Seven

3.3K 95 7
                                    

"And this is the cafeteria!Nanaisin mong mag-cut classes para lang makain mo lahat ng nasa menu nila!" Masayang sabi ni Mori.Agad naman siyang hinampas ni Angel.

"Ano ba Mori!Bad influence ka kay Zoelle.Tsk." Hinahaplos naman ni Mori yung braso niya na nahampas ni Angel.

"Masakit yon ha.Aren't you suppose to heal people?" Inirapan na lang siya ni Angel.I chuckled.Cute nila.

"Zoelle, this is the clinic.Dito ka din nila bubuhaying muli once na mamatay ka." Sa sobrang laki nitong clinic aakalain mo na isa na tong ospital pero hindi.

"And this is where battle trainings are held.The Pholeos." It's like an arena pero yung space kung saan maglalaban yung dalawang tao is surrounded by glass and there's also a timer.

"Para saan yung timer?"

"Ah may specific time kasi every battle.Once na matapos yung oras patay kayong dalawa."

So that means yung Pholeos mismo ang papatay sa inyong dalawa.I see.

"Once na mangyari yon both of you will be surrounded by darkness and feel suffocated for like 5 minutes.It's like being tortured kaya mas gusto namin mapatay ng kalaban." Angel.Well sino ba naman kasi may gusto non?It's like hell for five minutes.

"Trust us,Zoelle.Di mo gugustuhin na maubusan ng oras."


"Good afternoon Mr. Gregore." Agad akong kumatok sa pinto ng office ni Mr. Gregore pagkatapos akong i-tour sa buong academy nina Angel at Mori.Sa sobrang laki ng academy inabot na kami ng hapon kaya nagmamadali ako dito.

"Yes?" Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto at isang babae ang nakita ko.Akala ko ba office to ni Mr. Gregore?

"I'm looking for Mr. Gregore.Alam niyo po ba kung nasaan siya?"

"I am Mr. Gregore." Teka...what?Di naman babae si Mr. Gregore ah.Nakita ko din siya kanina kaya alam kong hindi ganito ang itsura niya.

"But———"

"I can change my form into someone.A shapeshifter." Napatango na lang ako dahil wala akong masabi.Lakas naman ng trip nitong si Mr. Gregore.

"Uhhm fairy?"

"Ah yes!Yes yes.Your fairy will be here tomorrow."

"Oh okay.Thankyou po." Nagpaalam ako agad.Paglabas ko naghihintay na pala sa akin sina Angel at Mori.

"Zoelle!" Napansin ako ni Mori at agad silang lumapit sa akin.

"Tara na sa dorm?" Tanong ko at agad naman silang tumango.

"Alam mo ba Zoelle nakita namin kanina yung mga papables ng Pancras division!Ang hot nilang lahat!" Natatawa na lang ako sa O.A na reaction ni Mori habang si Angel naman ay walang pakialam.

"Tigilan mo nga yan Mori.Mga mayayabang naman yung mga yon!" Inirapan na lang ni Mori si Angel.

"Bakit ba galit na galit ka sa kanila?" Mori.

"Basta!Mayayabang silang lahat!Kung ako sayo Zoelle wag kang lalapit sa mga yon." Napatingin na lang ako sa dalawa.Laki ng galit ni Angel sa mga yon ah.

Sa ilang minutong pag-aaway nitong dalawa ay nakaabot na din kami sa dorm.Wala na lang ako masabi dahil hindi ko pa naman nakikilala o nakikita man lang yung mga estudyante na kabilang sa Pancras.

"Oh shut up!Magluto ka na lang!Hot sila hot!Period!"

"Kalokohan.Isang malaking joke yon!"

"Angel!Mori!Tumigil na kayo, ang ingay niyo kanina pa."

"Oh yan!Lagot na tayo kay Zoelle.Ingay mo kasi."

"Ikaw kaya diyan maingay." Di ba talaga titigil tong dalawa?

"Tawagin niyo na lang ako pag kakain na tayo.Punta lang akong library." Sabi ko sa kanila.Lumabas ako ng dorm namin.

"Pero paano ka namin tatawagin?!" Narinig ko pang sigaw ni Angel pero tuluyan na akong lumabas ng dorm at naglakad palayo.

Gusto ko sana pumunta ng library, buti na lang at alam ko na lahat ng mga daan dito.Sabi naman nina Angel at Mori, kahit hindi pa daw nagsisimula ang klase ay bukas na ang library which is good dahil mahilig akong magbasa ng libro.

Binati naman ako ng librarian pagkapasok ko.May ilang estudyante dito pero hindi ganon kadami.Siguro mga bago sila katulad ko at pinag-aaralan nila ang buong academy pero hindi ako nagpunta dito para doon.Gusto ko lang talaga magbasa ng libro.Naghanap ako ng libro na walang kinalaman sa academy at sa Olympias.Buti na lang may mga librong ganon akala ko puro mga libro about sa subjects, Olympias and sa academy lang ang meron sila.

"Oi." Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Ako ba tinatawag mo?" Tanong ko sa lalaking estudyante na nakasandal sa isang bookshelf habang nagbabasa.

"Nakikita mo ba yang sign na yan?" Tinuro naman niya yung sign na nakasabit sa taas habang nakatungo pa din siya at abala na nagbabasa ng libro.

'Students from Pancras division only'

"Ah sorry." Agad ko naman binalik yung librong nakuha ko.Makaalis na lang nga.

Tama nga si Angel.Mayayabang nga mga students from Pancras.Tsk.

"Stop.Anong sabi mo?" Malakas niyang sinara yung librong binabasa niya kaya napatingin ako sa kanya.

May kung anong nakakatakot sa kanya.Kulay pula yung mata niya kaya napaatras ako agad.May sore eyes ba siya?

"H-ha?I said s-sorry." Why am I even stuttering?

"Don't you know that I can read minds?And who are you to judge us?Huh?" Napalunok naman ako.Kung alam ko lang na kaya niyang magbasa ng kung anong naiisip ng tao.l

"Okay, okay.Fine.Sorry okay na?" Nag-iwas ako ng tingin dahil feeling ko sinusunog niya buong pagkatao ko.Nung hindi na siya nagsalita, naglakad-takbo na ako palayo.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon