CHAPTER 39

58 12 9
                                    

Zerafina's Pov,

*bang*

*bang*

*bang*

Nandito ako sa Firearms Training Grounds, ako lang mag-isa ang pumunta dito. Gusto kong makapag-solo, mapag-isa at gusto kong maglabas ng sama ng loob sa lahat.

*bang*

*bang*

*bang*

Hindi ko matamaan ang red target, lagi na lang palpak ang mga shots ko.

"Argh! Focus, Zera!" sabi ko sa sarili ko.

Nag-concentrate ako at inayos ang pagkaka-hawak sa baril. Tinantsa ko kung sakto sa target ang nguso ng baril, kinalabit ko ang gantsilyo at pinaputok.

"Sh*t!" sigaw ko nang hindi pa rin tamaan ang red target.

Inilapag ko ang baril sa lamesa at sumandal doon habang nakahawak ang mga kamay ko sa mesa. Huminga ako ng malalim at tumingala.

Naisip ko na naman yung mga nalaman ko two days ago, pagkatapos ko kasing malaman ang lahat hindi na nagtago ng lihim sakin sina Tita. Bawat tanong ko ay may naka-handa silang kasagutan at mas lalo ko lang napapag-tibay ang kaalaman ko na masamang tao talaga si Tito Greg.

Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Tito yung mga ganong bagay, noon kasi ang ayos-ayos ng pakikisama nya sa amin, ang ganda-ganda ng pakikitungo nya sakin, pero pakikisama nga lang talaga ang ginawa nya. Pinakisamahan nya lang kami tapos nung nabuo nya na ang plano nya, sya rin ang papatay samin.

Napapikit ako ng mariin at pag-dilat ko ay kumuha na naman ako ng baril, namumuo na naman ang galit sa akin.

Humarap ako sa target at kinasa ang baril.

"Mommy, Daddy, Aeva.. Kukuhanin ko ang hustisya na dapat nyong makuha.." pinutok ko ang baril.

Kumawala na naman ang mga luha sa mata ko. "Babawiin ko kung ano ang dapat na sa atin!" pinutok ko 'to ulit.

"Ipaghihiganti ko kayo!" isa pang putok ng baril ang pinakawalan ko.

"Sa loob ng dalawapung taon na nabubuhay ako sa mundong 'to na naghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay, ikaw lang pala yung matagal ko ng hinahanap.."

*bang*

"Kung sino-sino ang napag-bintangan sa sala mo, pero ikaw na gumagawa non ang syang malayang nabubuhay sa labas ng bilangguan.."

*bang*

"Okay lang sana sakin kung kinuha mo na lang yung gusto mo, yung pera.. Yung kompanya.. Yung kapangyarihan.. Pero ang kunin ang buhay ng mga magulang ko at ng kapatid ko. Hindi eh. Hindi!"

*bang*

"Hindi ka naman Diyos para kumitil ng buhay ng isang tao! Hindi naman ikaw yung nagbigay buhay sa kanila pero bakit mo ginawa yon?! Bakit?!"

*bang*

"Sana ikaw na lang!! Sana ikaw na lang yung namatay!! Alam ko, oo, ang sama ko ng tao dahil sinasabi ko ang mga bagay na 'to pero wala ng mas sasama pa sa ginawa mo... WALA NG MAS SASAMA PA SA DEMONYONG KATULAD MO!!!"

*bang bang*

*bang bang*

*bang bang*

*bang bang*

*bang bang*

*bang bang*

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now