CHAPTER 2

309 30 11
                                    

Axcel's Pov,

Hindi ko alam kung anong naisip ni Mama at sinabi nyang pamangkin nya si Zera. She's just her bestfriend's daugther and also my bestfriend. What did she think she's doing?

Kitang-kita ko sa mata ni Zera kanina na nalilito na sya sa mga sinasabi ni Mama sa Gregor na yon, maski ako ay nalilito na.

Tapos na ang party at nagsi-uwian na ang mga bisita. Nauna na kami ni Zera sa parking lot, hinihintay na lang namin sina Mama at Papa para makauwi. Ihahatid ko pa ang isang 'to sa condo nya.

"Sorry for keeping you wait. Let's go?" sabi ni Mama. Tumango naman ako at pasakay na sa loob ng driver's seat nang magsalitang muli si Mama. "Axcel... Take her home." I nodded. "Sa bahay natin." naisara ko naman ang pinto sa may driver's seat.

"Huh?" takang tanong ko.

"Tita?" naguguluhang tanong ni Zera.

"Hija, please. Stay with us for now. Please?" Mom reached for Zera's hands. Hindi ko na talaga maintindihan. Ano bang meron kay Mama?

I heard Zera let out a deep sigh. "Okay, Tita. I will." then she smiled.

I don't know but I saw relieved on Mom's eyes when Zera agreed. "Sige na, mauna na kayo." bahala na nga.

On the whole trip, puro buntong hininga at yung music sa radio ang naririnig ko. Zera? She's just looking outside the car's window. Parang malalim ang iniisip nya. Hindi na lang ako nagtanong, baka may problema lang about sa condo unit nya.

Within 45 minutes, nakauwi na kami sa bahay. At hanggang ngayon, hindi pa din natigil yung curiosity ko about what happened a while ago sa Italiano Cuisine.

*beep beep*

Sasakyan na nila Mama yun. Pumasok si Mama sa bahay at lumapit kay Zera. "Hija, you're room was already clean. You can sleep now." tapos ngumiti sya.

Gustong-gusto nya talaga si Zera plus the fact na pinagawan nya pa ito ng sarili nitong kwarto sa bahay namin.

"Thanks Tita." Zera smiled back.

"Let's go, Milan. This is a very long day, we need to sleep." Papa interrupted to their sweet moment as 'Aunt and Niece'. "Axcel, ikaw ng bahala kay Zera."

"Yes, Pa!" sagot ko. Pumanik na sila at kaming dalawa na lang ni Zera ang naiwan dito.

Naglakad si Zera pero hindi papunta sa taas. "Saan ka pupunta?"

"Iinom akong tubig, sama ka?" sagot nya. Sira talaga 'to.

Sinundan ko sya sa kitchen at naupo sa stool. "Napansin mo ba?" bigla nyang tanong habang umiinom.

"Oo" - ako.

"What's up to Tita? Anong sinasabi nya kanina na 'pamangkin' nya ako?" hindi sya makapaniwala sa mga yon.

"That's the same thing that's running on my mind." kinuha ko yung apple sa fruit stand at nilaro-laro.

Nangalumbaba sya. "Bakit nya yun sinabi kay Tito Greg?" Si Tito Greg ay ang kaisa-isang Tito ni Zera, pero hindi sya lumaki sa kanya. Sa amin na sya lumaki since her parents died on a car accident.

"Hindi ko din alam"

---

Zerafina's Pov,

Nangalumbaba ako. "Bakit nya yun sinabi kay Tito Greg?"

"Hindi ko din alam" sabi nya at nagkibit-balikat.

Nakakapagtaka lang na sinabi ni Tita yun, while Tito Greg is my Uncle. Kapatid sya ni Daddy.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin