CHAPTER 54

110 12 7
                                    

A/N:

ZerCel on the Multimedia.

© Credits to the main photo owner.

=====

Zerafina's Pov,

Walang humpay na pagpapalitan ng putok ng baril ang naririnig ko sa loob ng warehouse na ito. 'Sana ligtas silang lahat, kung nandito man sila.' bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos ko kasing makaharap ang lalaking may kinalaman sa lahat ng nangyari sa buhay ko, hindi ko pa rin nakikita sina Axcel. Ni anino nila hindi ko pa nakikita. Sana okay lang sila at hindi napahamak.

Habang tumatakbo ako kung saan-saan may napansin akong paparating na tumatakbo. Habang papalapit sya ng papalapit sa akin ay naaaninag ko na ng paunti-unti ang mukha nya.

Biglang nabago ang mood ko ng ma-realized ko kung sino sya. Hindi rin naman ako nakaligtas sa mga ngisi nya sa labi nang makita rin ako. "Tingnan mo nga naman oh, mukhang pumapanig sa amin ang tadhana." nakangising sabi nya habang nakatutok na sa akin ang baril na hawak-hawak nya.

"Ibang-iba ka pala talaga." masama ang mga titig na ipinukol ko sa kanya. Hindi ko lubos maisip na nagtiwala ako sa maling tao.

"Well, For your information Ms. Zerafina Scolven, this is who I am. This is the real me. Tanggapin mo na lang ang buong katotohanan na ang nakilala at nakasama mong Nicka Reyes ay purong pagpapanggap lang at ang Nicka Reyes na kaharap mo ngayon ang tunay at nag-iisang babaeng makakapaghatid ng bangkay mo sa Tito Gregor mo." hindi maalis ang ngisi sa labi nya na mas ikinainis ko sa kanya. Alam mo yung ang amo ng mukha ng kaharap mo pero pinipilit nyang maging leon sa harap mo? Nakakainis yun diba? Maiisip mo na kahit anong gawin nya, hindi bagay sa kanya.

"As if you can." hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong tarayan sya. Sya naman ang unang nagtraydor sa aming dalawa kaya wala na akong pakialam kung ano pang masabi ko sa kanya.

"Yes, and I am pretty sure that I can." she said then a smirk form in her lips.

"Should I be scared?" pagtataray ko. "Matatakot na ba ako sayo?" dagdag ko pa tapos ay ngumisi. "For your information, maka-ilang beses ng nanganib ang buhay ko at nalagay sa peligro pero ni isa sa mga yon hindi ko inurungan. Napuruhan ba ko? Oo. Na-traumatized ba ko? Oo. Namatay ba ko? Hindi. Dahil hindi ko pa oras. Marami na silang ginawa sa buhay ko para mamatay ako pero ano? Did they even succeed? Hindi naman diba? So if you're really consistent that you're gonna bring my lifeless body to Tito Greg, well let me tell you this, there's no way you can touch any of my parts and I will not let you do those stupid imaginations. It's going to be your one greatest dream on your entire life." hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin.

Kating-kati na ang lalamunan ko dahil nagpipigil lang ako sa kanya at kating-kati na rin ang mga kamay ko, gustong-gusto ko na rin syang sampalin ng mag-asawang sampal idagdag pa ang kasama ang kabit na sampal. Pasalamat pa sya sampal lang ang gusto kong ibigay at gawin sa kanya, kung hindi lang ako marunong magpigil ng galit sa kanya kanina ko pa nakalabit 'tong hawak kong baril at pinaputok sa mismong bumbunan ng ulo nya.

"Dami mong satsat." inis na sabi nya habang tutok na tutok sa akin ang baril na hawak nya.

"And so? Ano ngayon? May palag ka?" pagtataray kong muli sa kanya.

"Dapat pala matagal na kitang itinumba, kung bakit ba kasi sinayang ko pa yung mga pagkakataon na yon." sabi nya na halatang hinayang na hinayang sa hindi nya mga nagawa noon sa akin.

"Alam mo kung anong tawag sayo? Tanga!" saad ko na may halong pang-aasar. "Tanga mo, yun yon! Hawak mo na, pinakawalan mo pa! Tanga.. Diba?" ngayon ako naman ang nakangisi tapos sya? Ayun mukhang sinapian ng masamang elemento na nanggaling pa sa impyerno. Kung makakunot ang noo kala mo pasan-pasan ang mundo, kulang na lang magdikit ang dalawang kilay sa sobrang salubong.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now