CHAPTER 14

95 19 10
                                    

Zerafina's Pov,

[Sigurado ka bang okay ka lang dyan, Hija?] - tanong ni Tita Milan sa kabilang linya.

"Opo, Tita. I'm fine. Don't worry about me." sagot ko naman. Sinabi ko kasi sa kanya na nandito ako sa condo unit ko kahit ang totoo ay nandito ako sa mall.

[Okay, sige. Always take care, Hija.] - paalala pa ni Tita sa akin.

"Opo, Tita. I'll always will. Bye po." pagpapaalam ko sa kanya.

[Bye, Hija!] - huling sabi nya na narinig ko at pinatay ang tawag.

Ibinalik ko ang tingin sa hilera ng mga libro na nasa harapan ko. Nandito kasi ako ngayon sa loob ng National Bookstore, nag-ti-tingin ako ng mga libro. Wala lang, nakasanayan ko na din kasi na kapag bored ako nagiging pass time ko na ang pagbabasa.

Lumipat ako sa kabilang shelf ng mga libro at naghanap ulit ng mabibili na libro. I like action and fantasy stories and even Science Fictions. Alam mo yung feeling na ang astig lang isipin? That's what I feel.

Napadako ang tingin ko sa isang makapal na libro na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

"Harry Potter and The Half Blood Prince.." napabulong ako nung makita ko iyon.

It's been a long time since I am searching for that book. Thank God I found you!

Agad ko itong nilapitan. "Dito lang pala kita mahahanap.." kukunin ko na sana ito pero may isa pang kamay na kumuha.

"Ah sige, Miss. Iyo na." binitawan nya yung libro.

Hindi na ko magpapaka-pabebe at magpapakipot. Kinuha ko na yung libro baka mamaya may isa na namang umepal at maunahan ako. "Thank you ha." nginitian ko sya.

"You're always welcome." then he smiled. Wait a second...

"You look familiar." sabi ko. "Have we met before?" I asked.

"Ang sakit mo naman sa ilong, Miss." tawa nya. "But yes, we've met before. Dito din sa mall and- I even drive you home." paliwanag nya.

"Ahhh.." tumango-tango ako. "Naalala ko na." ngiti ko sa kanya. "Btw, salamat sa paghatid sa akin noon."

"Welcome." simpleng sagot nya. "Ohh.. About the book." turo nya sa libro. "I guess, you're the rightful owner for that." sabi nya.

Nginitian ko naman sya. "Hope so. And thanks for sacrificing, hahahaha. You know what I mean." tawa ko.

"Haha oo naman." tawa nya rin.

"I've been searching for this book for a long time, I even went abroad just to look for this pero wala laging out of stock everytime na magtatanong ako." kwento ko.

"Really? Nang-ibang bansa ka pa talaga?" he can't believe me, right?

"Yeah, totoo. Actually, parang halos lahat ginawa ko just to complete the set of Harry Potter Series." itinaas ko yung libro na hawak ko. "At ito na lang ang kulang." dagdag ko pa.

"Wow hahahaha! Potterhead!" sabi nya.

"Tss." I hissed while smiling. "Oh, ang daldal ko na pala. I have to go, sumaglit lang ako para maghanap ng libro." pagpapaalam ko.

"Hahaha, hindi naman masyado. Sige, ako din eh. Napadaan lang. Hahaha ingat, Bye!" sabi nya. Nag-'bye' naman din ako sa kanya at pumunta na sa counter.

"NICE SEEING YOU HERE, MS. NIGHTMARE!" rinig kong sigaw nya pero nung lumingon ako wala na sya dun.

"Ms. Nightmare.." bulong ko. "Oh geez.." bulong ko pa. Napasapo ako sa noo ko ng may maisip ko.

How can I forgot that?! Argh! For the first time I've talked to him hindi ko na itanong yung name nya, at ngayon na nakita at nakausap ko ulit sya hindi ko pa din na itanong. Oh boy! We started as a strangers and until now we're still strangers.

Wow! A big big WOW!

"Ma'am?" napabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako nung cashier.

"Yes?" - Me.

"Three thousand Four hundred and Fifty-two pesos po lahat." then she smiled. Kumuha ako ng Four thousand sa wallet ko at inabot sa babae. "I received Four Thousand cash." sabi nya. "Here's your change." inilahad ko ang kamay ko at inilapag nya ang sukli ko sa kamay ko habang binibilang. "One.. Two.. Three.. Four.. Five.. and forty-eight pesos. Five hundred forty-eight pesos po. Thank you and come again." sabi nya nung ma-i-abot nya sakin yung paper bag.

Habang naglalakad ay nag-iikot ang paningin ko. Napunta ang tingin ko sa isang display sa AstroPlus. Naka-display doon yung mga best selling CD's nila and isa na doon yung CD ng We Bare Bears. Nilapitan ko yun at na-amaze ako. Hale-halera ng We Bare Bears CD's yung nandon. Ghad!

Pandas!!!

"Gusto mo nyan?" biglang may kumausap sa akin, hindi ko yun pinansin at pinagmasdan lang yung lovely CD's ng We Bare Bears.

"You remind me of someone.." bigla akong napatingin sa nag-salitang muli.

"Tito Greg?" takang tanong ko. He smiled at me nung tinawag ko sya.

"Zerafina, sabi ko na nga ba at ikaw yang nakita ko." natutuwang sabi nya. What's funny, by the way?

"Ahh, what are you doing here po?" I asked.

"I am going to meet my son. And out of a sudden, I saw here kaya naman nilapitan kita." sagot nya.

"Ahh.. Ganon po ba." sabi ko na lang.

"Paborito mo rin pala ang mga oso, ano?" sabi nya at tiningnan yung mga CD display.

"Uhm.. Yeah. Ganon na nga po." sagot ko tapos ay tiningnan kong muli ang mga ito.

"Alam mo ba na yung pamangkin ko, paborito rin ang mga oso.. Lalo na yang tatlong oso na yan." turo nya dun sa cast ng We Bare Bears.

I smiled with the thoughts of naaalala pa pala ng Tito ko yung mga favorites ko. Naalala ko noon everytime na magmo-mall kami ni Tito bibilhan nya ako ng panda bears tsaka ng We Bare Bears CD's.

"Ganon po ba.." napangiti ako. "Ah Tito.. You have to know someth--"

"Sir Gregor, your son is now at your meeting place. Shall we?" sabi ng isang babae. Sya ata ang secretary ni Tito Greg.

Tumango naman si Tito. "Gusto mo bang sumama, hija? Ipapakilala kita sa anak ko." tapos ay ngumiti si Tito.

"H'wag na po, Tito. Pauwi na rin po ako eh." alibi ko.

"Ah, sige. I have to go, Zerafina. Nice meeting you again, Hija." by that, he walked away.

Nakalayo na sila sakin. I whispered. "It's nice meeting you too, again, Tito..."

Mistaken Identity 1 (On-Hold)Where stories live. Discover now