CHAPTER 17

66 16 10
                                    

Zerafina's Pov,

Mag-isa ako ngayon dito sa unit ko, sinimulan ko na ring basahin kanina yung binili kong libro ng Harry Potter and The Half Blood Prince. Pure English language yung book, medyo masakit sa ilong pero kaya naman. I've been living on France for three years, so I'm used to it.

I have read 37 pages of the book and you know what wala pa ako sa kalahati. Nakaka-sad man pero oo wala pa ako sa kalahati, ni wala pa nga ako sa one-fourth ng libro at maski nga ata one-eight ng libro wala pa ko.

Then suddenly may sumagi sa isip ko, yung lalaking lagi ko na lang nakakasalubong by accident even without knowing his name na hanggang ngayon hindi ko pa din alam. Let me give him a codename, since binigyan nya ako ng codename na 'Ms. Nightmare', malay ko ba namang seseryosohin nya yung sinabi kong Nightmare ang pangalan ko. Ano ba namang klaseng pangalan yun noh!

Ano kayang maganda codename for him? Hmm... What if Mr. Mysterious? Ay hindi, ang baduy!

Mr. Nice Guy kaya? Since nagpaubaya sya dun sa libro. Ay hindi h'wag din, ang panget.

What if, Mr. Stranger? Tsaka stranger pa rin naman talaga sya dahil hindi ko pa din naman alam ang name nya. Yeah right! From now on, I'm gonna call him Mr. Stranger.

*dingdong*

*dingdong*

"AYY PALAKANG ISTORBO!!"

Napasigaw ako nung biglang may nag-doorbell. Busy akong mag-pangalan kay Mr. Stranger tapos may manggugulat? Nu yon diba?

*kring*

*kring*

*kring*

Nag-ring naman yung cellphone ko, inabot ko yun sa side table.

Axcel calling...

Sasagutin ko na sana yung tawag ni Axcel pero biglang namatay yung tawag.

"Tamo 'tong lalaking 'to. Tatawag tapos i-e-end call! Wala na namang ma-trip sa buh--"

*tutoot*

*tutoot*

Nag-vibrate naman yung cellphone ko. A text message from Axcel.

'Hoy Zera! Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto ha?! Kanina pa ko doorbell ng doorbell! Ano bang pinaggagagawa mo?!'

Ayan yung nakalagay sa text nya. Oh sh*t! Sya pala yung nag-do-doorbell. Agad akong tumayo at pinagbuksan sya ng pinto.

Dare-daretso naman syang pumasok at dumaretso sa kusina. Pagkasara ko ng pinto ay sinundan ko sya, inilapag nya ang mga dala nyang paper bag na may grocery.

"Sorry." nahihiyang sabi ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo at napakatagal mo kong pagbuksan ng pinto?!" inis na sabi nya. Kumuha sya ng pitcher sa loob ng ref tapos ay ng baso.

"Sorry talaga Axcel, sorry." paulit-ulit akong nagso-sorry sa kanya. Lagi talaga kaming nagkaka-away nito, at lagi ring kasalanan ko kung bakit.

"Tsk. Hindi ko na malaman minsan kung anong pinaggagagawa mo sa buhay mo. Para kang laging lutang." sabi nya bago uminom ng tubig. "Sabihin mo nga yung totoo.." tumingin sya sakin. "Nag-aadik ka ba?" tanong nya.

"Hoy, hoy, hoy! Ako?" turo ko sa sarili ko. "Nag-aadik? Eh mas mukha pa ngang adik sakin yung may-ari ng kabilang unit eh!" singhal ko.

"Kalma, nagtatanong lang naman ako." alibi nya.

"Tsk. Siraulo ka! Sa lahat ng pwede mong itanong, yung 'nag-aadik' talaga eh noh! Mukha ba akong adik?" tanong ko sa kanya. Mung*go lang eh. Eh di sana ang tagal ko ng nakakulong sa bilangguan.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now