CHAPTER 49

51 13 6
                                    

DECEMBER 6

Axcel's Pov,

Pinatawag kaming lahat ni Ate para pumunta dito sa living room ng bahay namin. Inintay lang naming makarating ang mga pulis dahil pati sila na naka-assign sa kaso ng pagkawala ni Zera ay pinatawag nya.

Malay ko sa kanya kung anong mahalaga nyang sasabihin na pati ang lahat ipinatawag nya.

Nung makarating ang mga pulis ay agad rin syang nagsimula. "Sorry for disturbing you all, alam kong busy kayo sa paghahanap kay Zera.."

"Para saan ba talaga ang meeting na 'to, Ate?" tanong ko. Naiinip na ko dito, pumunta lang ako dito dahil sinabi nya na may sasabihin sya.

"Ito na nga kasi.. There's just some important details I want you to know and to show.." sagot nya sakin. "Kent.." tawag nya kay Kent.

Tumayo si Kent at iniabot ang kanina nya pang hawak na envelope. Kanina ko pa nakikita na hawak nya yon pero hindi ko man lang tinanong sa kanya kung ano ang nilalaman ng envelope na yon.

"Inside this envelope, all the informations and researches we've done are all here. I assigned my personal investigator, which is Kent, to look an eye on Gregor Stiffsons. He did spy, he did investigate. And here on the envelope I am holding, were the informations even his illegal businesses are here. Pictures, files and videos can prove you everything." pina-imbestigahan pala ni Ate si Gregor. Napangisi ako sa nalaman ko. She's really a good thinker, pero tama ba ang narinig ko? Si Kent ang pinag-imbestiga nya? Wow!

Ipinasa nya ang envelope at tiningnan namin ang laman non. Nakita ko ang mga developed pictures na tungkol sa mga pinaggagagawa ni Gregor. Negotiation for his illegal businesses, huh? Napailing-iling ako sa mga larawang nakikita ko. Hanggang sa mapatigil ako nang makita ang isang picture.

Pinakatitigan ko yon at kung hindi ako nagkakamali ito yung lalaking sumusunod kay Zera sa unit floor nya. Hindi namin 'to napaamin dahil ayaw nyang i-kanta kung sino ang nagpa-utos sa kanya na gawin at takutin si Zera, nakatakas sya dahil may rumesbak sa kanya na dalawang lalaki.

"Kent!!" tinawag ko si Kent na nakikipag-usap ngayon sa mga pulis. Nagpaalam sya sa mga pulis at lumapit sa akin.

"Bakit pre?" tanong nya at umupo sa tabi ko.

"Saan mo nakita ang dalawang 'to?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang picture ni Gregor na nasa loob ng sasakyan habang kausap ang naka-motor na lalaki na syang sumusunod kay Zera noon.

"Sa isang street malapit sa Stiffson's Empire.. Bakit pre? Kilala mo ba yan?" tanong nya sakin habang nakaharang ang mga braso nya sa may bandang dibdib.

"Kilala nyo nga ho ba yan, Sir?" hindi ko namalayan na nakikinig na pala ang lahat sa amin ni Kent.

Tiningnan ko silang lahat. "Sa pagkakatanda ko, sya yung sumusunod noon kay Zera sa unit floor nya." paliwanag ko sa kanila. "Nahuli namin sya noon dahil pina-imbestigahan ko ang problema na yon, pero hindi nya sinabi samin kung sino ang nagpa-utos non sa kanya nakatakas na lang sya makalipas ang tatlong araw." dagdag ko pa.

"Ibig sabihin Sir, naging konektado na din sya kay Zera noon?" tanong ng isang pulis.

Sinagot ko sya. "Oo, dahil na-encounter na din sya ni Zera dati sa condo building nya."

Tumango-tango naman ang mga pulis. "Maaari ho ba namin kayong makausap, Sir Axcel? Tatanungin lang ho namin kayo sa ilang bagay tungkol sa lalaking yan." sabi naman ng isang pulis. Sumang-ayon ako at pinasunod sila sa akin sa may garden ng bahay namin.

Humanda ka Gregor, babawiin namin sayo si Zera at sisiguraduhin kong makukulong ka habang buhay.

---

Third Person's Pov,

Isang babaeng nakagapos at nakatakip ang bibig ang hinang-hinang nakaupo sa pinag-tataliang upuan. May pumasok na mga lalaki sa loob ng silid na pinagtaguan sa kanya at kasunod ng mga lalaking yon ay ang isang lalaking nakangising nakatingin sa dalaga.

Tumigil ito sa harapan ni Zera. "Kamusta ka na dito aking mahal na pamangkin?" ngising sabi nito.

Masasamang titig ang ibinigay ng dalaga sa kanya. Gusto nyang sugurin at pagsalitaan ng masasakit na salita ang tiyuhin nyang walang ginawa kung hindi ang guluhin ang buhay nya.

"Tanggalan nyo ng takip sa bibig yan." utos ng lalaki sa mga tauhan nya na agad namang tumalima at tinanggalan ng telang panakip sa bibig ang dalaga.

"Magsalita ka na.." sabi ng lalaki sa dalaga.

Hindi naman nagsalita ang dalagang si Zera at sinamaan lang ng tingin ang lalaking sumira sa buhay nya.

Ngumisi ang lalaki. "Hindi ka magsasalita? MAGSALITA KA!!" tinulak ng malakas ni Gregor ang patong-patong na kahon na nasa loob ng bodega. "Matigas ka talaga ha??" handa ng lapitan ni Gregor si Zera nang biglang magsalita ang dalaga.

"Ano pa bang gusto mo?" tanong nya rito.

"Anong gusto ko? Tinatanong mo kung anong gusto ko?!" biglang tumawa si Gregor na rinig na rinig sa buong silid na iyon. "Paano kung sabihin kong gusto kong mamatay ka? Pwede ko bang gawin?" naka-ngising sabi nito.

Tiningnan lang sya ni Zera. "Bakit hindi mo gawin? Diba yon naman talaga yung gusto mo? Ang mamatay na ako.. PARA MAKUHA MO ANG LAHAT NG KAYAMANAN NG STIFFSONS?! DIBA?!" napasigaw sa inis si Zera.

"Tama.. Tama ka dyan!" pumalakpak sa tuwa si Gregor. "Una't pangalawa, tama! Una... Gusto kong makuha ang lahat ng yaman ng mga Stiffsons at pangalawa.. Gusto kong mamatay ka na para magawa ko yon." kalmadong saad ni Gregor.

"Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kahit naka-ilang beses na kitang patayin... BUHAY KA PA RIN! Para kang pusang may siyam na buhay, maka-ilang beses na kitang tangkaing patayin pero hanggang ngayon ayan ka humihinga!" dagdag nya pa.

"Ito na ko diba? Nasa harapan mo na ako? Kunin mo yang baril mo at paputukin sa harap ko. TAMAAN MO AKO SA ULO, SA PUSO AT KAHIT SAAN MO PA GUSTO!! PARA SIGURADONG PATAY NA KO! SANA KASI HINDI KA KUMUHA NG MGA TAUHAN NA TATANGA-TANGA, DI SANA MATAGAL KA NG NAGBUBUNYI DAHIL NAPATAY MO NA KAMI NG BUONG PAMILYA KO!" hindi na napigilan ni Zera ang mapa-sigaw dahil sa inis at galit na inilalabas nya.

"Gusto mo yon? Sige! Pagbibigyan kita sa gusto mo.. Na-miss na rin kasi ni Tito Gregor na ibigay ang hinihiling ng pamangkin nyang si Zera.." nakangiting sabi nya. Hinugot nya ang baril na naka-singit sa pantalon nya at itinutok sa dalagang si Zera.

"Handa ka na bang makita at makasama ang pamilya mo?" naka-ngiting tanong pa nito.

"IPUTOK MO NA LANG PARA MATAPOS NA ANG KASAMAAN MO!!" sigaw pa ng dalaga.

*bang*

Isang putok ng baril ang umalingasaw sa buong paligid ngunit hindi nya iyon ipinatama kay Zera dahil tinakot nya lang ito.

Napalibutan ang buong silid ng halakhak at tawa ni Gregor ng makita sa mukha ang takot at gulat sa mukha ng dalaga.

"Easy my dearest niece, Tito Gregor's won't kill you... There's a right time for you to make rest in peace. For now, maghirap ka muna para naman hindi na ganon kahirap kitang patayin kapag oras mo na." tawa ni Gregor at palabas na sana ng silid pero natigilan sya sa sinabi ni Zera.

"Ganyan ba? Ganyan na ba ang nagagawa ng pera? Ng yaman? Ng kapangyarihan? Ang lamunin ang isipan ng isang tao?! Bakit? Dahil ba hindi ikaw ang pinamanahan ni Lolo ng ari-arian ng Stiffsons kaya mo pinatay ang mga magulang ko? Ang Daddy ko? Na kapatid mo!! Kaya mo ba kami pinapatay ni Aeva para sayo na mapunta ang lahat-lahat?!"

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now