CHAPTER 32

76 14 10
                                    

Zerafina's Pov,

*knock*

*knock*

*knock*

Patayo na sana ako para buksan yung pinto ng private room ko dito sa ospital nang lumabas si Axcel galing sa cr.

"H'wag ka ng tumayo, ako na." tapos ay pinagbuksan nya na ang nakatok. Naka-lock kasi yung pinto eh. Malay ko ba dyan sa mokong na yan.

"Zera?" boses ni Tita Milan ang una kong narinig tapos nakita ko syang halos umiiyak nang makita ako.

Niyakap nya ako ng mahigpit at tumingin sya sakin nung kumawala sya. "Kamusta ka na? Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo? Sabihin mo, hija. Ano meron ba?" sunud-sunod na tanong nya.

Nginitian ko sya at hinawakan ang dalawang kamay nya. "Tita.. Wala na pong masakit sa akin. Okay na po ako. H'wag na po kayong mag-alala."

"Sigurado ka ba dyan?" tanong nyang muli. Tinanguan ko naman sya.

"Jusko kang bata ka! Pinag-alala mo kaming masyado." rinig kong sabi ni Manang Ising. Pati pala sya kasama. Actually, mukhang yung lahat ng tao sa buong bahay nila Tita Milan kasama. Pati sina Steff, Dane, Kent at Jak nandito.

Napansin ko naman na may inilalapag silang mga gamit.. Tapos may isinasabit din sila sa pader.

"Ano pong meron?" takang tanong ko.

Tanging ngiti lang ang isinagot nila sakin. Eh? Ano bang meron? Tiningnan ko si Axcel and I mouthed him 'what's happening' pero nag-kibit-balikat lang sya.

Hindi ko maintindihan yung mga ginagawa nila, tapos nakita ko na lang si Tito Augustus na pumasok sa kwarto na may dala-dalang wheel chair.

"Axcel, dalhin mo muna si Zera sa labas para naman makalanghap sya ng sariwang hangin. Ilang araw na rin syang nakakulong at nakahiga sa loob ng kwartong 'to." sabi ni Tito.

"Tama si Papa, Ax. Zera, magpalabas ka muna kay Axcel dahil sabi ng doctor mabuti ang nakakalanghap ka ng fresh air." saad pa ni Ate.

"Sige po." For my own sake naman 'to. Kaya go lang!

Tinulungan ako ni Axcel na makatayo at inupo nya ako sa wheel chair. "Okay na?" tanong nya. Tumango lang ako at pinagbuksan naman kami ni Jak ng pinto.

Nakarating kami sa rooftop ng ospital. Namiss kong lumabas. Grabe! Feeling ko ang tagal-tagal kong hindi nakita yung labas. Amg sarap sa pakiramdam ng hangin.

Tinulungan ulit akong tumayo ni Axcel para makalipat ako sa isang bench dito sa rooftop.

---

Axcel's Pov,

Inakbayan ko si Zera at ipinatong ko ang ulo nya sa balikat ko. Hindi ko pa pala nasasabi sa pamilya ko na nagka-aminan na kami ni Zera.

Nag-hum ako habang hinihimas ang buhok nya. Sana ganito na lang kami palagi ni Zera yung walang gulo, tahimik at masaya.

"Kanta ka, Ax." rinig kong sabi nya.

"Anong kakantahin ko?" tanong ko. Ang hilig nya na akong pakantahin hindi naman ako singer, pero dahil mahal ko sya gagawin ko.

"Na-ikwento mo sakin kahapon na kinantahan mo ako bago ako magising.. Gusto kong kantahin mo sakin ulit yung kantang kinanta mo." aniya.

"Ahh.. Yung It Will Rain?" sabi ko.

"Hmm!" tapos ay tumango-tango sya.

"Chorus lang ha.." naramdaman ko syang tumango kaya naman sinimulan ko ng kumanta.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now