CHAPTER 23

59 12 10
                                    

Axcel's Pov,

Ilang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung lalaking nakita ni Zera sa unit floor nya.

Nakakapagtaka lang kasi na sinusundan nya si Zera tapos takip na takip pa ang mukha nya. Sigurado akong may masamang balak yun kay Zera kaya nya sinusundan si Ze.

Nagpapasalamat ako at naiwan ni Zera yung shades nya sa loob ng kotse ko, kung hindi baka kinabukasan ko na nakita yon at baka may nangyari ng masama sa kanya.

Ilang araw ng ginugulo ng h*yop na lalaking yon ang isip ko.

Maya-maya pa ay naisipan kong puntahan ang building ng condo ni Zera.

Hindi ko na pinaalam sa kanya na nandidito ako. Pumunta ako sa front desk ng building.

"Excuse me, Miss. Nasaan yung Manager nyo? Pwede ko ba syang makausap?" tanong ko sa front desk lady.

"Just a moment, Sir." may tinipa syang numero sa telephone at itinapat nya sa tenga. "Sir, someone wants to talk to you. He's here at the front desk." kausap nya sa nasa kabilang linya.

Tumingin naman sakin yung babae. "Ahh, Sir. Ano pong name nila?" tanong nya.

"Axcel.. Axcel Lefrox." sagot ko.

"Axcel Lefrox daw po. Okay, Sir." at binaba na nya ang telepono.

"Sir, dito po tayo." lumabas sya sa may table nya at pinaupo nya ako sa waiting area. "Papunta na po si Sir, paki-hintay na lang po sya dito." sabi nya tapos ay ngumiti.

Bumalik sya sa pwesto nya at maya-maya lang ay may dumating na isang lalaki, ito na ata yung Manager nila.

"Are you Mr. Axcel Lefrox?" tanong ng bagong dating na lalaki.

Tumayo ako. "Yes, I am. Are you the manager of this condominium?" tanong ko.

Tumango sya. "I am Ricky Rivera." tapos ay inilahad nya ang kanang kamay at nakipag-kamay sakin.

"Nice meeting you, Mr. Rivera." saad ko. "Nice meeting you too, Mr. Lefrox." sabi nya.

"Gusto mo daw akong makausap, Sir?" tanong nya. Tumango ako. "Tungkol saan po?" magalang na sabi nya.

"Gusto ko sanang makita yung record ng CCTV nyo last three weeks." sabi ko sa kanya.

"Bakit naman po?" takang tanong nya. Mukhang hindi nila alam ang nangyari nung nakaraang linggo.

"Yung kaibigan ko kasi na may condo dito, muntikan ng may masamang mangyari sa kanya last three weeks. May isang lalaki daw na sumusunod sa kanya, na naka-all black may mask at cap pa daw." mahabang paliwanag ko.

"Ganon ba? Sige, dun tayo sa Security Room ng building." pumunta kami sa security room at nandon lahat yung record nila ng CCTV sa loob ng condominium building.

I-plinay nila yung record ng CCTV last three weeks sa unit floor ni Zera. Mga around 8:30 PM na yung pinapanood namin.

"Sir!" tawag nung nasa harap ng screen. Tinuro nya ang isang lalaki na nakasunod sa isang babae.

Nakita namin na bawat lingon nga ni Zera sa likod nya ay nagtatago ang lalaki sa bawat sulok ng pinto nung mga condo unit.

"Kaya pala hindi sya nakikita ni Zera dahil nagtatago sya." bigla kong nasabi. "Kaya bang makita yung front view nila?" tanong ko.

Tiningnan naman ni Ricky yung taong nasa harap ng screen. "I-play mo yung isang CCTV natin na hagip ang mukha nila." utos nya.

Agad namang hinanap nung lalaki yung record nila nun. "I-zoom mo." utos pa nya.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now