CHAPTER 44

67 12 4
                                    

Zerafina's Pov,

Bumaba ako sa baba at nagpunta ng dinning area, nandon na si Tita, Tito, Ate Ads at si Axcel. Ako na lang pala ang hinihintay.

"Sorry po ngayon lang ako naka-baba, dapat po hindi nyo na ako hinintay." sabi ko sa kanila.

"Okay lang yon, hija. Kumain na tayo." sabi naman ni Tito.

Isa-isa kaming sumandok ng pagkain at kumain ng tahimik hanggang sa nag-salita si Tito Augustus at tinanong ako.

"Hija, kamusta na pala ang pagpapatakbo mo sa kompanya?" tanong nya sakin.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot. "Okay lang naman po, Tito. Medyo busy, marami po kasing meetings tapos ang daming kailangang pirmahan." sagot ko naman.

"Well, that's the life in business world. Mas okay na yon atleast natututo ka." sabi naman nya.

"Tama si Papa, honey. Ganyan talaga kapag may tungkulin na sinumpaan sa kompanya, always busy. Pero tamang time management lang yan." singit ni Ate Ads.

"Yes, Ate. Nama-manage ko naman ng maayos yung oras ko, kailangan lang talaga na maging responsable." sabi ko pa.

"That's right, Zera. Do it for your future." saad naman ni Tita.

"Tama, para yan sa future natin Ze." sabi naman ni Axcel.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil nasa harap kami ng pagkain at bukod pa don, nasa harapan kami ng mga magulang nya. Kay aga-aga umiral na naman pagiging malandi nito.

Nginitian nya lang ako. Tapos ay narinig kong tumawa silang tatlo. Hala?

"Magsumikap ka muna , bago ka lumandi ng ganyan kay Zera, Monks." tawa ni Ate Adeine.

"Hahaha! Ikaw talaga, anak. Taas ng confidence mo, mamaya hindi ka pala sasagutin nyang si Zera." tumatawang sabi ni Tita.

"Iba talaga 'tong anak ko, hahaha!" tawa rin ni Tito. Jusko po!!

"Mana sa ama." sabi pa ni Tita.

Tiningnan naman sya ni Tito. "Sa akin talaga, sweetheart?" tanong ni Tito.

"Aba syempre! Ikaw ang ama eh. Buti sana kung hindi ikaw ang tatay ng anak mo. Hahaha!" tawa ulit ni Tita. Si Tita talaga minsan kalog at joker hahaha.

Pagkatapos naming kumain ay nagsi-alisan na kaming mga pumapasok sa opisina.

Nakarating ako sa company at binati ako ng lahat habang papunta ako sa opisina ko. Chineck ko ang schedule ko at wala masyadong gagawin kaya naging busy na lang ako sa pag-pirma at nag-check ng mga company documents.

~~~~~

Mabilis natapos ang araw at pauwi na ako. Hindi na ako nagpasundo kay Axcel dahil ganon na ang routine namin, doon na lang ako nagpasundo sa driver ko.

Nasa loob pa ako ng opisina ko at iniintay kong tawagin ako ng guard. Sanay na ang guard na tawagin ako kapag nandyan na ang driver ko pero kapag si Axcel ang sumusundo sakin ay sya mismo ang pupunta at tatawag sakin sa opisina ko.

Malapit na ang birthday nun, ano kayang pwede kong iregalo sa kanya?

Hmm?

Balak ko na syang sagutin sa birthday nya. Bukod kasi sa materyal na bagay na ibibigay ko sa kanya, isa ko pang ibibigay ay ang kasagutan sa matagal nya ng tinatanong sakin.

*knock*

*knock*

Bumukas ang pinto at dumungaw ang guard. "Ma'am andyan na po ang sundo nyo." tawag nya sakin.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Onde histórias criam vida. Descubra agora