Eleven

2.9K 77 0
                                    

Ah dahil ba sa braso niya kaya siya nandiyan?Pero bakit kailangan niya pang magsinungaling?

"Zoelle panoorin natin si Angel." Dahil sa sinabi ni Mori, napatingin ako kay Angel.

Nakita ko na tinaas niya yung long sleeve ng damit niya.Nagulat kami pareho ni Mori sa nakita namin.

"Angel..." Sambit ni Mori na bakas pa din ang pagkagulat sa mukha niya.May sugat si Angel at hindi lang siya simpleng sugat, para siyang tama ng baril.Saan niya nakuha yon?

Nagtatago lang kami ni Mori dito habang ginagamot ng nurse si Angel.Mukhang kagabi niya lang yon nakuha.

"Zoelle, Mori?" Pareho kaming nag-iisip ng malalim ni Mori kaya siguro di namin napansin na papalabas na si Angel.

"Ikaw,Angel bakit di ka nagsasabi?" Galit si Mori.Nanatiling tahimik na lang ako.

"Ayoko kayong mag-alala." Nagkatinginan kami ni Angel pero agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Hindi Angel.Mas lalo mo kaming pinag-alala dahil inilihim mo sa amin.Kailangan mo pa talaga magsinungaling ano?" Mori.

"Sorry Mori.Sorry Zoelle." Nakatungo niyang sabi.

"S-saan mo nakuha yan?" Tanong ko.Nagkatinginan kami ni Angek tsaka ulit siya tumungo.

"Wala to.Mabuti pa na di niyo na malaman.Sorry." Pagkasabi niya non, tumakbo siya agad.

"Zoelle, susundan ko lang si Angel.Bumalik ka na sa dorm." Tumango na lang ako.Nakaalis na si Mori.Wala na din namang masyadong estudyante dito.Siguro mga nagpapahinga sila.

"Okay ka lang?" Gulat na napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

"O-oo.Sino ka ba?" Tanong ko.Di ko siya kilala at hindi ko siya kaklase.

"Seth.I am from Pancras Division." Blonde yung buhok niya at kulay brown yung mata niya.Mukha siyang mabait di katulad nung lalaki sa library.Tss.

"So nakakabasa ka din ba ng isip?" Tanong ko pero agad siyang umiling.Buti naman.

"No but I can see your past." Nandiri ako sa kindat niya.

"Oh that's good buti di ka kagaya nung kasama mo sa Pancras division na nakasalubong ko sa library, sama ng ugali.Napakayabang pa." I rolled my eyes sa inis.

"Ah I guess si Tyrone ang nakita mo sa library since siya lang din naman ang madalas pumupunta don."

"Yung lalaking kulay pula yung mata?Tapos nakakatakot?" Tanong ko tsaka tumango si Seth.Tyrone pala pangalan non tss.

"Di naman masungit yon unless papakialamanan mo yung mga libro sa library na kabilang sa division namin." Ako naman ngayon ang napatango.Kaya pala ganun kasungit yon.

"Pag ako...napabilang sa division niyo...lagot siya sa akin." Pagkasabi ko non biglang tumawa si Seth.

"Bago ka pa nga lang ang yabang mo na." Napatigil yung paghinga ko nung may nagsalita sa likod ko.Kaya pala tumatawa si Seth.

"Oh chill lang Tyrone!Ang sungit mo daw kasi." Natatawang sabi ni Seth.Tinignan ako ng matalim nung Tyrone kaya nag-iwas ako ng tingin.

Malay ko bang nandito siya eh di sana di ko na lang yon sinabi.

"But you don't know that I'm here kaya ang lakas ng loob mong magsalita." Ah oo nga pala nakakabasa siya ng isip.

"You can read minds nga pala." Sambit ko tsaka ako napangisi.

Ang pangit mo alam mo yon?Di ka pwedeng maging isang god!Para lang yon sa mga magwagwapo at di ka kabilang don!Nakuha mo?!

"Can you shut up?Ano naman kung pangit ako?Can't you see all those girls?They all tried to court me." Napalunok ako nung nginisian niya ako.I swear nakakatakot siya para siyang demon!

"T-the hell I care." Aalis na ako.Ayoko na dito.Kailangan ko ng makabalik ng dorm.

"Bye!" Rinig kong paalam ni Seth.Mas binilisan ko ang takbo papuntang dorm.

Ano ba kasi yan Zoelle!Yabang mo kasi yan tuloy nasupalpal ka nung Tyrone na yon!Tandaan mo nasa ibang mundo ka kaya mas witty mga tao dito!Mas better siguro kung mananahimik ka na lang.

Pagkadating ko sa dorm wala pa din sina Angel at Mori kaya pumunta na lang ako sa kwarto ko tsaka ako pabagsak na humiga.Napagod ako sobra sa pagtakbo.

Bakit ba kasi ako tumakbo?Stupid.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Where stories live. Discover now