CHAPTER 12

117 20 8
                                    

Zerafina's Pov,

Lagi ko na lang hindi naaabutan si Ate Adeine sa bahay nila, everytime na pupunta ako sa kanila wala na sya. Pag naman umaga ako napunta, hindi pa sya nakakauwi. Namimiss ko na si Ate Ads.

*dingdong*

*dingdong*

May nag-doorbell sa pinto kaya naman tumayo ako sa pagkaka-upo ko. One week na kasi akong nandito sa condo ko.

Pagka-bukas ko ng pinto ay ito ang sumalubong sakin.

"Kanina pa ko doorbell ng doorbell, ngayon mo lang binuksan." dare-daretso sa pagpasok sa loob ng unit ko si Steff.

Mahal na Reyna? Mahal na Reyna? Nyemas! Ano 'to sugod bahay gang?

"Ginagawa mo dito?" sinara ko yung pinto. Umupo ulit ako sa sofa at nanood ng pinapanood ko.

Lumabas sya galing kusina na may dala-dala ng chips. "Ano ba naman yan? Dadayo ka dito para lang kumuha ng pagkain ng may pagkain?!" binato ko sya nung throw-pillow.

"Nu ba?" angal nya. "Ayaw mo pa? Ako na may ambag ng papanoodin natin eh." tapos ay hinablot nya sakin yung remote at nilipat sa source.

"Ano ba?? Nanonood ako!" suway ko sa bruhang kaibigan ko.

"Kalma, sis! Magmu-movie marathon tayo!" masayang sabi nya. Iniabot nya sakin yung paper bag na dala nya kanina. "Oh ayan. Pumili ka na dyan." sabi nya.

Sinilip ko yung laman nung paper bag at puro CD's ang laman nun. "Pwede bang We Bare Bears na lang?" tanong ko habang hinahalungkat yung paper bag.

Nakita ko namang tiningnan nya ako ng parang hindi makapaniwala. "Seryoso ka? We Bare Bears? Ano ka ba?" tapos bigla syang tumawa.

"Ano bang problema nyo sa We Bare Bears at angal kayo ng angal don?" inis na tanong ko.

"Pambata kase." simpleng sagot nya.

"Ano naman ngayon? Bata pa naman ako ah!" tapos nag-pout ako.

"Eww." nandidiring sabi nya. Sapukin ko sya eh! Binato ko sya ng throw-pillow na nasa tabi ko.

Umilag sya. "Hahahaha ano ba?" tawa nya. "Mamili ka na nga lang dyan!" tumawa na din ako. Sabog ba? Masanay ka na. Hahahaha.

Maya-maya pa ay napag-desisyunan namin na manood ng Harry Potter. Isa din yan sa mga favorite ko.

Five minutes palang nung nagsisimula kami ay narinig kong may nag-doorbell.

"Sis, may nagdo-doorbell." sabi ni Steff na tutok na tutok ang mga mata sa tv.

"Alam ko." simpleng sagot ko habang nanonood.

Sumubo sya ng popcorn na nasa bowl. "Alam mo naman pala, buksan mo na." bigla akong napatingin sa kanya.

"Aba! Makapag-utos ka ah, parang bahay mo 'to at ikaw ang nagpapalamon sakin." singhal ko.

"SHHHH!!" pagsasaway nya. Favorite din kasi nya 'to. "Buksan mo na lang yung pinto." utos nya ulit. Bwiset na! Kakamot-kamot ako sa ulo ng pagbuksan ko yung siraulong istorbo na 'to.

"Nagsisimula na b--" bigla kong naisara yung pinto. Nilapitan ko agad si Steff. "G*ga ka! Bakit mo pinapunta dito si Axcel?!" hinarangan ko yung tv.

"Ano ba sis! Layas nga dyan!" tinutulak nya ako paalis sa tapat ng tv. Kinuha ko yung remote at pinatay yung tv. "ANG EPAL MO, SIS!" sigaw nya.

"Epal na kung epal, bakit mo pinapunta si Axcel?!" inis na tanong ko. Hindi ko pa din kasi pinapansin si Axcel simula nung pumasok sya sa kwarto ko at nakita nya akong naka-towel lang.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt