CHAPTER 50

63 12 7
                                    

Zerafina's Pov,

"Ganyan ba? Ganyan na ba ang nagagawa ng pera? Ng yaman? Ng kapangyarihan? Ang lamunin ang isipan ng isang tao?! Bakit? Dahil ba hindi ikaw ang pinamanahan ni Lolo ng ari-arian ng Stiffsons kaya mo pinatay ang mga magulang ko? Ang Daddy ko? Na kapatid mo!! Kaya mo ba kami pinapatay ni Aeva para sayo na mapunta ang lahat-lahat?!"

Hindi ko napigilan ang mapa-sigaw nang bigla nya akong talikuran, ngayon ko na lang maibubuhos lahat ng galit at hinanakit ko sa kanya.

"Bakit hindi ka makapag-salita? Kasi totoo? KASI TOTOONG PINATAY MO SILA PARA LANG DON!!" sigaw ko ng buong lakas ko.

Humarap sya sakin nang naka-ngisi. "Sinabi na pala nila sayo." sabi nya.

"Oo! Sinabi na nila ang lahat-lahat ng kah*yupang ginawa mo sa pamilya ko!! Simula sa pagpatay mo sa mga magulang ko hanggang sa pagpapapatay mo samin ni Aeva!" sagot ko naman.

Tumawa sya nang pagka-lakas-lakas at nabalot non ang buong silid tapos ay bigla syang tumingin sakin. "Yun lang ba? Yun lang ba ang sinabi nila sayo o may iba pa?" seryosong tanong nya. Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sinasabi nya. Ano bang sinasabi nya na meron pa ba? Bakit? May dapat pa ba akong malaman?

"I guess hindi nila sinabi sayo.." sabi nya habang naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ko tapos bigla syang tumigil sa harapan ko. ".. Dahil hindi nila alam!" tumawa na naman sya ng malakas.

Ano bang sinasabi nya?!

"Anong hindi nila alam?" takang tanong ko.

"Gusto mong malaman? Hmm.." sabi nya tapos ay ngumiti ng nakakaloko. "Lahat kayo, lumabas! Iwan nyo kaming dalawa dito sa loob! Ngayon na!" agad namang tumalima ang mga tauhan nya at nagsi-labasan.

"Bakit mo sila pinalabas?" tanong ko.

"Gusto mong malaman, hindi ba? Kaya sasabihin ko na sayo ngayon ang lahat-lahat!" tapos ay pinanlakihan nya ako ng mata.

Hindi ako natatakot sa kanya!

Sinamaan ko sya ng tingin. "Sabihin mo na!!" nanggigigil na sabi ko.

"H'wag kang masyadong atat! Baka mamaya kapag nalaman mo ang lahat ng sikreto ko, patayin mo na ako ng wala sa oras." sabi nya sa nang-aasar na tono.

"PAPATAYIN TALAGA KITANG H*YOP KA!" sinampal nya naman ako ng malakas at dahil don natakpan ng buhok ko ang mukha ko.

Hinawi nya ang buhok ko at iniipit sa tenga ko. "Sorry my dear niece, hindi sinasadya ni Tito..." sabi nya sa malambing na tono. Bigla nyang hinawakan ang panga ko ng mahigpit. "Ang tabil kasi ng dila mo!!" tapos ay binitawan nya yon ng patulak.

"Matabil lang ang dila ko pero hindi ako kasing sama ng ugali mo at kasing itim ng budhi mo!" singhal ko sa kanya.

Ngumiti sya. "Alam mo, may naaalala ako sayo.." sabi nya tapos ay kinuha ang isang upuan sa gilid, inilagay nya ang upuan hindi kalayuan sa harapan ko at umupo doon. "Ganyan na ganyan si Leo bago ko sya patahimikin.." ipina-ikot-ikot nya ang baril nya gamit ang mga daliri nya.

"S-si Lolo?" anong sinasabi nyang patahimikin? Hindi kaya...

"Oo! Ang lolo mo nga... Si Leo... Si Leonardo Stiffsons, ang ama ko, ang ama ng tatay mo, ang lolo mo." nakita ko syang ngumisi at nagtuloy sa pagsasalita.

Pinatay nya si Lolo?

"Kung ano man yang iniisip mo, tama ka. TAMA KA! Ako ang pumatay sa kanya! Kung sa inaakala nyo namatay sya nang dahil sa inatake sya sa puso, pwes hindi.. Ako mismo ang pumatay sa kanya. Hinaluan ko ng lason yung tubig na ininom nya kasabay ng gamot nya. Ang galing ko noh? Napa-ikot ko kayong lahat sa kamay ko!" tawa sya ng tawa habang ibinu-bulgar ang lahat ng kasamaang ginawa nya sa mga Stiffsons.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now