Four

3.6K 108 7
                                    

"Hoy gumising na kayong dalawa diyan!" Mabilis naman akong nagising ng sumigaw si Angel.Habang si Mori ay tulog pa din hanggang ngayon.

Naalala ko na ngayon na nga pala ang start ko sa Academy.Napahinga ako ng malalim sa naisip ko.Kaya ko ba talaga ang kapangyarihan ko?Sana mahanap ko na ng tuluyan ang sarili ko sa mundong ito.

"Mauna ka ng maligo, Isabella.Gigisingin ko pa ang isang to." Kahit ayaw ko pang bumangon ay bumangon na din ako.Kinuha ko yung nabili kong damit kahapon habang naglilibot kami at tsaka ako naligo.

Di na daw dapat pa akong mag-abala na bumili ng damit dahil sa academy, sila na mismo ang magbibigay sayo ng lahat.Damit, sapatos, pagkain at lahat ng pangangailangan mo.Naiisip ko na sobrang generous ng academy para sa ganon.Well mababait naman talaga lahat ng mga tao dito na sobrang ikinasaya ko though di pa ako sanay na lagi akong nginingitian ng mga taong makakasalubong ko sa daan.

"MORI!GUMISING KA NA!" Pagkalabas ko ng banyo, napatakip na lang ako sa tenga sa sobrang lakas ng sigaw ni Angel.Napabangon naman bigla si Mori at halatang gulat na gulat.

"H-ha?!Anong nangyayari?" Natatawa na lang ako sa kanila.

"Maligo ka na tapos aalis na tayo.Wala na tayong oras para kumain kaya bilisan mo na!" Sigaw ulit ni Angel kaya napatayo agad si Mori at mabilis na pumasok sa banyo.

Umupo ako sa harap ng salamin para magpatuyo ng buhok ng mapatigil ako dahil nakita ko ang sarili ko.

Alam kong ito talaga ang totoong ako pero hindi ko maiwasang balikan ang sarili ko noon na halos pati ako ay hindi tanggap ang sarili ko.Simula ngayon kailangan ko ng talikuran ang buong pagkatao ko noong nabubuhay pa ako sa normal na mundo.Ngunit hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot.May parte sa akin na ayaw talikuran ang dating ako.Kahit na ang pangit-pangit ko dati na pati mga magnanakaw ay inayawan ako, kahit na ipagtabuyan ako ng lahat, kahit pagtawanan ako at paulit-ulit asarin, kahit araw-araw nasasaktan ako...gusto ko ulit na maging dating ako.

Ma-mmiss kita Isabella.

"Mori bilisan mo ha!Ikaw na lang ang hinihintay!" Napatayo ako ng namalayan kong tuyo na yung buhok ko.Napatingin ulit ako sa repleksyon ko sa salamin.

"Gusto ko ng malaman kung sino ka.Kung anong pangalan mo." Para akong tanga na kinausap ko yung salamin.Pero hindi ko maitago na medyo excited ako na pumasok sa academy na yon.

"Ready na ako!Tara na!"

Tinulungan ko sila na magbuhat ng mga gamit nila dahil wala naman akong dala na kahit ano dahil galing nga ako sa normal na mundo at lahat ng gamit ko ay nandoon.Sumakay ulit kami sa kotse pero ngayon ay hindi na ako nagdalawang-isip, pumasok agad ako.Siguro hindi ko na iniisip yung bilis ng kotse dahil sa excitement ko na makapasok sa academy sa unang pagkakataon.

Eupraxia Academy.Yan ang pangalan ng paaralang ito.Dito magsisimula ang panibagong buhay ko kasama ang iba pang katulad ko.

"Let's go?" Tanong sa akin ni Angel.Tumango naman ako at hinawakan nila ang kamay ko at sabay-sabay kaming pumasok.

Namangha ako sa dami ng mga tao.May mga bata pa na nagtatakbuhan sa loob bg academy.Isang malaking advantage siguro ang makapag-aral dito at ma-enhance mo ang sarili mong kapangyarihan simula ng bata ka pa.

"Welcome to Eupraxia Academy!Sa lahat ng mga dating estudyante, you can now meet your fairies again." Nagsigawan naman ang halos lahat ng estudyante dito.Isang liwanag ang sumilaw sa lahat at nagsilabasan yung mga fairies para i-welcome din ang mga owner nila.

"Na-miss kita Nyxie!" Napatingin ako kay Angel na masayang binabati si Nyxie, yung female fairy niya.

"Calix!" Habang si Mori naman ay may male fairy.

"And to those who are new, please proceed here in front to claim your name and your fairy...and also to know your power." Tinignan ko sina Angel at Mori bago ako pumunta sa harapan.Tinanguan naman nila ako habang nakangiti.

I guess...this is it.

Mabagal akong naglakad papunta sa harapan.Ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa akin pero hindi katulad dati sa normal na mundo na mga masasamang tingin ngunit mga masasayang titig na parang masaya sila na nagbalik kami.Nakarating ako sa harapan katulad ng iba.Bumuo kami ng isang pila kung saan nakaharap kami sa kanila.

"I guess y'all excited sa kung anong kaya niyong gawin.Let's start shall we?!" Naghiyawan muli ang mga estudyante at hindi ko mapigilan na ngumiti.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now