CHAPTER 22

68 11 11
                                    

Third Person's Pov,

"May plano na ako." said the person behind everything.

"Anong plano mo, boss?" sabi ng isang utusan nya.

"Malapit ako sa kanya, kaya kaya ko syang paikut-ikutin sa mga kamay ko." sabi pa nya. "Maari kong gamitin ang koneksyon ko sa kanya upang maisagawa ko ang aking pinaplano." mataman itong tumingin sa labas ng bintana.

"Ano ho bang plano mo?" tanong ng isa pa nyang alipores.

"Mahabang panahon na ang naibigay ko sa kanya para mabuhay. Masyado na rin syang kuntento at masaya sa buhay nya ngayon kasama ang kinikilala nyang pamilya." sabi nito at pinag-salikop ang kanyang mga kamay.

"Ano po ba ang gagawin namin, boss?" tanong ulit ng isa nyang alipores.

"Simple lang..." ipinaliwanag nya sa mga bata nya ang mga gagawin nito sa kanyang plano.

Bigla namang nag-salita ang isa. "Siguradong hindi ka mapagkakamalan na ikaw ang may pakana ng lahat, boss. Malayo ka sa kanya at magmumukhang aksidente ang lahat."

"Pero boss, sino ang gagawa non?" tanong pa ng isa.

"Sino?" balik na tanong nito. Tiningnan nya isa-isa ang mga alipores nya. "Ikaw!" turo nya sa isang naka-white t-shirt at may makapal na bigote.

"Ako boss?" tanong nito.

"Oo." simpleng sagot nito.

"Pe-pero bakit ako, boss? P-pwede naman si--" napatigil sya ng hawakan ng amo nya ang baril na nakalapag sa lamesang nasa harapan nito.

"Isang buka pa ng bibig mo, ako mismo ang tatapos sayo." saad nito.

Nanahimik na sya gayon din ang mga kasamahan nya at wala nang nagawa pa sa sinabing iyon ng kanilang nakatataas. "Sige na! Lumayas na kayo sa harapan ko, at baka sa inyo ko pa ubusin ang laman na bala nitong baril na hawak ko!" utos nito sa mga ito.

Pagka-alis ng mga bata nya ay iniikot nya ang swivel chair nya paharap sa may bintana.

Kapag kuwan ay sinabi nya ang mga katagang..

"Napapanahon na para mamatay ka ng tuluyan... Aera Stiffsons o ang mas kilala nila ngayong.. Zerafina Scolven.."

---

Zerafina's Pov,

"Hoy Axcel!! Ano na???!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto nya.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Axcel, pinapunta nya kasi ako dito gusto nya daw kasing mag-movie marathon.

"Bilisan mooo!! Malapit na daw si Steffanie!!" kalampag ko pa sa pinto ng kwarto nya.

Kay lalaking tao napaka-tagal magbihis, daig pa ang babaeng mapili at maporma sa damit. Akala mo naman kung saan pupunta.

"Sandali lang, nagsusuklay lang!" sigaw nya mula sa loob.

Langya napaka-arte naman nito. Kinalampag ko ng napakalakas yung pinto ng kwarto nya, buti wala sina Tita ngayon. "HOY ANO BA?! LECHE KA! ANG ARTE MO! PARA KANG BABAE, PWEDE MO NAMANG SUKLAYIN NA LANG NG KAMAY MO YANG BUHOK MO! KALA MO NAMANG NAPAKAHABA NYA--" biglang bumukas ang pinto.

"Sisirain mo ba pinto ng kwarto ko?!" inis na tanong nya.

"Anong tingin mo sa kamay ko? Chain saw?" sarkastikong tanong ko.

"Tsk." sinara na nya ang pinto ng kwarto nya at naglakad papuntang hagdan.

"Ano bang ginawa mo sa loob at napakatagal mo?!" inis pa rin na tanong ko. Kakagigil kasi, lalaking tao ang tagal mag-suklay. Akala mo namang sobrang haba ng buhok.

"Nagsuklay." simpleng sagot nya.

"Magsusuklay ka lang ang tagal-tagal m--" - Ako.

"Naglagay pa ako ng fix sa buhok." sabi nya.

Nag-fix ba sya? Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Daming kaartehan!

Pagkarating namin sa salas ay saktong bumukas ang pinto at iniluwa non si Steffanie.

"Yo sup madlang people?" napa-maang ako sa ginawa nya.

"Baliw.." bulong ko at napa-iling-iling.

"Ay oh! Pak! Saan ang punta natin Mr. President?" inakbayan ni Steff si Axcel.

Tinanggal naman ni Axcel ang pagkaka-akbay ni bruhang Steff. "Ayy! Grabe sya oh! Binabalewala na lang pala ang kamay ko ngayon!" daldal pa ni Steff. Bunganga talaga nito, walang preno!

"H'wag ka ngang maingay, mukha ka na namang radyo dyan eh!" saway ni Axcel sa kadaldalan nya.

Tiningnan naman ako ni Steffanie na parang nanghihingi ng tulong, binelatan ko lang sya at mahinang inasar-asar.

Ayan! Bahala kayo, bwinisit ako ng Panggulong Axcel na yan. Magbu-bwisit din ako.

"Radyo, radyo, wala akong pake. Kung bakit ba kasi ang ayos ng porma mo ngayon? May lakad ka ba? Date or what?" ang bibig na walang preno, malamang si Steffanie ang tinutukoy mo~

"Naglagay lang ako ng fix yun lang, sadyang ipinanganak lang akong gwapo kaya napagkakamalan akong laging naka-porma." tapos kinindatan nya pa si Steff.

"Eww. Yaks. Kadiri." nandidiring arte ni Steff.

Napa-maang din naman ako sa sinabing iyon ni Axcel, napatingin din sya sakin. "What? Kontra kayo?" tanong nya samin. Tumango naman si Steff.

"Hindi ako umaangal, nagsasabi lang ako ng totoo." sabi ko sa kanya.

"Tama tama!" sang-ayon pa sakin ni Steff.

"Alam nyo, acceptance is the only way you can do--" I cutted him off.

"Yes, you're right! Acceptance is the only way YOU can DO, so just accept the fact that you are just building your own DreamLand. Okay?" natatawang sabi ko. Kung bwisit sya, mas bwisit ako.

"Hay nako! DreamLand? Sus! Lagi nga kayong nagtatalong dalawa ni Steff dati kung sino ang mas bagay sakin sa inyong dalawa." natawang sabi nya tapos tumayo sya at binuksan yung tv.

Nagkatinginan kami ni Steff nung sabihin ni Axcel yon. Pinanlakihan ko sya ng mata, sya naman ay itinuturo ng nguso nya si Axcel.

Isa ka pang walang preno ah..

Nagbilang kami ni Steff ng one, two, three sa utak namin tapos sinugod namin si Axcel.

"Wala ring preno yang bibig mo!" pinaghahampas ko sya ng throw-pillow.

"Kaya nga! Makapagsabi ka sakin ng madaldal ako, ikaw rin naman pala!" hampas rin sa kanya ni Steff.

"Ang hilig-hilig mong i-bring up ang nakaraan!! Bwiset ka!!" sinabunutan ko si Axcel.

"Arayyyy!! Arayyy! Masakit Zera ha!" sigaw nya.

"Wala akong pake!" sigaw ko rin.

"Bagay sayo yan, Ax! Masyadong madaldal bunganga mo!" puna pa ni Steff sa kanya.

"Pagbubuhulin ko talaga kayong dalawa kapag nakatayo ako dito!" sigaw nya pa. Pilit nyang nilalaban ang mga kamay namin.

"Kung makakatayo ka pa." tiningnan ako si Steff at tinanguan ko sya.

Ginawa namin kay Axcel yung madalas naming ginagawa sa kanya nung mga bata pa kami kapag naiinis kami sa kanya.

Hinigaan namin si Axcel sa may bandang tyan nya tapos pinagkikiliti kasabay ng mga mahihinang hampas at pitik sa noo.

"Aray ah! Masakit! Nakakarami na kayong dalawa!" saway nya samin.

"At madadagdagan pa!" sabay naming sabi ni Steff.

Hindi na kami nakapag-movie marathon na tatlo dahil nagka-asaran na lang kami. Alam mo yung kahit nasasaktan si Axcel sa mga paghahampas na ginagawa namin ni Steff sa kanya, walang talab sa kanya go with the flow lang sya at patuloy na nakikipag-kulitan samin.

Maharot din kasi yang isang yan. Pero kahit ganon yan, mahal ko yan.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang