Fourty One

1.4K 32 0
                                    

Para akong tanga na nakatayo lang dito at walang magawa.Why am I so scared of dying when we all die in the end anyways?

"Don't.Don't do it." Then there's Tyrone.Stopping me from doing what I need to do.

"Sorry." We all do sacrifices.Minsan para sa sarili at minsan ay para sa iba.Seeing them in pain and crying is way more harder than seeing myself dying.Nakakatakot pero pag napuno ka na, hindi mo na maiisip kung sino ang makakalaban mo.

"Don't do this, Zoelle.Please.You don't have to do this." Nangungusap ang mga mata ni Tyrone na pinipilit akong wag gawin ang nararapat.Madami akong gustong malaman.Kung paano siya nakaligtas sa sitwasyon na ito noon pa man.

"Then ano sa tingin mo ang dapat niyang gawin?Maghintay ng may magliligtas sa kanya?Katulad ng ginawa mo noon?Maghintay ng may mamatay para lang sa sarili mong buhay?" Isang babaeng nakasuot ng pula ang pumasok sa eksena.Mas malakas ang dating nito kaysa kay Eleutherios.Puno ng awtoridad at katapangan ang makikita dito.

"SHUT THE FUCK UP, ARTEMISIA!Zoelle please.Don't listen to them.Please." Sa pagkakataong ito, gulong-gulo na ako.Ayoko man isipin na totoo ang sinasabi ni Artemisia pero bakit pakiramdam ko ay totoo?

"You killed your bestfriend!Para lang sa buhay mo!" Nakita ko si Tyrone na umiiyak.Gusto ko man siya aluin pero ayaw ng katawan ko.

"YOU ALL KILLED HIM!IT'S NOT MY FAULT!"

"Wag mo kaming sisihin sa kasalanan mo bata.Hinayaan mo lang siyang sumama sa amin hindi ba?Apat na taon na ang nakakalipas.Ano kaya sa tingin mo ang nangyari sa kanya ngayon?" Nakangising sabi ni Eleutherios.Nakita ko ang nagbabadyang galit na gustong lumabas kay Tyrone.

"I WILL SLIT ALL OF YOUR THROATS!SHUT UP!" Bago pa man makasugod si Tyrone ay pinigilan ko na ang lahat.

"STOP!" Malakas na sigaw ko.Alam ko na sa puntong ito ay kailangan ko ng ibuwis ang buhay ko.

"Zoelle wag mong gagawin yan!" Narinig kong sigaw ni Mori.Nanatili akong nakapikit habang dinadama ang matulis na bakal na hawak ko ngayon.Naalala ko pa ang panahong, muntikan na akong mamatay sa kamay ng asawa ni Nanay Ludie.Masalimuot man pero hinding-hindi ko makakalimutan yon.

Itinapat ko ang kutsilyo sa tapat ng puso ko sabay baon ko dito.Ayokong maghintay ng ilang segundo na marinig ang mga boses nilang pumipigil sa akin.Lalo na kung maririnig ko pa ang boses ni Tyrone.Ayokong marinig ang mga iyak nilang hindi ko matitiis.Masakit man ang ginawa ko, hindi para sa akin pero para sa kanila.Wala na akong magagawa kung hindi ang isakripisyo ang buhay kong inaalala nila.Ayoko ng makita ang delubyong pilit na winawarak ang mundo naming lahat.Sana matapos na ang lahat.





-Third Person Point of View-

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Tyrone kasabay ng pagbagsak ng mga tuhod nito sa sahig.Sigaw na puno ng pait at pighati at realisasyon na naulit muli ang nangyari apat na taon na ang nakakalipas.May tao na namang nagbuwis ng buhay para lang sa kanya, dalawang taong minahal niya at itinuring na mundo ang nawala.

"N-no.Zoelle!Wake up!Wake up!No!Angel!Angel!Bring her back!Bring her back!Please!" Parang nawala sa ulirat si Mori ng lapitan niya ang walang buhay na si Zoelle.Gusto man ni Angel na lapitan ito ay hindi niya magawa dahil sa panghihina at sakit ng braso niyang nalusaw sa apoy, wala siyang nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin at umiyak.

Wala silang magawa kung hindi ang humagulgol at panlisikan ng tingin ang dalawang demonyong nakangisi sa kanila.Marahas na tinabig nila si Mori palayo sa katawan ni Zoelle.

"Tyrone do something!" Sigaw ni Mori.Ngunit nanatiling nakatayo lamang si Tyrone habang nakatingin kay Zoelle.Para siyang nabato at nawalan din ng buhay.

Walang awang hinugot ni Artemisia ang nakasaksak na kutsilyo sa puso ni Zoelle at hindi niya mapigilang matawa ng maalala niyang, kutsilyo din pala ang tumapos sa buhay ng kapatid niya.Binuhat ni Eleutherios ang katawan ni Zoelle, kasabay nito ang pagtigil ng kaguluhan sa buong lugar ng Olympias.Nakuha na nila ang pakay nila, may buhay man o wala.

"Ibaba niyo siya." Mahinay man pero napakalamig ng boses ang lumabas mula kay Seth.Tinitigan niya ang mga mata ni Eleutherios at napakadaming pangyayari ang nakita niya dito.

"Oh!So you've read my mind." Nakangising banggit ni Eleutherios habang mayabang na nakatingin kay Seth.Hindi naman nagpatinag si Seth at nanatiling may tindig sa postura at hindi kakakitaan ng kaba.

"Sabing ibaba eh!" Kantyaw naman ni Angel na kanina'y tahimik na nanonood habang pinipilit ang sariling pagalingin ang sugat.Hindi gaanong kabilis ang paghilom pero nakakayanan ni Angel na pagalingin ito gamit ang natitira niyang lakas.

"Eh ayaw namin.Why don't we show you how we'll rip this body open?Malaki ang magagawa ng puso niya para sa demonyong katulad namin, hindi ba Artemisia?" Napahalakhak naman si Artemisia sa tanong ng kanyang kapatid sabay tango dito na sumasang-ayon sa gusto ni Eleutherios.

Lingid sa kaalaman ng dalawang magkapatid ang papalapit na delubyo para sa kanila.Sa isang iglap ay nahawakan ni Mori ang kaliwang binti ni Eleutherios kaya agad na nahimatay ito.Kasabay ng pagbagsak ni Eleutherios ay ang pagkawalan ni Artemisia ng kakayahan na huminga ng makontrol ni Tyrone ang buong katawan niya.

Kung tatanungin, kung ano ang pinakamagandang pangyayari sa buong mundo ng mga diyos at diyosa, mga ibang mahikal na nilalang at ang may kakayahan ay ang paggawa sa kanila ng Diyos ng mga diyos bilang isa at pantay-pantay.Kahit gaanon man kahina ang abilidad mo at siyang lakas ng kalaban ay may laban ka pa din na manalo.

"Bakit hindi ka na lang sumama sa amin?Tiyak na makikita mo ulit sila." Nahihirapan man ngunit nakuha pa ni Artemisia na magsalita.Dahil sa sinabi ay mas nagalit si Tyrone.

"What's the point of seeing them if they're all dead?Huh?!" Mga luhang walang tigil sa pag-agos.Masakit man para kay Tyrone ay pinili niyang maging matatag.

"Then...why don't we have a trade?Buhay ng mga taong minahal mo noon kapalit ng babaeng ito." Tinuro ni Artemisia ang walang buhay na katawan ni Zoelle.Nagtaim naman ang bagang ni Tyrone.

"Ganyan na ba kayo kadesperada?!" Malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ni Seth.Parang nagbabagang apoy ang mga mata ni Seth ngayon.

"Kami?Oo.Desperado na kami na makuha ang babaeng ito." Walang pag-aalinlangang sagot nito.Agad na ibinalik nito ang tingin kay Tyrone at hindi napigilang matawa dahil sa itsura nito ngayon.

"Ano na?Nahihirapan ka na bang magdesisyon?Buhay nila kapalit ng babaeng to." Unti-unting humihina ang lapat ng kapangyarihan ni Tyrone kay Artemisia kaya nanunumbalik din ang lakas nito.

"Arghhhhh!" Walang pag-aatubiling tumayo si Angel at akmang susugod kay Artemisia ng tuluyang makatayo ito.Nawalan agad ng balanse si Angel at nabangga niya si Tyrone kaya nawalan ng bisa ang kapangyarihan ni Tyrone kay Artemisia.

"Altheia!Mabuti naman at nakarating ka agad.Kumusta matalik kong kaibigan?" Kita sa mukha ng lahat ang pagkagulat.

Hindi inaasahang si Altheia pala ang kakampi ng mga demonyong gumunaw sa Olympias.Isang kaibigan ng mga demonyo at isang guro sa Eupraxia Academy.

"Anong nangyari kay Helen?" Isang malaking ngisi ang gumuhit sa labi nito.

"Naghihingalo." Mayabang na sabi nito.Malakas na palakpak mula kay Artemisia ang natanggap nito.

"Mabuti naman!Paniguradong may lugar kami dito sa Eupraxia.Hindi ba?" Pinanlisikan ng mata ni Artemisia sina Tyrone at biglang halakhak nito na akala mo ay nanalo.

"Asa ka." Bulong ni Mori.

Inasahang mayroong malutong na sampal ang dadapo sa pisngi ni Mori ngunit isang malaking ngiti lamang ang inihandog nj Artemisia dito.

Buong na ang desisyon ng panganay sa pitong magkakapatid.Mananatiling maghahari sila sa buong Olympias.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now