CHAPTER 29

54 15 8
                                    

Axcel's Pov,

Apat na araw na simula nung mangyari ang aksidente ni Zera at apat na araw na rin syang comatose. Hanggang ngayon in-imbestigahan pa ng mga pulis kung anong naging problema, dahil sa pag-e-examine na ginawa kay Zera hindi naman sya lasing nung mga panahon na yon at hindi naman sya marunong uminom ng liquor kaya imposibleng maaksidente sya ng dahil sa naka-inom.

"Ma! Alis na po ako." paalam ko kay Mama na nasa kusina. Nagluluto na naman yata sya.

Palabas na ako ng pinto ng bahay nang tawagin ako ni Mama. "Sandali lang, Anak!" nilingon ko sya at nakita kong papalapit sya habang may hawak-hawak na paper bag. "Oh, ayan. Pinaghanda kita ng pang-almusal mo. Alam kong hindi ka pa kumakain. Sa ospital mo na kainin yan ha?" abot ni Mama sakin.

"Thank you, Ma!" ani ko. Nginitian nya lang ako. "Sige na, Ma. Alis na ko." hinalikan ko si Mama sa noo at inilagay ang mga gamit na dala ko sa backseat ng kotse ko.

"Ingat ka, Anak!" sigaw ni Mama nung makapasok ako ng kotse. Ibinaba ko ang bintana sa may passenger's seat. "Ingat din po kayo dito." sabi ko.

Bukas pa sya makakapunta ng ospital, may mga inaasikaso pa sila Mama. Si Ate Adeine naman, dadalaw mamaya. Si Manang Ising ang nasa ospital ngayon, pag dating ko mamaya sya naman ang uuwi dahil kagabi sya na ang bantay ni Zera.

Mabilis akong nakarating sa ospital dahil wala namang traffic. Pagpasok ko sa loob ng room ni Zera ay nakita ko si Manang na naka-upong natutulog sa sofa. Tinapik ko sya sa balikat. "Manang, ako na po dito. Uwi ka na po sa bahay, matulog at magpahinga na po kayo."

Nagising naman sya. "Ay, hijo. Nandito ka na pala. Sabi pala ng nurse, papaltan na daw yung gamot ng suwero ni Zera kapag naubos na daw yon, nandyan na yung binili kong gamot sa loob ng cabinet." sabi ni Manang.

"Sige po, Manang. Ako na pong bahala don." nginitian ko sya.

"Kaya mo na ba dito, hijo?" tanong nya.

Tinanguan ko sya. "Opo, umuwi na po kayo at kayo naman po ang magpahinga." ani ko.

"Sige, hijo. Ako'y uuwi na. Alagaan mo si Zera ha? Tumawag ka sa bahay kapag nagising na sya." paalala pa nya.

"Opo." sang-ayon ko. Umalis na si Manang at inayos ko na ang mga dala kong gamit. Napaltan na rin ni Manang si Zera ng damit, hindi naman kasi pwedeng ako ang magbihis kay Zera. Hindi ko kayang mag-take advantage sa kanya, malaki ang respeto ko sa kanya.

Naalala ko yung inabot sakin ni Mama na paper bag, kinuha ko ang laman non at isang lunch box ang nakuha ko. Egg, ham, bacon and fried rice ang laman nung lunch box.

Narinig ko namang tumunog ang tyan ko kaya naman kinain ko na yon.

~~~~~

"Okay na po, Sir." tapos ay lumabas ang nurse. Pinaltan na nya yung ubos na gamot ng suwero ni Zera.

Umupo ako sa gilid ng kama ni Zera. "Apat na araw ka ng tulog, Ze. Halos mag-iisang linggo na tayo dito sa ospital. Diba ayaw mong nagtatagal ka sa loob ng ospital? Pero bakit hanggang ngayon hindi ka pa din nagising?" tiningnan ko ang kamay nya na nakalagay sa may bandang tyan nya, kinuha ko yon at hinawakan.

"Alam mo, hindi ako sanay... Hindi ako sanay na hindi ko naririnig yung boses mo. Hindi ako sanay na walang Zerafina na nanggugulo sa buhay ko. Hindi ako sanay na hindi ka nag-iingay. Hindi ako sanay na wala akong kaasaran." tumulo na yung luha ko.

"Ze, nakakabakla na yung lagi kong pag-iyak. Nakakabakla na yung mga ginagawa ko. Ikaw kasi... Ayaw mo pang gumising dyan. Hindi ka ba napapagod? Lagi ka na lang nakapikit. Lagi ka na lang tulog. Hindi ba nangangalay yang talukap ng mata mo, lagi na lang nakasara. Idilat mo na yan. Gising ka na."

"Grabe ka naman, tagal mo ng natutulog dyan apat na araw ka na dyan... Hindi ka pa ba gigising?" patuloy ang pagka-usap ko sa kanya. Alam kong naririnig nya ako.

Napa-singhap ako nang tumulong muli ang luha ko. "Namimiss ko na kakulitan mo. Namimiss ko na yung ka-malditahan mo, yung pagtataray mo, yung mga pang-aasar mo lalo na yung ka-pikunan mo kapag ini-inis kita. Namimiss ko na ang lahat, Zera. Sana naman gumising ka na. Ang dami ko pang gustong sabihin sayo. Ang dami ko pang gustong gawin kasama ka."

"Alam kong naririnig mo ako, kaya kakantahan kita ha? Makinig ka ha.." tumayo ako at kinuha ko yung dala kong gitara pagkatapos ay umupo muli sa tabi nya.

Nag-simula na akong mag-strum para sa intro.

If you ever leave me baby~
Leave some morphine at my door~
'Cause it would take a whole lot of medication~
To realize what we used to have~
We don't have it anymore~

Unang kanta ko palang sa lyrics ng kinakanta ko, tumulo na naman yung luha ko. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala si Zera sakin.

There's no religion that could save me~
No matter how long my knees are on the floor~
Ooh so keep in mind all the sacrifices I'm makin'~
Will keep you by my side~
Will keep you from walkin' out the door~

Nakakabakla man yung mga pinaggagagawa ko simula nung mga nakaraang araw, wala naman akong paki don. Ang gusto ko lang gumising ka na Zera.

'Cause there'll be no sunlight~
If I lose you, baby~
There'll be no clear skies~
If I lose you, baby~
Just like the clouds~
My eyes will do the same, if you walk away~
Everyday it will rain~

Ayokong mawala sya sa buhay ko, hindi ko kaya. Tamang-tama sakin yung kanta. Mas bumagsak yung luha ko dahil sa chorus ng kanta, kasi totoo yung sinasabi non.

I'll never be your mother's favorite~
Your daddy can't even look me in the eye~
Ooh if I was in their shoes, I'd be doing the same thing~
Sayin' there goes my little girl~
Walkin' with that troublesome guy~

Ni minsan sa buhay ko, wala akong ibang inisip kundi yung kaligtasan nya. Lagi ko syang iniisip kung maayos ba yung kalagayan nya, dahil nasanay akong lagi lang nasa tabi nya at dahil rin don natutunan ko na syang mahalin.

But they're just afraid of something they can't understand~
Ooh but little darlin' watch me change their minds~
Yeah for you I'll try, I'll try, I'll try, I'll try~
I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding~
If that'll make you mine~

Sa mga naging pagsubok na dumating sa buhay nya, nandon ako para buuin ulit sya. Sa mga laban nya sa buhay, ako yung laging nandon para suportahan sya.

Dati rin naman akong playboy gaya ng mga kaibigan ko, pero simula nung masigurado kong mahal ko nga tagala sya nagbago ako.

'Cause there'll be no sunlight~
If I lose you, baby~
There'll be no clear skies~
If I lose you, baby~
Just like the clouds~
My eyes will do the same, if you walk away~
Everyday it will rain~

Don't you say, goodbye~
Don't you say, goodbye~
I'll pick up these brolen pieces 'til I'm bleeding~
If that'll make it right~

'Cause there'll be no sunlight~
If I lose you, baby~
There'll be no clear skies~
If I lose you, baby~
Just like the clouds~
My eyes will do the same, if you walk away~
Everyday it will rain~

Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko hanggang sa matapos ang kinakanta ko.

Hinawakan kong muli ang kamay nya. "Ayokong mawala ka sa buhay ko, Zera. Marami pa kong mga bagay na gustong gawin kasama ka. At hindi ko pa rin nasasabi sayo kung gaano kita kamahal.."

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum