CHAPTER 52

71 12 6
                                    

Third Person's Pov,

Tila nabahag ang buntot sa takot ang isang dalaga na nakagapos sa isang sulok. May takip ang kanyang bibig na mula sa telang pinunit lamang, makakapal ang lubid na nakagapos sa kanyang kamay na nasa likod ng upuan, at maging ang kanyang mga paa ay nakagapos rin gamit ang mga makakapal na lubid.

Takot at kaba ang nararamdaman nya para sa kaligtasan ng kanyang sarili. Hindi nya lubos maisip na makikita nyang parang isang demonyo ang kanyang tiyo na handang pumatay ng tao para lamang sa kagustuhan nito, at ang mas malala pa ay sya ang taong nais nitong patayin.

"Kailangan ko ng makaalis dito, hindi ko hahayaang pati ako patayin mo. Tama na ang patayin mo ang mga mahal ko, pero hindi na ako papayag na pati ako isama mo pa."

Sabi nito sa isip isip nya.

Naghanap ang mga mata nya ng pwedeng makatulong sa kanya para makatakas hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa isang basag na salamin sa may bandang kanan nya.

Pa-unti unti at dahan dahan nyang iginalaw ang upuan papunta sa parteng kanan, itinutok nya ang makapal na tali na nagsisilbing tali sa mga kamay nya at kiniskis iyon sa basag na salamin. Kahit natatakot na masugatan ang kanyang sarili ay tinapos nya iyon hanggang sa maputol ang tali. Mabilis nyang kinalagan ng tali ang kanyang mga paa at tinanggal ang telang nakatakip sa kanyang bibig.

Dali-dali syang umalis sa loob ng silid at hindi gumagawa ng kahit anong ingay papalabas sa lugar na iyon.

Habang naglalakad ay hindi magkamayaw ang kanyang ulo sa pagpaling sa kanan at kaliwa. Mahirap na at baka masundan at makita sya ng mga tauhan ng kanyang Tito Greg. Baka imbes na makatakas sya ay mapatay pa sya ng wala sa oras.

Nang makarating sya sa isang madilim na bahagi ng lumang warehouse ay nakaaninag sya ng isang bulto ng babae na sobrang pamilyar sa kanya, may hawak itong baril na siguro'y magsisilbing proteksyon nya at nang makilala nya ito ay agad nyang nilapitan.

'Thank God, I'm safe..'

Nasabi na lang nya nang papalapit na sya dito.

===


Zerafina's Pov,


Ayoko na dito. Ayoko na sa lugar na 'to.

Kung sana pinatay nya na lang ako ng maaga, hindi ko sana nararanasan 'to ngayon. Ayoko na dito. Ayoko na.

Umagos ang luha ko kasabay ng isang malakas na hikbi. Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sakit na ibinigay ni Tito Greg dahil sa mga nalaman ko, sakit ng katawan dahil walang awang pinabugbog ako ni Tito Greg sa kampon nya, sakit ng pakiramdam dahil para bang magkakasakit na ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Gusto kong makatakas pero paano? Gusto kong umuwi ng ligtas pero paano? Pero may parte sa akin na nagsasabing hayaan ko na lang dahil dito rin naman ang bagsak ko, hayaan ko na lang kesa magpakahirap pa ako, hayaan ko na lang dahil kahit anong gawin ko mapapatay nya pa rin ako.

Gusto kong lumaban, pero gusto ko na ring sumuko.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang lumaban. Hindi ko na alam kung may dapat pa ba akong asahan ganitong maski ako sa sarili ko ay nawawalan na ng pag-asa.

"Axcel..."

Tanging nasambit ko nang lumabas ang isang malakas na hikbi mula sa akin.

Nasaan ka na ba? Ayoko na dito. Ayoko na.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now