CHAPTER 41

56 10 8
                                    

Axcel's Pov,

Isang buwan na ang nakalipas simula nung malaman namin na babawiin ni Zera ang lahat ng ari-arian ng kanyang ama kay Tito Greg at isang buwan na rin simula nung tumakbo ang kaso non.

"Maya-maya lang malalaman na natin ang desisyon ng judge sa kaso. Okay ka lang ba?" tanong ko kay Zera. Kasama ko sya ngayon dito sa loob ng kotse ko. Nakahiwalay kami kina Mama, papunta na kami sa korte.

"I'm always ready." sabi nya sabay ngiti.

Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan iyon. "I'm always here for you no matter what." tapos ay nginitian ko sya.

She smiled back and looked outside. Nag-drive ako habang hawak pa rin ng kanang kamay ko ang kaliwang kamay nya. We're used to it, nag-ho-holding hands na kami kahit na wala pang kami. Hindi nya pa kasi ako sinasagot. Malay ko ba dyan, pero ayoko rin naman syang madaliin kaya patuloy akong naghihintay sa kanya.

"Ax..." bigla nyang tawag sakin.

"Hmm?" ani ko.

"Sa tingin mo.. Tama ba yung ginagawa ko?" bigla nyang tanong.

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong nya. "You know what, Ze. There's nothing wrong about it. Hindi mali ang ipaglaban at bawiin kung ano ang tunay na sayo. Ang mali ay ang mang-akin ng alam mo namang hindi mo pagmamay-ari at alam mong kahit kailan hindi magiging sayo. Kaya wag ka ng mag-alala, hindi mali yang ginagawa mo. Hmm?" hinimas ko ang kamay nya. Tumango-tango naman sya habang nakangiti.

Nakarating kami sa korte ng sakto sa oras, kaya wala pang sampung minuto na nakakarating kami ay nagsimula na ang last hearing.

"Wala na bang ibang idadagdag na impormasyon ang bawat panig?" tanong nung taga-pagsalita.

Wala namang nagsalita kaya naman nagsalita syang muli. "For the past hearings we've done, the council has finally decided!" announced ng taga-pagsalita.

Kinuha nya ang envelope na nasa tabi nya. "The result is in my hands." taas nya sa envelope. Iniabot naman nya ito sa head judge.

Nagsalita ang head judge. "Magandang hapon sa inyo.." panimula nya. "Nandito tayong lahat para malaman kung sino ba talaga ang tunay na may karapatan sa kompanyang Stiffsons' Empire at sa hindi. Base sa aming mga nalaman at base sa narinig namin sa magkabilang kampo, may talagang umangat para sa amin." nakita kong tiningnan ni Zera ang mga nasa kabilang hilera ng upuan, sina Tito Gregor. Nginitian lang sya ng makahulugan ni Tito Gregor at hindi pinansin si Zera.

"Naging mahirap man para sa aming mga council na pumili ng nararapat na panig, nakita at alam naman nating lahat kung sino ang namayagpag." sabi pa ng head judge. Binuksan nya ang envelope.

"Ang nanalo sa kasong ito ay ang kampo nina..." kulang na lang siguro ng drumrolls dahil maski si head judge ay pa-suspense sa pag-a-announce.

Nakita kong pumikit si Zera at halata ang kaba sa kanyang mukha. Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.

"Mr. Luigi Andrada. Congratulations!" sabi ng head judge. Napamulat sa gulat at tuwa si Zera ng manalo ang kampo namin. "Mr. Gregor Stiffsons, we're very sorry. Dahil kitang-kita naman sa mga ebidensya lalo na sa last will ni Mr. Amiel Stiffsons na hindi sayo ipinama ang ari-arian nila at ang Stiffsons' Empire kundi sa kanyang pamilya. And even though her mother and sister died, we declare that she will take the whole percentage of the Stiffsons' Empire and the other properties of Mr. Amiel Stiffsons." pagtatapos ng head judge.

"The last hearing ends. Congratulations Ms. Stiffsons." bati ng taga-pagsalita kay Zera.

Bigla akong niyakap ni Zera na syang ikinagulat ko, niyakap ko na lang sya pabalik. I know that she's too happy dahil nabawi na nya ang lahat-lahat ng ari-arian nya mula sa Tito nya.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now