CHAPTER 24

59 11 8
                                    

Someone's Pov,

Nasa loob ako ng opisina ko at nakikipag-usap sa tauhan ko.

"Handa na ba ang lahat?" tanong ko habang naka-tingin sa glass pane.

"Opo, boss!" rinig kong sagot ng isa sa kanila.

"Mabuti kung ganon." napa-ngiti ako sa mga naiisip ko. "Sya nga pala.." iniharap ko ang swivel chair ko sa kanila at may kinuhang sobre sa loob ng drawer ng lamesa ko. "Ibigay nyo 'to sa pamilya ni Romeo." at inilapag sa lamesa ang sobre.

"Masusunod, boss." sagot nila.

"Siguraduhin nyong nandoon kayo bukas." utos ko pa. Tumango naman silang tatlo. Mga kanang kamay ko ang mga yan kaya sila ang namumuno sa lahat. "Sige na, makakaalis na kayo!" at lumabas na sila.

Hinila ko yung drawer ko at kinuha ang baril doon, tiningnan ko ang baril na parang sinusuri. "Ayokong iputok ang bala nito sayo..." kinilatis kong mabuti ang baril. "Dahil alam kong naranasan mo na ang tamaan nito noon, kaya ibang pasabog naman ang gagawin ko ngayon."

---

SATURDAY MORNING

Zerafina's Pov,

Nagising ako dahil sa tunog ng maingay kong alarm clock. Aga-aga nambubulabog akala mo namang sya ang puyat at walang tulog.

Nag-inat-inat ako bago tumayo, nagpunta na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ko ay nag-daretso na ako sa kusina, kinuha ko yung pancake box sa loob ng cabinet. Pinaghalo-halo ko yung ingredients nung pancake at iniluto.

After fifteen minutes, natapos akong mag-luto. Inilabas ko yung chocolate syrup sa ref at nilagyan yung pancake na nasa plato. Kumain ako ng tahimik.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na yung pinagkainan ko at nagpunta sa salas. Binuksan ko yung tv at nanood.

*tutoot*

*tutoot*

Nag-vibrate yung phone ko, tiningnan ko kung sinong nag-text. Si Tito Greg.

'7:00 PM at the Casa Grande Restaurant. Ingat sa pagpunta at sa pag-da-drive, hija.'


Ayan yung text message ni Tito Greg. Dapat pala 7 pm sharp nandon na ko, nakakahiya naman kasi kung magpapa-late pa ako. Baka sabihin pa nung anak ni Tito pa-Very Important Person (VIP) ako.

Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto ko, naghanap ako sa closet ng isusuot ko para mamaya. Mas mabuti nang ayusin ko 'to ng maaga kesa naman ma-late ako mamaya, nakakahiya kung sobrang tagal nila akong aantayin don sa restaurant. Ano ako non celebrity?

Kinuha ko yung nakasabit na pink dress. "Maganda 'to, simple lang pero pak!" nasabi ko.

Inilagay ko yun sa kama at naghanap naman ako ng isusuot ko pambaba, I mean shoes or flats or heels. Mas pinili ko yung black flat shoes ko, ayokong mag-heels masyado namang pormal kapag naka-ganon.

Maaga akong nag-ayos sa bahay para mamaya hindi na hassle yung mga gagawin ko, nagluto na rin ako ng pang-lunch ko. Pagkatapos ko sa lahat bumalik ako sa salas at nanood ng tv pampalipas ng oras.

---

Third Person's Pov,

Quarter to six palang ay naghahanda na si Zera para sa pag-alis nya mamaya papuntang Casa Grande Restaurant. Naligo agad sya at nag-ayos ng kanyang sarili.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora