Fourty Six

1.3K 34 1
                                    

Pareho naming pinagmasdan ni Mori ang natutulog na si Angel.Kahit gaano kasama ang nagawa niya sa amin,kaibigan pa din namin siya at walang magbabago doon.Ilang beses man niya ako sinubukang patayin pero okay na yon,tapos na eh at buhay pa din naman ako.

"Ughhh." Napabalikwas ng upo si Angel sa higaan niya kaya agad namin siyang inalalayan ni Mori.Ibinalik ko na din ang kapangyarihan niya pero mahina pa din ang sistema niya.

"Angel..." Pabulong na sambit ni Mori.Napahawak naman si Angel sa ulo niya at dahan-dahan na nagmulat ng mata.Nung makita niya kami ay bigla na lang siya umiyak.

"D-don't cry!" Pumiyok pa ang boses ni Mori at nangingilid na ang luha nito.

"Zoelle..." Tinitigan ako ni Angel habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha nito.Tinanguan ko naman siya at hinagod ko ang likod niya pero mas lalo siyang umiyak.

"Okay lang,Angel.Okay lang." Nginitian ko ito.Nabigla ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay at hinaplos-haplos ito habang nakangiti at umiiyak.Napatingin ako kay Mori at tinanguan lang ako nito.

"Mag-usap muna kayo." Pinanunasan ni Mori ang mata niyang basa ng luha tsaka umalis.Nanaig ang katahimikan at ang hikbi lang ni Angel gawa sa pag-iyak ang tanging naririnig sa apat na sulok na kwartong ito ngayon.

"Zoelle sorry talaga.Sorry!Sorry!Kunin mo na lahat ng kapangyarihan ko basta patawarin mo lang ako.Please!Masyado akong kinain ng kahinaan ko at kasakiman,sorry.Hindi ko dapat yon ginawa!Ang tanga tanga ko!I'm so selfish!" Nagsimula siyang hampasin ang sarili niya kaya agad ko itong pinigilan.Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan ko lang siya na ilabas ang sama ng loob niya.

"Shhhh.Everything's alright now,Angel." Hinaplos ko ang malambot nitong buhok.

"Zoelle sorry for being a bad friend.Demonyo nga talaga ako dahil nagawa kitang saktan." Kumalas ako sa yakap at hinawakan ko siya sa magkabilang braso at tinignan siya.

"Demons can change.May puso din sila.And you,Angel,you're not a demon.Naiintindihan ko kung bakit gusto mo ng ibang kapangyarihan,kasi gusto mong may magawa ka for yourself and it's not being selfish,it's self love." Pinahid ko ang luha niya sa pisngi at nginitian ko siya.Napatungo naman ito at patuloy pa din ang paghikbi.

"Pero masama pa din ang nagawa ko sayo.Hindi ka ba magagalit man lang?" Tinignan niya ako at alam kong inaasahan niya na sabihin ko na nagagalit ako sa kanya pero umiling ako bilang sagot.

"Hindi.Bakit ako magagalit?Naiintindihan kita,Angel,alam kong may reason ka kung bakit ka napilitang gawin yon.Siguro wala na din akong oras na magalit sayo kasi yung galit ko naibigay ko na ata sa mga demonyong sumalakay sa Olympias." Biro ko pa dito.Napangiti naman ito at mahina akong hinampas sa braso.

"Thankyou.Akala ko mawawalan ako ng kapangyarihan at ng mga kaibigan." Binatukan ko naman siya ng mahina at bahagya akong natawa sa reaksyon niya.

"Kahit kampon ka man ni satanas,kaibigan ka pa din namin.Tsaka ang pangit naman siguro kung may 'Angel' sa impyerno diba?" Pareho kaming natawa sa biro ko.Napatigil na lang kami ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mori.

"So kayo na lang ang may karapatang sumaya?" Bakas sa mukha nito ang pagtatampo pero imbes na suyuin namin si Mori ay tinawanan lang namin ito ni Angel.Lumapit si Mori at niyakap niya kaming dalawa.

I missed this.I missed them...a lot.Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko dito sa Olympias kung wala sila.They're my family now.

"Ah Angel may gusto nga pala akong itanong sayo." Bumitaw ako sa yakap dahil naalaa ko na naman ang insidenteng yon.

"Ano yon,Zoelle?" Napakunot ang mga noo nina Angel at Mori gawa sa tanong ko.Huminga ako ng malalim bago magtanong.

"Hindi naman sa pinagbibintangan kita pero may alam ka ba tungkol sa pagkabaril sa akin?" Saglit na nanahimik si Angel at mukhang inaalala niya ang araw na iyon.

O L Y M P I A S (Home of the gods)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz