CHAPTER 15

96 19 9
                                    

Zerafina's Pov,

Nasa tapat na ako ng pinto ng condo unit ko, i-e-enter ko na sana yung passcode ko ng mapansin kong bukas yung pinto.

"Oh god!" I whispered.

Hinawakan ko ang pinto and confirmed bukas nga. Sino naman kayang pangahas ang pumasok sa unit ko?! Dahan-dahan akong pumasok sa loob, kinuha ko yung baseball bat ko sa likod ng pinto. Pati dito may baseball bat ako.

Pigil ang hininga ko habang sinusuri kung may tao sa loob. Bukas din yung pinto ng kwarto ko. The f*ck!

Sinilip ko ang loob ng kwarto ko, wala namang tao. Baka mamaya nanakawan na ako dito o di kaya pagtulog ko mamaya rapist na pala katabi ko.

May pumukaw ng atensyon ko ng may maamoy ako at nanggagaling iyon sa kusina. Dahan-dahan akong pumunta doon.

"Saan ka galing?"

"AYY PALAKANG RAPIST!!"

"Tsk." inis na sabi ni Axcel. Jusko po! Sya lang pala akala ko kung sino na. "Akala ko ba nandito ka sa condo mo? Pero bakit nung pumunta ako, wala namang Zerafina na lumitaw?" cold na sabi nya.

Oh-ow!

"Ahh... K-asi... May binili lang ako sa baba. Oo tama, may binili lang ako sa baba." ngiti ko sa kanya.

"May binili ka sa baba?" tanong nyang muli habang inililipat sa malaking mangkok yung niluto nya. Mukhang adobo yun.

"Oo, haba kasi ng pila kaya medyo natagalan." palusot ko pa. Nag-cross fingers ako sa likod.. 'Sana umepekto palusot ko.'

"Ahh ganun ba.. May National Bookstore ba sa baba? Parang wala naman akong nadadaanan na National Bookstore don." takang tanong nya nung mailapag nya sa mesa yung mangkok.

Gusto kong tumakbo palabas. Ang t*nga mo naman, Zera! Bakit hindi mo naisip na walang National Bookstore sa baba ng condinium mo! T*nga t*nga!

Umupo na sya sa upuan sa harapan ng mesa at sumandok ng kakainin nya. "Sa susunod na gagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong walang ebidensya para hindi ka nahuhuli." sabi nya.

Napatungo naman ako. Naisip ko lang, para pala akong bata dito na pinapagalitan ng tatay nya. Ako naman kasi eh! Magpapalusot na nga lang yung hindi pa napag-isipan ng mabuti.

"Umupo ka na at kumain. Pagkatapos kumain, mag-uusap tayo." seryosong sabi nya.

Tumango naman ako at umupo. Counseling na mamaya, jusko!

~~~~~

"Simulan mo na." utos ni Axcel sa akin nung matapos kaming kumain. Nagkusa na akong maghugas ng pinagkainan namin, beastmode kasi sya.

Nandito kami ngayon sa living room, may heart-to-heart talk ako with Boy Abunda este may counseling ako with Axcel Lefrox.

Huminga muna ako ng malalim bago mag-salita. "Ganito kasi yon.." panimula ko. "Na-bored kasi ako dito sa condo, kaya naisipan ko na pumunta ng mall para malibang." pag-e-explain ko.

"Tapos?" cold na tanong nya.

"Tapos na." sagot ko. Totoo naman eh, yun lang naman talaga.

"Bakit kailangan mo pang mag-sinungaling kay Mama?" seryosong tanong nya pa.

"Kasi ayaw kong mag-alala pa si Tita sakin." yun ang totoo.

"Ayaw mong mag-alala sya sayo? Sa tingin mo ba, kapag sinabi ko sa kanya na wala ka dito sa condo mo at nagsinungaling ka sa kanya. Mawawala yung pag-aalala nya?" medyo mataas na yung boses nya.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now