CHAPTER 38

53 11 8
                                    

Zerafina's Pov,

Nasa tapat na kami ng bahay nina Tita, feeling ko bawat hakbang na ginagawa ko papasok sa loob ng mansyon nila mas lalong bumibigat yung pakiramdam sa puso ko.

"Okay ka lang ba, Ate?" biglang tanong sakin ni Ana.

Tumango ako sa kanya at nung makapasok na kami sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng yakap ni Tita Milan.

"I'm so sorry, hija! I'm so sorry, itinago ko sayo ang lahat. I'm so sorry!" iyak ni Tita habang yakap ako.

Hindi ko alam ang ikikilos, ang gagawin at ang tamang sasabihin. Parang umurong lahat ng gusto kong sabihin, umurong yung dila ko.

Nagsimula na namang mag-bagsakan ang mga luha ko.

"I'm so sorry, Aera! I'm really really sorry for everything!" iyak pa ni Tita. Tito pulled Tita away from me.

Lumapit sakin si Ate Adeine. She forced to smile and hugged me tight. "Sorry Ze, ah. Sorry dahil itinago namin sayo." hinagod ni Ate yung likod ko dahil iyak pa rin ako ng iyak.

Lumapit naman samin si Steff. "Sis~!" naiiyak na sabi nya.

Niyakap nya din ako, ako naman ay walang tigil sa pag-iyak. Pinatahan naman nila akong dalawa.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Axcel na parang hingal na hingal. Napalingon sya sa direksyon ko tapos ay nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nya.

Binitawan ako ni Ate Adeine at Steff, lumayo sila sakin. Tumakbo si Axcel papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank God, you're safe!" at mas hinigpitan nya pa ang pagkaka-yakap sa akin. Unti-unti kong ini-angat ang mga kamay ko at niyakap sya pabalik.

"Ayos ka lang ba?" narinig ko syang humikbi. Umiiyak ba sya?

Dahan-dahan akong tumango. Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi at nakita kong tumutulo ang mga luha sa mga mata nya. "May nangyari ba sayo? May masakit ba? Ha?" sunud-sunod na tanong nya.

Umiling lang ako at mas lalong naiyak. Bakit sya ganon? Sobra ko ba talaga silang napag-alala lalo na sya?

Napapikit ako ng halikan nya ako sa noo at yakapin akong muli. Mas napahagulgol ako ng iyak dahil sa kanya.

~~~~~

"Pasensya na talaga, Zera. Hindi namin nasabi sayo ang tungkol sa bagay na yon. Ayaw lang naman namin na mapahamak ka pa." paghingi ng kapatawaran ni Tito Augustus.

Nandito kami sa salas lahat, buong pamilya ni Axcel, ang mga katulong, maging sina Steff nandito pa. Oo, hanggang ngayon ay nandito pa din sina Steff, Jak, Dane at Kent. Hindi pa sila nauwi dahil sabi ni Tito kailangan na din nilang malaman ang tungkol sa mga nangyari at mga mangyayari palang para makapag-ingat sila. Hanggang ngayon din ay walang patid ang pagluha ko.

"Hija, mag-tanong ka lang samin. Sasagutin namin lahat, sasabihin na namin sayo ang lahat dahil panahon na nga siguro para malaman mo." sabat naman ni Tita.

Gusto ko ngang malaman ang tungkol sa lahat ng nangyari sa pamilya ko. Lumunok ako bago mag-salita. "Totoo po ba talaga?" tumulo na naman ang mga luha ko. "Totoo ba talagang si Tito Greg ang nagpapatay kina Mommy? At sya rin ba ang dahilan kung bakit nakapasok ang dalawang kidnapper sa loob ng bahay namin para patayin kaming dalawa ni Aeva?" tanong ko sa kanila habang naiyak.

Tiningnan ni Tito si Tita na nakatingin sa kanya tapos tumingin sya sa akin. "Oo, Zera. Sya nga.." mas nagbagsakan ang mga luha ko sa narinig kong sagot ni Tito.

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now