CHAPTER 35

55 11 11
                                    

Zerafina's Pov,

"Salamat sa paghatid ah!" sabi ko kay Steff na nasa driver's seat, nakaupo ako ngayon dito sa passenger's seat ng kotse nya. Kauuwi lang namin galing sa mall at ngayon nandito na kami sa tapat ng malaking gate ng bahay nila Axcel. "Ayaw mo na ba talagang pumasok sa loob?" tanong ko pa sa kanya.

"Hindi na Sis, uuwi na rin ako. Inaantay na rin kasi ako nina Kuya Archer, bumisita sa bahay eh." sabi naman nya.

"Ahh sige, paki sabi na lang sa kanila na miss ko na sila." ngiti ko pa. Tagal na rin simula nung nakita ko sila Kuya Archer.

"Sige Sis, sasabihin ko yan sa kanila." ngiti nya rin.

"Sige na, pasok na ako sa loob ha." sabi ko. Tinanguan naman nya ako at bumaba na ako.

Bago ako pumasok sa loob ay kinatok ko ang naka-saradong bintana sa may passenger's seat, binuksan nya iyon. "Ingat ka sa pag-da-drive. Tanga ka pa naman minsan, hahaha!" tawa ko pa.

"G*ga hahaha!" tawa rin nya. "Sige na, pumasok ka na sa loob, baka mamaya mabundol ka pa dyan dahil sa katangahan mo. Hahaha!" bawi nya ng pang-aasar.

"Ewan sayo! Sige na, layas na. Papasok na ko, hahahaha!" sinara na nya yung bintana tapos ini-start ang makina ng kotse, umalis na sya at ako naman ay pumasok na sa loob. Sinalubong ako ni Kuya Cesar sa may guard house at kinuha yung mga paper bag na hawak ko. Bukod kasi sa kumain kami ni Steff, nag-shopping na rin kami. "Salamat po, Kuya Cesar." ipinasok ni Kuya Cesar yung mga paper bag sa loob tapos ay i-dinaretso pataas sa kwarto ko.

Hindi muna ako pumanik sa taas, kukuha muna ako ng tubig, nauuhaw na ko eh.

Pag pasok ko sa loob ng kusina ay nakita ko doon si Manang Ising na busy-ing busy sa paghahalo ng niluluto nya.

"Ano po yan, Manang?" tanong ko pagkakuha ko ng tubig sa ref. Kumuha din ako ng baso na nakataob dun sa pull-out basket at uminom ng tubig.

"Ano pa? Eh di yung paborito mong carbonara! Sabi kasi ni Milan na magluto daw ako nito para naman daw marami kang makain." magiliw na sagot ni Manang.

Kaya pala ganon yung amoy eh, hahahahaha! "Na-miss ko yang luto mo ng carbonara, Manang!" ang tagal na kasi nung huling luto ni Manang non. Naaalala ko noon yung luto nyang carbonara yung una kong natikman, kaya naging favorite ko yon.

"Ay nako! Umupo ka na dyan, malapit ko ng maluto 'to konting minuto na lang ayos na 'to. Antayin mo na tapos tikman mo ha!" aniya.

"Hindi ako tatanggi dyan, Manang!" nakangiting sabi ko at umupo na sa harap ng lamesa.

Maya-maya pa ay inilapag ni Manang sa harap ko ang isang plato na may laman na niluto nya. Hindi ko na pinalampas ang oras at kinain na.

"Hmmm... Wala talagang kupas 'tong carbonara mo, Manang. Masarap talaga promise. One hundred percent! Pasadong pasado!" nag-'okay' sign ako sa kanya habang nakangiti ng malapad. Alam mo yung kahit busog ka, mapapakain ka pa din. Hahaha!

"Hija, dahan-dahan lang naman sa pagkain. Hindi ka mauubusan. Hahaha!" tawa ni Manang.

"Manang, alam mo naman ako kapag ito ang ihinain mo sakin ganito talaga ako. Hahaha!" sabi ko naman. Pinaglagyan nya ako ng tubig sa baso ko at hinayaan na akong kumain.

~~~~~

Nung matapos ako sa pagkain ko ay nagpaalam na ako kay Manang na aakyat na ako sa taas para makapag-palit at makapaligo na rin.

"Manang, akyat na po ako. Thank you ulit!" ani ko.

"Sige, hija!" rinig ko pang sabi nya.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now