CHAPTER 45

56 12 5
                                    

Axcel's Pov,

"Ano, anak? Natawagan mo na ba si Zera?" tanong ulit ni Mama. Naka-ilang beses na syang tanong pero hindi ko pa rin matawagan ang phone ni Zera. Naka-off yung phone nya.

"Hindi pa Ma, eh." sagot ko habang dina-dial ulit ang number nya.

"Tawagan mo ulit." hindi na mapakali si Mama dahil palakad-lakad na sya ng pabalik-balik.

*kring*

*kring*

Nag-ri-ring na yung phone nya. Please pick up your phone, Zera. Please. Just pick it up now, we're all worried. Nasaan ka na ba?

*kring*

*kring*

Sagutin mo na please. Hindi na rin ako mapakali dahil ayaw nyang sagutin ang tawag ko.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." - Sabi ng operator.

"Ano? Na-contact mo na?" tanong ulit ni Mama. By any moment, babagsak na ang mga luha nya.

Umiling ako at sinubukan ko ulit tawagan ang number nya.

"Natawagan mo na, Ax?" nilingon ko si Ate na pababa ng hagdan. Umiling ako sa kanya.

"Natawagan mo na ba sila? Ano sabi?" tanong ko sa kanya.

"Natawagan ko na silang lahat pero wala daw sa kanila, sinusubukan tawagan ni Steff yung ibang kaibigan nila ni Zera. Tatawag na lang daw sya kaagad kapag may balita na sya." paliwanag nya.

Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim. Nasaan ka na ba, Zera? Bakit nawawala ka na naman?

Biglang bumukas ang pinto, napatayo ako. "Zera!!" tawag ko pero hindi sya ang pumasok kundi si Ana.

"Ma'am, Sir. Wala po si Ate Zera sa park ng village, sinubukan na po namin syang hanapin sa buong village pero wala po talaga sya. Nagtanong na rin po kami sa guard ng village kung nakita si Ate Zera pero ang sabi nya po, hindi pa daw po nya nakikitang pumasok ang sasakyan ni Ate Zera dito sa village." paliwanag naman ni Ana.

"Hay nako! Nasaan na kaya ang batang yon?" mas nadagdagan ang kaba at pag-aalala sa mukha ni Mama.

Nilapitan sya ni Ate at pinaupo. Bigla namang pumasok si Papa galing garden.

"Natawagan ko na ang kompanya nya, ang sabi kanina pa daw sila nakaalis." bungad na balita sa amin ni Papa.

"Kung kanina pa pala sila nakaalis bakit wala pa sila hanggang ngayon?" tanong ko. Ano na bang nangyayari? Nasaan ka na?

"Hay nako! Ano na kayang nangyari sa batang yon?" napahilamos si Mama sa mukha nya.

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Saan ka pupunta, Axcel?" tanong ni Papa nung makita akong pababa ng hagdan na hawak-hawak ang susi ng kotse ko.

"Pupunta ako sa prisinto. I-re-report ko na nawawala si Zera." sabi ko at palabas na sana ng pinto pero pinigilan ako ni Ate.

"Hindi ka matutulungan ng mga pulis dahil wala pang bente-kwarto oras na nawawala si Zera. Babaliwalain lang nila yang report mo." sabi ni Ate Adeine.

"Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga dito sa loob ng bahay habang yung taong mahal ko nawawala?" sigaw na tanong ko kay Ate.

"Hindi ko sinabing tumunganga ka na lang dito, ang sa akin lang intayin natin na dumating si Zera. Hindi naman kasi tayo maaasikaso ng mga pulis dahil wala pa ngang bent--"

"Ang sabihin mo wala kang pakialam kay Zera!!!" sigaw ko.

*SLAP*

Sinampal nya ako ng malakas. "H'wag mo akong sigawan, Axcel! Ate mo pa rin ako! H'wag mo rin akong pagsalitaan na wala akong pakialam kay Zera, tandaan mo isa rin ako sa prumo-protekta sa kanya!" sigaw nya sakin. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Axcel! Adeine! Tumigil na kayo! Hindi nakakatulong ang pag-aaway nyo sa sitwasyon!" saway ni Papa samin. Umalis si Ate sa harapan ko at umupo katabi ni Mama.

"Hindi nyo ako mapipigilan sa gusto kong gawin!" lumabas ako ng bahay.

Narinig kong tinawag pa ako ni Papa at Mama pero sumakay na ako ng kotse at binusinahan ang guard na naka-assign sa gate namin. Pupunta ako sa prisinto kahit na anong mangyari.

Pagkarating ko sa police station ay kinausap ko agad yung pulis na naka-upo sa front desk.

"Ano pong kailangan nyo, Sir?" tanong nya.

"Sir, tulungan nyo po ako nawawala po kasi yung girlfriend ko kanina pa po sya nakaalis sa opisina nya pero hanggang ngayon wala pa rin sya. Kanina pa namin tinatawagan ang number nya pero hindi sya sumasagot." sabi ko sa kanya. Kahit na hindi ko pa girlfriend si Zera, wala na akong pake basta ang importante mahanap na sya.

"Baka naman ho may dinaanan lang at na-lowbat kaya hindi makasagot sa tawag nyo." sabi nya.

"Hindi ho sir, tinawagan na rin namin ang driver nya pero hindi rin sumasagot sa tawag namin." dagdag ko pa.

"Baka lowbat din. Sir, maraming posibleng dahilan kung bakit hindi pa sya nakakauwi." sabi naman nya.

"Sir, sige na ho." pangungulit ko pa.

Huminga sya ng malalim. "Ilang oras na ba syang nawawala?" tanong nya.

"Mga tatlong oras na ho." sagot ko.

"Pasensya na ho, Sir. Pero hindi pa ho kami pwedeng magpakalat ng mga pulis kung hindi pa bente-kwatro oras na nawawala ang isang tao. Baka naman ho nasiraan lang ang kotse na sinasakyan nila kaya ganon." sabi naman nya.

"Sir, please tulungan nyo na po kaming hanapin sya may picture nya po ako dito sa phone ko." ilalabas ko na sana ang phone ko para ipakita ang picture nya pero napatigil ako sa sinabi nung pulis na kausap ko.

"Pasensya na ho talaga, pero hindi po pwede. Bumalik na lang ho kayo dito kapag may bente-kwatro oras ng nawawala ang girlfriend nyo. Marami pa ho kaming ginagawa at hinahanap na mas matagal ng nawawala." sabi nya sakin at tumawag ng kasamahang pulis.

"Sir, lumabas na ho kayo." sabi sa akin ng isa pang pulis.

"Sir, tulungan nyo ho ak--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ang isa pang pulis.

"Sir, h'wag na ho kayong makulit. Bumalik na lang ho kayo bukas kung hindi pa sya nakakauwi." sabi nung isa.

Wala na akong nagawa nung palabasin nila ako sa loob ng prisinto. Napa-sipa ako sa gulong ng sasakyan ko dahil wala man lang akong nagawa para may makatulong samin na maghanap kay Zera.

Sumakay ako ng kotse at nagpunta sa condo unit nya. Pagkabukas ko ng unit nya, pumasok kaagad ako sa loob at hinanap ko sya kahit na alam kong wala akong Zerafina na makikita.

Tumulo ang mga luha ko. Ito na naman ako umiiyak dito sa loob ng unit nya dahil nawawala sya. Pangalawang beses ng nangyari 'to, sana naman umuwi ka na o kaya tumawag ka sakin kahit kina Mama tumawag ka naman sa kanila, masaya na ako basta malaman ko na okay ka at ligtas.

"Zera..." iyak ko.

"Nasaan ka na naman ba?" tanong ko habang tumutulo ang luha ko.

Tumayo ako at pumunta sa loob ng kwarto nya. Umupo ako sa gilid ng kama nya tapos nakita ko ang picture frame na may picture nya na nakapatong sa bed side table nya. Kinuha ko yon at tinitigan ang larawan doon.

"Nasaan ka na?" kausap ko kay Zera na nasa picture.

"Bakit hindi ka pa nauwi?" tanong ko pa.

"Tumawag ka naman kung okay ka lang.. Nag-aalala na ako sayo. Please naman, oh." kausap ko pa dito.

Tumulo ang mga luha ko sa picture frame. Sana maayos ka lang Zera kung nasaan ka man at sana umuwi ka na. Hindi na ako mapakali kakaisip ko sayo.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang