnan kong yaya nila kaya malapit na rin ang loob ko sa kanya.

"Tita?" ani ko ng makita ko si Tita na nakaupo sa isang upuan sa garden.

"Zera!" ngiti nya ng makita ako. "Halika dito, maupo ka." tinuro nya ang isang upuan katapat nya. May tea table kasi si Tita Milan dito sa garden nya. Alagang-alaga nya 'tong garden nya na 'to, yung mga bulaklak dito sya mismo ang nagdidilig para nababantayan nya lalo na yung bulaklak nya na rose.

Humigop muna si Tita ng tsaa bago sya nagsalita. "Kamusta ka, hija?" panimula nya.

"Okay lang po ako, Tita." dumating naman si Manang Ising at inabutan ako ng pineapple juice at sandwich.

"Sigurado ka ba?" tanong nyang muli.

Tumango naman ako at sumagot. "Opo, Tita. Okay lang ako." then I smiled at her to show that I'm okay.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now