CHAPTER 40

65 12 7
                                    

Zerafina's Pov,

"Tita! Alis na po ako!" pagpapaalam ko kay Tita Milan na nasa kusina.

"Mag-iingat ka, hija!" rinig kong sigaw nya. Hindi na ako sumagot pabalik at nagtungo na sa kotse ko at sumakay sa backseat.

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong nung driver.

"Sa El Piattro Restaurant tayo." sagot ko.

"Okay po, Ma'am." pinaandar nya na palabas ng bahay ang kotse at nag-maneho na papuntang El Piattro.

Makikipag-kita kasi ako don sa abogado ni Daddy, nasabi kasi sakin ni Tita at Tito na sa last will testament ni Daddy nakalagay at nakasulat ang lahat-lahat tungkol sa kompanya at iniwang pamana ni Daddy. Sabi sakin ni Tito, mas maganda daw kung mababasa ko yon para malinaw sa akin kung ano ba talaga ang makukuha ko at kung ano ang talagang ari-arian ng nasira naming pamilya.

Mahigit kalahating oras ang naging byahe namin bago makapunta sa El Piattro. Pumunta ako sa may waiting area ng restau at kinausap ang babaeng nakatayo sa isang maliit na stand table.

"Excuse me, Miss. I'm Zerafina Scolven." nginitian ko sya.

"Ikaw na po pala yan, Ma'am. Naka-ready na po yung reserved table nyo. This way po." sabi nya sakin at pumasok kami sa loob ng restau. Nagpa-reserve na kasi ako ng table para sa meeting namin ni Mr. Andrada, my father's lawyer.

Nang makaupo ako sa table namin ay sakto namang dating rin ng makaka-meeting ko.

"Am I late, Ms. Aera Stiffsons?" he asked nung makalapit sya.

Ngumiti ako sa kanya. "It's Zerafina Scolven, Mr.??" nilahad ko ang kamay ko.

"Luigi Andrada. Nice meeting you, Ms. Scolven." ngiti nya rin.

"Nice meeting you, Mr. Andrada." then nag-shakehands kami. "Oh, take a seat." sabi ko sa kanya at umupo sya gayon din ako.

"Mag-order na muna tayo.." um-oo naman sya kaya tinawag ko ang waiter at binigyan kami ng tig-isang menu list. Nung maka-order na kami ay nag-simula na akong magsalita.

Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko. "I-sinet ko ang meeting na 'to dahil gusto kong makita at mabasa ang last will testament ni Daddy, Mr. Amiel Stiffsons." sabi ko.

"If thats so, pwede ko naman syang ipabasa sayo ngayon." aniya. Binuksan nya ang dala nyang office hand bag at may kinuhang brown envelope na naglalaman ng papel. "Here's your father's last will." he lend me the envelope.

Binuksan ko yon at kinuha ang papel na nasa loob at binasa ng mabuti. Nakasulat dito na may ipinamana sakin si Daddy sa kompanya, ibig sabihin may hati akong makukuha sa Stiffsons' Empire at yung bahay namin noon ay makukuha ko. Nakalagay rin dito na makukuha ni Mommy ang kalahati ng kompanya at ang kalahati pa non ay sa amin ni Aeva.

"His will says that 50% of the company's ownership will be given to your mother Mrs. Laura Stiffsons, the 25% will be given to Aeva Stiffsons and the remaining 25% of the company's ownership will be given to you, Ms. Zera." paliwanag ni Mr. Andrada.

Tuloy pa rin ako sa pagbabasa habang nagpapaliwanag sya. "Noong una ay iba ang nakalagay dyan sa last will nya, pero makalipas ang ilang buwan ay pinapaltan nya sa akin yon ng bago. Hindi ko alam ang naging dahilan ng pagbabago ng isip nya." napatigil ako sa narinig ko.

"Ano po ang dating nakasulat sa last will ni Daddy?" tanong ko. May unang-una pa palang last will si Daddy bago ito?

"Sa naunang will ng Daddy mo, nakalagay doon na 40% ng kompanya ay mapupunta sa inyong ina, 20% sa iyo at 20% rin kay Aeva.." kung 40% ng kompanya ay kay Mama at tig-20% kami ni Aeva, kanino napunta ang natitirang 40%?

"What about the remaining 40%? Saan napunta yon?" takang tanong ko.

".. Ang natitirang 40% ng kompanya ay mapupunta kay Gregor Stiffons, ang nakatatandang kapatid ng Daddy mo." napalunok ako sa narinig ko. Kay Tito? "Pero nagtataka nga ako dahil nung ipinabago nya sakin ang last will nya ay nawala na ang makukuhang pursyento ni Gregor sa kompanya ng mga Stiffsons. Sa dami ng negosyong naitayo ng Stiffsons' Empire ay wala man lang syang kahit isang makukuha, ni isang kusing sa pamilya nyo ay wala talaga." dagdag pa nya.

Hindi kaya isa sa dahilan ng pagbabago ng isip ni Daddy noon sa last will nya ay dahil may nalaman sya tungkol sa mga ginagawa ni Tito? Posibleng yon nga ang dahilan.

"Kamusta ang pamamalakad mo sa Stiffsons' Empire simula nang mawala ang mga magulang at kapatid mo?" tanong ni Attorney.

"I never handled the company since they died." I answered.

"Kung hindi ikaw ang nagpapatakbo ng kompanya nyo. Sino?" puno ng pagtataka ang boses nya.

"Maybe it's Tito Greg." sagot ko pa.

"Si Gregor? Hindi nya maaaring hawakan at patakbuhin ang Stiffons' Empire dahil wala naman syang karapatan don. Ikaw, si Aeva at ang nanay mo lang ang may karapatan na hawakan ang kompanya." sabi nya.

"Pero wala na sina Mommy at Aeva." ani ko.

"Ang ibig sabihin lang non, lahat ng shares nila sa kompanya nyo ay sayo mapupunta dahil ikaw buhay pa at naka-base sa nakalagay sa last will ng Daddy mo walang karapatan ang sino man para pang-hawakan ang lahat ng ari-arian ng mga Stiffsons, unless isa ka sa mga binigyan ng katungkulan at hati sa kompanya. Saka lang ibibigay ang kabuuan ng Stiffsons' Empire sa kamag-anakan kung lahat kayo na binigyan nya ng mana ay wala na.. Pero h'wag naman sanang mangyari." paliwanag nya pa sa akin.

"So it means, nasa akin ang buong pangangalaga ng kompanya? Sa akin ang buong Stiffsons' Empire?" gulat na tanong ko.

Tumango-tango sya. "Exactly, you own the whole Stiffsons' Empire, even the businesses that belongs to the Empire are all yours. At kahit na anong gawin ni Gregor wala pa rin syang karapatan sa kompanya dahil iyon ang ipinag-uutos ng namatay na CEO." sabi pa nya. Kung ganon, wala talagang permanenteng pagmamay-ari si Tito.

"Mababawi ko ba ang kompanya kay Tito? At gaano kalaki ang tyansa na mababawi ko ito?" tanong ko pa.

"Of course! You have the rights to get back whats really yours. As a matter of fact, mas malaki ang tyansa mong makuha ang kompanya as long as we have this testaments on our hands. This is a great proofs that you owns the whole percentage of the Stiffsons' Empire. And for sure, ikaw ang papanigan ng council." saad nya.

"Anong kailangan kong gawin?" kailangan kong mabawi sa kanya ang lahat ng kinuha nya sa pamilya ko.

"You don't have to do anything, just always be ready. I'll be your lawyer and I'll help you for the sake of Stiffsons' Empire. Hindi ko hahayaang masira ang pinaghirapan ng ama mo, ibabalik natin sayo ang kung ano talagang sa iyo. I'll file a case for this, as soon as possible. Para mapadali na rin ang hearing ng kaso." sabi pa nya.

"Sige, iintayin kong umusad ang kaso. Lalaban ako para sa iniwang pamana ni Daddy at hindi ko sya bibiguin." even if I don't like being connected on public media, wala na akong magagawa. Kailangan kong mabawi ang kung ano ang samin.

Gagawin ko 'to para sa inyo. Hindi ko kayo bibiguin... Mommy, Aeva and especially you, Daddy.

---

Gregor's Pov,

*knock*

*knock*

"Pasok!" sabi ko sa kumakatok sa pinto. Pumasok ang tauhan ko na si Kael. "Bakit ka naparito?" tanong ko.

"Boss, nasundan na po namin si Zera." nagsalin ako ng alak sa kopita.

"Bilisan mo na, baka naman masamang balita yan? Ayusin mo!" ininom ko ang alak.

"Nakita ho namin si Zera sa isang restaurant, may kasamang lalaki. Narinig namin sa usapan nila ang tungkol sa pagkaka-hati-hati ng kompanya." nag-panting ang tenga ko sa narinig ko sa kanya.

"Ano?!" matalim ko syang tinitigan. "Ano pang narinig nyo?" tanong ko pa.

"Narinig rin ho namin na may babawiin sya--" bago pa nya matapos ang sinasabi ay naibato ko na ang hawak kong kopita.

"PROBLEMA KA TALAGA SA BUHAY KO!" sigaw ko.

Napahawak ako sa sintido. Talagang kinakalaban mo ako, Aera? Maghintay ka lang, sisuguraduhin kong isusunod na kita sa kapatid mo.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now