CHAPTER 36

53 11 10
                                    

Zerafina's Pov,

Pumunta ako sa isang lugar na tahimik, yung walang mang-aabala sakin. Gusto ko munang mapag-isa. Nandito ako ngayon sa park ng village, naka-upo ako sa swing at pinapanood ang mga batang naglalaro.

Maya-maya ay isa-isa na silang sinusundo ng mga yaya nila para umuwi, 7:40 pm na rin kasi.

Kanina may nakita akong dalawang batang babae na kambal, tapos masaya silang naglalaro na dalawa. Nagtakbuhan, sumakay sa see-saw, naglaro pa sila sa loob ng sand box at nagpatayo ng sand castle tapos nung nadapa yung isa tinulungan nyang tumayo tapos naglaro ulit sila. Wala kang makikitang lungkot sa mga mata nila basta sila naglalaro ng magkasama.

Bigla na namang tumulo yung mga luha ko.

"Pero mali pa rin na itago nyo kay Zera ang lahat! Mali pa ring itinago nyo na ang sarili nyang tiyuhin ang may kagagawan ng lahat! Na simula't sapul si Tito Gregor ang nagpapatay kina Tito Amiel at Tita Laura at na sya din ang nagpapasok ng mga mamamatay tao sa bahay nila Zera para ipapatay sila ni Aeva!"

"Na simula't sapul si Tito Gregor ang nagpapatay kina Tito Amiel at Tita Laura"

"Na sya din ang nagpapasok ng mga mamamatay tao sa bahay nila Zera para ipapatay sila ni Aeva!"

Pa-ulit-ulit nang nag-re-replay sa utak ko ang mga sinabi ni Axcel kanina. Totoo ba? Totoo ba yon? Totoo bang si Tito Greg ang nagpapatay kay Mommy at Daddy? Totoo bang si Tito Greg din ang nag-utos sa dalawang kidnapper na patayin kami ni Aeva?

Kung sya nga... Bakit? Bakit nya ginawa yon? Bakit nya pinatay sina Mommy? Bakit nya kami gustong ipapatay ni Aeva? Bakit nya ako gustong mamatay?

Iyak ako ng iyak dito sa park, wala namang makakakita sakin dahil madilim na rin dito. May streetlights naman pero medyo hindi ako nasisinagan ng ilaw non.

"Ano bang naging kasalanan namin sa kanya at gusto nya kaming mamatay lahat?" iyak ko.

Pamangkin nya ako... Kami ni Aeva pamangkin nya at mas lalong kapatid nya si Daddy, kaya paano nya kami nagawang ipapatay? Paano?

Napahawak ako sa ulo at napapikit ng mariin ng may maalala ako.

Flashback..

NINETEEN YEARS AGO

Hinahanap ko si Aeva kung saan sya nagtatago, naglalaro kasi kami ng tagu-taguan. Hinanap ko na sya sa kwarto namin pero wala sya don, pati na rin sa kwarto nila Mommy at pati na rin sa kwarto nina yaya hinanap ko sya, sa kusina wala rin sya. Nasaan na kaya si Aeva?

"Ahh!! Alam ko na!" tumakbo ako papunta sa garden tapos hinanap ko sya.

"Aeva? Aeeeeeva~" tawag ko sa kanya. Dahan-dahan akong naglalakad sa garden.

"Kambal ko? Nasaan ka na? Aeeeva~" tawag ko pa habang hinahanap sya.

"Ayusin mo na ang lahat, dahil malapit na. Malapit ko ng simulan ang plano ko para sa kapatid ko at sa pamilya nya." hmmm? Sino kaya yon?

Sinilip ko ang nagsasalita. Nakita ko si Tito Greg na may kausap sa phone nya. Ano kaya yung sinasabi nya? Hmm..

"Malapit ko ng mapasakamay ang buong kayamanan ng aming pamilya.." hindi ko naman maintindihan yung sinasabi ni Tito Greg, hayaan ko na nga lang. Hahanapin ko na lang ulit si Aeva.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now