Fourty Two

1.3K 29 3
                                    

Angel's Point of View

Isang araw palang ang lumipas pero parang impyerno na ang sitwasyon ng buong Olympias.

Hindi ko alam kung paano makakawala sa mistulang impyerna na ito o kung paano ko maisasalba ang mga kaibigan at lahat ng nasasakupan nito.

Wala na siya.Wala na si Zoelle.Nalagutan na kami ng isa,paano na kaya kami makakaahon sa delubyong ito?Hindi pa nagsisimula pero parang talo na agad kami.Tapos na agad ang laban.Gusto ko man manlaban ngunit di na kaya ng katawan ko, mamamatay talaga ako kung hindi ako marunong lumaban dahil ang abilidad ko ay ang magligtas lang ng ibang tao.

"MGA HAYOP!" Nagpupumiglas na sigaw ni Aedin mula sa pagkakagapos.

"Demonyo lang hindi hayop.HAHAHAHAHAHA!" It was a lame joke from Vasillios.Demonyo ba talaga tong mga to?

"Tama na yan.Why don't we serve them their foods?Mukhang gutom na sila." It was Taessa, the glutton bitch na ngayon ay kumakain na.

"I thought we will starve them to death?" Umiirap na tanong ni Augustine sa mga kapatid niya.She really hate us pati ba naman pagkain ipagkakait niya sa amin.

"No.Of course not!I would rather see them suffer by seeing their beloved home turn into hell.Isn't that more fun?" Malakas na halakhak ang ginawa ni Artemisia.Wala akong nagawa kundi ang mapatingin sa mga kasama ko.

"God.I would love to see her and Diana into a fight." Bulong sa akin ni Mori.Siniko ko naman ito para manahimik.Pinagmasdan ko silang magkakapatid at may kanya-kanya silang mundo pero lahat sila ay may mga saltik.

Napatingin ako sa side nina Tyrone.Wala akong ibang maramdaman kundi awa.Nakagapos ang mga kamay at paa nito habang nakatungo lamang ito.Alam kong iniisip pa din niya ang pagkamatay ni Zoelle pero wala na kaming magagawa pa.She's dead at ngayon ay hawak na siya ng mga demonyong ito and who knows kung ano ang gagawin nila sa katawan niya.

I want to claim her body so bad.Gusto ko siyang ibalik mula sa pagkakamatay kahit na buhay ko ang kapalit nito.May mas magagawa pa siya para iligtas ang Olympias kaysa sa akin.

"ARGHHHHHHHHHH!I WISH THAT HEAVEN WILL BURN ALL OF YOUR BODIES Y'ALL UGLY SHIT DEMONS!" Gusto ko man batukan yung isa naming kasamang lalaki ay di ko magawa.

"You mean the burned city?Heaven shit.There's no such thing like that!But hell do exist.Want to come with me?" Nakangiting sabi ni Melucine habang lumalapit sa lalaking kasama namin.Nagulat na lang kami ng bigla niya itong sinampal ng malakas.

"Shit!" Mura ni Aedin na katabi nung lalaki ngayon.Halos mawala sa ulirat ito sa ginawang sampal ni Melucine.

What a bitch.Tinignan niya kami lahat ng masama na parang gustong-gusto niya kaming patayin lahat pero utos ni Artemisia siguro sa kanila ay wag muna kaming hatulan ng kamatayan hangga't di pa namin oras.

"Oh kumain muna kayo." Mukhang basura ata ang gusto nilang ipakain sa amin.Wala na naman kaming magagawa dahil kung hindi kami kakain ay mas lalo kaming manghihina.

"Di naman kayo siguro bobo para malaman niyong nakagapos kami at hindi kami makakakain hindi ba?" Napapikit na lang ako ng mariin dahil baka anytime ay si Mori naman ang masampal ni Melucine.Ngunit isang malakas na palakpak at pagtawa ang narinig ko, walang iba kundi ang sira-ulong si Eleutherios.

"Don't worry.Siya ang bahalang magpakain sa inyo." Nagulat ako ng bigla niya akong ituro.Sure.Ako ang mahina sa mga nandito ngayon kaya sa akin nila ipapagawa to.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang