One

8.5K 172 9
                                    

I found myself lost.Kasalukuyang naglalakad ako dito sa isang eskinita na di ko alam kung paano ako dito napunta.All I know is I am trying to find my real self dahil simula ng mangyari yon...hindi ko na kilala ang sarili ko.

"Ang chaka-chaka ko kaya bakit may ganoon ako?Hindi pa para lamang yon sa mga magagandang nilalang?Mga gods at goddesses?" Nababaliw na ata ako at pati sarili ko ay nagawa kong kausapin.

"Hah pare!Mukhang tinamaan ng swerte nga naman tayo oh!Sayang panget ang isang to pero mukhang mayaman!"

Napatigil ako ng makasalubong ko itong dalawang nakakatakot na lalaki.Mukhang nakainom pa at pakay nila akong nakawan.

"Miss!Kung ayaw mong mapahamak, ibigay mo na sa amin lahat ng meron ka." Napayakap naman ako sa sarili ko.Wala akong dalang kahit ano maliban sa sarili ko.

"K-kuya wala po akong dalang kahit ano.Sarili ko lang.Please wag niyo po akong sasaktan."

Pagkasabi ko noon ay pareho silang tumawa.M-may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Miss mahiya ka naman!Hindi kami tumitikim ng isang pangit na katulad mo!Ibigay mo na ang pera mo kung ayaw mong masaktan!" Natakot ako ng biglang maglabas ng kutsilyo yung isang lalaki.Umatras agad ako at nagsimula akong tumakbo.

Bakit ba kasi ako napunta sa eskinita na ito?!Mukha ko nga malas na eh!

"Hoy!Wag mo na kaming pagurin!Ptangna mapapatay ka talaga namin!" Shit shit shit!Ano ng gagawin ko?Isip ng mabuti Bella.

"AHHH!" Sigaw ko ng mahawakan ako nung isang lalaki.

"Sabi naman namin sayo na wag mo na kaming pagurin kung ayaw mong masaktan." Nakakatakot yung ngiti niya ngayon.Papatayin nga nila ako pero hindi pwede!

Malakas kong sinipa yung lalaki sa holy moly niya.Agad naman niya akong nabitawan at napasaigaw siya sa sakit.Paparating na dito yung isa niyang kasama.Tumakbo lang ako ng tumakbo ng marating ko ang isang dead end.Mukhang katapusan ko na nga.

Pumikit na lamang ako at ipinagdasal na kunin na ako ni Lord ng walang hirap.Mas gugustuhin ko naman na mapunta sa heaven ng hindi nasasaksak.Napamulat naman ako at nandito pa din ako hinihintay si kamatayan.

"KUNIN NIYO NA AKO PLEASE!" Sigaw ko.Nakita ko naman yung dalawang lalaki.Nandito na sila!

"PLEASE PLEASE PLEASE KUNIN NIYO NA KO PLEASE!" Mas takot ako sa dugo kesa mamatay!Wala na akong oras.Malapit na malapit na sila.

"Tngna pare!Alam kong lasing ako pero puta totoo ba yung nakikita ko?!" Napaturo yung lalaking nakahuli sa akin kanina kaya napatingin ako sa sarili ko.

What the?!Bakit nagliliwanag yung buong katawan ko?!Kukunin na ba talaga ako ng langit?For real?!

Bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo kaya malakas akong napasigaw.Pagkatapos wala na akong maalala dahil nawalan na ako ng malay.




"Gising na ba siya?"

"Siguro?Mukhang naririnig na niya tayo."

"Mabuti naman kung ganun.Excited na akong malaman yung pangalan niya!Hihi!"

"Tumahimik ka nga muna, Mori!Ang ingay mo!"

Ang ingay.Minulat ko yung mata ko para makita ko kung sino yung mga nagsasalita.

Sandali.Totoo ba tong nakikita ko?Nasa langit na ba talaga ako?

"Patay na ba ako?" Tanong ko sa kanila pero mukhang nagulat sila.Bakit hindi ba sila mga anghel?

"Ah hindi ka pa patay!Hahaha!Nandito ka lang sa Land of Aine or Olympias where Gods, Goddesses, Peculiars and Fairies are here." Napakurap naman ako ng madaming beses sa sinabi niya.

"So anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa kanila.Mukhang iiyak na sila dahil wala akong kaalam-alam sa mundo nila.

"Natural isa ka din sa mga peculiars na katulad namin."

"Ako may magic powers?Ang gaganda niyo pero naka-drugs ba kayo?" Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay napailing.

"I guess di mo pa tanggap yung pagkatao mo.But I guess you should take a look at yourself first." Hinila nila ako at dinala sa harap ng malaking salamin.

"AHHHHHH!Sino to?!" Sigaw ko ng makita ko yung repleksyon sa salamin.

"Ikaw yan." Napahawak ako bigla sa mukha ko.What the heck?Ako to?!

Nung isang araw isa akong pangit na nilalang,hindi na tao kasi yung mukha ko hindi mukhang tao.Nung isang araw yung buhok ko sobrang kulot tapos kulay itim pa tapos ngayon I have this golden, shiny and long hair.Nung isang araw ang dami ko pang pimples tapos mukha akong mangkukulam pero ngayon halos ang kinis na ng balat ko at sobrang puti ko na.But one thing that brought me to shock is my eyes.What the?Yung itim kong mata naging violet.

"Anong nangyari sa akin?" Sabay naman silang tumawa.Napakunot na lang ako kasi this is not funny!

"Okay.Mukhang kailangan namin sayo ipakilala ang mundo namin."

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now